“Coffee?” ang alok ni Trace sa kaniya na nalaman niyang ang asawa nito ang may-ari din ng hotel na iyun.
“Salamat,” ang kaniyang sagot at sinenyasan nito ang isang attendant para kunin ang kaniyang order na kape.
“Ano nga pala yung gusto mong ipagawa Atlas?” ang tanong ni Maximo sa kaniya.
“Mayron kasi akong murder case na hawak.. Apat na babae ang biktima,at… nagbabala sakali ako na narito ang hinahanap kong suspect at ebidensya.” Ang kaniyang sagot at mula sa hawak niyang maliit na paperbag ay inilabas niya ang usb at ang phone ni Hailey na kinuha niya sa evidence room.
Alam ni Atlas na maaaring makuwestiyun ang paglalabas niya ng ebidensya. Maaaring ilaban kasi sa kaniya ang mga teknikalidad at kuwesiyunin ang integrity ng evidence lalo pa at inilabas na niya ito sa custody ng evidence room.
Pero wala na siyang ibang choice sa sandaling iyun. Hindi na niya maghihintay pa ang paggaling ni Rye. Marami nang katanungan na gumugulo sa kaniyang isipan. At ayaw na niyang madagdagan pa ang biktima habang at large pa rin ang suspect.
Oo, sa kaniyang teorya, na hindi isang random lang na pangyayari ang pagsaboy ng asido kay Maricel. She was targeted and what are the odds na kaibigan din ito ng apat na biktima.
Naisip niya na nahirapan ang suspect na pasukin ang bahay ni Maricel dahil sa hindi ito katulad ng apat na biktima na nag – iisa lang sa bahay. Kaya naman sinira na lang ng suspect ang mukha at balat ni Maricel.
Sa kaniyang mga suspect. Si Nate at Randy lang ang makakagawa niyun. Pero kung bakit parang sirang plaka na paulit-ulit na gumugulo sa isipan niya ang pangalan ni Cedrik. Pakiramdam niya na may missing piece ang case na iyun.
He slid the phone Na nasa loob ng ziplock bag at ang usb sa ibabaw ng mesa patungo kay Trace. Si Trace ang ipinagmamalaki noon ng kaibigan din niyang si retired General Dela Vega. Pagdating sa hacking si Trace Velasco ang kayamanan ng PNP.
“Anong kailangan mo mahanap?” ang tanong ni Trace sa kaniya na hindi pa hinahawakan ang mga inabot niya rito.
“Mga files, messages, pictures, sa cloud storage ng biktima na may – ari ng phone na si Hailey.” Ang sagot niya at tumango naman ang ulo ni Trace.
“Iyun lang ba?” ang tanong nito sa kaniya.
“Pahirapan mo naman daw siya nang kaunti,”ang natatawang sabat ni Maximo.
“Hindi naman!” ang pagtanggi ni Trace. Halata na agad ni Atlas na humble ito sa kabila ng angkin nitong talento.
“Kinakalawang na rin nga ako eh, alam mo na… hindi na ito ang trabaho ko.” Ang dugtong pa ni Trace na may matipid na ngiti sa labi nito.
“Iba na kasi ang dinudutdot ng daliri mo,” ang malokong sagot ni Maximo. At hindi niya inaasahan na makita niya na namula ang mga pisngi ni Trace.
“Loko, wholesome ako.” Natatawa nitong sagot.
“Hindi seryoso na tayo, iyun lang ba ang kailangan mo?” ang tanong muli ni Trace sa kaniya.
“Uh, matanong ko lang kung, posible bang… maretrieve pa o ma-restore pa ang isang file, messages, o pictures na burado na sa phone? Lalo na sa isang application?” ang usisa niya.
“Hmm, depende, puwedeng burado na sa phone pero nakasave pa rin sa cloud for back up.” Sagot ni Trace sa kaniya.
Tumango ang kaniyang ulo. Ganun din naman ang sinabi sa kaniya ni Rye. Pero mayron daw mahirap nang maretrieve at iyun ay kung burado na sa cloud.
BINABASA MO ANG
DIAMOND KNOT Detective Atlas Carberry book 2 (completed)
Mystery / ThrillerFeeling humiliated from his previous case that almost lead to a terror attack. Detective Atlas Carberry decided to return his badge and resign his detective position and leave the police force. For him his lack of judgment almost failed him to see t...