CHAPTER 33

337 34 9
                                    

Jay? J? ang tanong ng kaniyang isipan. "Jay?!" he voiced out the question in his mind.

"Uhm yes." Ang sagot ni Yosef sa kaniya. Napasulyap siya kay Aurelia na alam niyang nasa isip din nito ang pagkakaiba ng pangalan. Hindi niya alam kung nabasa na ni Aurelia ang thread ng conversation between a certain J and Hailey.

"But I thought his name is Drew? Doctor Drew Vismonte right?" ang tanong ni Aurelia.

"Uhm yes doctor, I am Drew Vismonte," ang sagot ni doctor Drew kay Aurelia. And he watched his wide smile towards Aurelia at sa sandaling iyun ay naalala niya ang mga video ng biktima. And it was obvious on the way he was looking at Aurelia na mayroon itong gustong sunod na biktimahin.

Well never gonna happen, ang sabi ng kaniyang isipan.

"Well," ang panimula ni Yosef na malapad ang pagkakangiti, and he could already tell that his anecdote about doctor Drew is amusing.

Tinapik ni Yosef ang balikat ni Drew, "you'll let me tell them right?" ang tanong ni Yosef kay Drew na nagkibit lang ng mga balikat nito before he crossed his arms on his chest.

"Fire away," ang nakangiting sagot nito sa kaibigang si Yosef. He still looks nonchalant hindi nito alam ang tungkol sa messages na naretrieve nila sa phone ng biktima. He's giving away himself sa kaniya, ang sabi ng isipan ni Atlas. Habang nakatingin lamang siya sa dalawa and he tried to look interested na hindi masyadong interested na pangkasuhan ng dating.

Mahinang natawa si Yosef na malapad ang pagkakangiti sa mga labi nito and his gaze turned to Aurelia and to him. "We always call him Jay, we grew up in the same town back in the province like what I have told you a while ago na mga friends ko ang mga kasama ko from college and Jay or Drew is one of them and... noon pa man kasi Jay na ang tawag namin sa kaniya because his former name was Jerew," ang paliwanag ni Yosef na may kasamang mahinang tawa at sumulyap ito sa katabing kaibigan na si doctor Drew na napapailing na lang ang ulo.

"When I was a bit older, I went to court to ask for a change of first name for reasons na katulad nang ginagawa ngayon ni Yosef...yup, I don't know kung bakit ginawa nila akong katatawanan noon, sa," umiling ang ulo nito, "hindi ko alam na kadahilanan but...enough reason for me para laging pagtawanan ang aking pangalan and...I want to be a doctor? And who wants to be called doctor Jerew?" ang paliwanag ni doctor Drew Vismonte who shook his head and lifting his palms up.

"That's why I changed my name." ang dugtong nito na may pagtango ng ulo.

"But we still call him Jay, kami lang na mga ka-close niya ang tumatawag sa kaniya ng Jay." ang sabat ni Yosef.

Yeah ka-close pati mga babae niya, ang sabi ng isipan ni Atlas.

"Oh we better get back sa table namin, again, Aurelia? Atlas, I am..." nagbuntong-hininga ito, "I am happt for the both of you."

"Thank you." Ang sagot niya. at nagpaalam na sina Yosef at Drew sa kanila ni Aurelia at naglakad na pabalik sa lamesa ng mga ito to join their other friends.

At sakto naman na dumating na ang kanilang order na inilapag sa kanilang mesa.

"If you need anything sir just give us ring using this," ang bilin ng waiter sa kanila na nag-iwan ng isang chip na may button.

"We will, thank you," ang sagot niya. Tumango ang server at saka nito nilisan ang kanilang mesa ni Aurelia.

Nagsimula na silang kumain and he was not disappointed sa napili niyang restaurant. Hindi lang ang view ang masarap sa mga mata ngunit pati ang pagkain ay masarap sa panlasa.

But his interest on their food was ruined kahit hindi niya gusto. He wanted to pour all his attention to Aurelia. Ang kaniyang mga mata at ang kaniyang isipan. He wanted for them to talk about their present and future. Their relationship. At hindi ang kanilang trabaho.

DIAMOND KNOT  Detective Atlas Carberry  book 2 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon