CHAPTER 10

296 35 17
                                    

Ramdam ni Aurelia ang mga mata ni detective Carberry sa kaniyang likuran habang nauuna siyang naglalakad paglabas niya ng classroom.

She could feel his towering presence kahit pa nasa likuran niya itong naglalakad kasunod niya. Bakit ba hindi na lang ito naunang naglakad papunta sa sasakyan nito? ang tanong ng kaniyang isipan. Maya-maya naman ay nakita na niya si Yosef na naglalakad sa kaniyang tabi.

"Dito lang ba tayo sa school vicinity magkakape? Or you want to drive a few minutes sa labas ng campus? Is aw this coffee shop not far from..."

Kumunot ang noo Aurelia. Hindi na niya naintindihan pa ang sinasabi ni Yosef nang maramdaman niya na tila ba wala nang nakasunod na detective Carberry sa kaniya.

Bahagya siyang lumingon at napansin niyang wala na si detective Carberry. At doon na siya tuluyan na lumingon sa kaniyang likuran at pumihit ang kaniyang katawan mukha at doon na niya nakita si detective Carberry. Huminto ito sa paglalakad. Nakahawak ito sa pader to support himself from standing habang nakalapat ang kanan nitong kamay sa sarili nitong dibdib. At napansin niya ang kunot nitong noo at ang nakabuka nitong mga labi. It was easy for her to see that he was having difficulty in breathing.

"What?" ang narinig niyang sambit ni Yosef na huminto rin sa paglalakad. Without having second thoughts ay dali-dali siyang humakbang papalapit leaving Yosef behind her. Her heart started to race inside her chest. It was the familiar beat of her heart noong gabing iyun. At ang labis na pag-aalala niya para kay detective Carberry ay muli niyang naramdaman.

She stood beside him and feeling anxious ay hindi na niya inisip nang hawakan niya ang kanan na braso ni detective Carberry and she studied his face. His brows were furrowed while his eyes were closed and she could hear him loudly breathing from his lips.

"Detective? Atlas? Are you okey?" ang tanong ni Aurelia na may labis na pag-aalala.


Hindi nakawala sa pandinig ni Atlas ang sinambit ni doctor Crime. Sinambit nito ang kaniyang pangalan. No formality or anything. Sinambit nito ang kaniyang pangalan na Atlas. it sounds good lalo na sa husky voice nito. Yung parang inaantok? At pinigilan niya ang kaniyang sarili na ngumiti at ginalingan na niya ang kaniyang pagkukunwari. Tumalab nga ang pabebe niya.

"Ha, ugh," ang kaniyang sambit habang hawak niya ang kaniyang dibdib at humihinga siya sa kaniyang bibig.

"Detective?" ang muling tanong nito na may pag-aalala. Nakaramdam man nang kaunting guilt sa pagkukunwari niya pero iyun lang ang naisip niyang paraan para magkaroon sila ng chance ni doctor Crime na makapag-usap.

"Hindi ka ba makahinga?" ang tanong nito at saka siya tumango. Iminulat niya ang kaniyang mga mata at ang mga mata nito sa likod ng makapal na salamin ang bumati sa kaniya. Their face was close. Too close na napansin niya ang maliliit na nunal sa ilalim ng kanan nitong mata.

"Yeah, kanina pag-akyat ko, hinapo na ako," ang kaniyang sagot na malapit naman sa katotohanan.

"You shouldn't have taken the stairs, gumagaling pa lang ang baga mo, may gamot ka pa bang iniinom?" ang usisa nito sa kaniya.

Tumango ang kaniyang ulo. "Yeah, nakalimutan ko lang na inumin dahil sa...sobrang busy ko."

He heard her clucked her tongue, "hindi mo dapat kinakalimutan ang mga ganiyang importanteng bagay."

"What's wrong?" ang narinig nilang tanong ni Yosef.

"He's having difficulty breathing," ang sagot ni doctor Crime kay Yosef.

DIAMOND KNOT  Detective Atlas Carberry  book 2 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon