CHAPTER 5

367 33 23
                                    

She welcomed the working again pagkarating na pagkarating pa lang niya sa kaniyang opisina. Hindi pa man siya nagtatagal sa kaniyang office ay nakatanggap na agad siya ng tawag mula sa Scene of the Crime Operatives na nanghingi ng kaniyang assistance. Knowing that it was a similar case katulad nang tatlong nauna ay minabuti ng mga ito na isang medical examiner na lang ang gagawa ng autopsy para magkaroon ng consistency sa findings lalo pa at kapag nahuli na ang killer ay isang medical examiner na lamang ang magtestify sa korte.

At matagal na rin naman daw niyang nakakatrabaho si detective Carberry kaya naman minabuti ng mga ito na siya na ang maghandle ng autopsy sa case na hinahawakan nito.

Kaya naman hindi na siya nagulat pa nang maabutan niya si detective Carberry sa loob ng silidng biktima pagkarating niya sa crime scene.

He was standing a few steps inside the doorway sa loob ng silid ng biktima. His tall figure was imposing. He towers all five people inside the small bedroom. His shoulders were wide na sukat na sukat sa suot nitong polo shirt. His legs were long and strong mula sa suot nitong kulay itim na maong na pantalon.

She heard him speaking sa mga operatiba hanggang narinig niya ang tanong nito kung sinong medical examiner ang magka-conduct ng autopsy.

"Kaninong laboratory dadalhin ang victim?" ang tanong nito.

At alam niya sa sandaling iyun ay kailangan na niyang ipaalam ang kaniyang presensiya. "Mine." Ang kaniyang sagot mula sa likuran nito.

She noticed his wide shoulders straighten up before his body quickly turned and his deep almond shaped eyes locked with her upturned eyes behind the thick lens of her square framed eyeglasses. And her stupid heart skipped a beat that was new to her.

Ito na nga ba ang sinasabi niya. Bakit kasi nagpasulsol siya sa kaniyang bestfriend and mentor? Doctor Patricia planted a seed of hope na si detective Atlas Carberry ang magpapahilom ng kaniyang puso at magbabalik ng kaniyang tiwala. Why did she ever listen to a three scores aged of a woman, divorced and living alone about men? And about love? Ugh...ngayon para siyang tangang teenager na nag-iinit ang mga pisngi sa tingin na ibinibigay sa kaniya ni detective Carberry. Is he happy? Was the light in his beautiful almond shaped eyes was glint of happiness when he saw her? Shit? At kailan pa niya sinabing maganda ang mga mata nito? This is wrong! Hindi niya dapat ito naiisip! This is being so unprofessional. Bumalik ka rito para magtrabaho because sa halip na mag-enjoy sa bakasyon ay naburyong kang lalo. Bumalik ka hindi para kay detective Carberry kundi para sa iyong clinic.

"Doctor." Ang sambit nito at saka ito humakbang palabas ng pintuan para lapitan siya. At iniwas niya ang kaniyang mga mata rito.

Be cool. Be cool. You're a cold ass bitch of a doctor. Bumalik ka para magtrabaho at hindi para masaktan sa pag-ibig. Tandaan mo na mas pinili niya si Lorelei na paniwalaan kaysa sa iyo. Ang sabi niya sa kaniyang sarili at saka niya muling ibinalik ang kaniyang mga tingin kay detective Carberry and that moment she was wearing her usual poker face.

"Detective." Ang kaniyang sagot na may pagtango.

"Mabuti at nakabalik ka na from your trip, uh you will handle this case?" ang tanong nito sa kaniya at kahit pa ayaw niyang tingnan ay nakita niya ang ngiti sa mga labi nito.

"Yes, I just got a call from the operatives and requested that I took over the autopsy of this case para hindi na paiba-iba ang magha-handle na forensic pathologist at iisa na lang ang tetestigo sa korte once the perpetrator is caught." Ang sagot niya at hindi na niya sinabi pa ang tungkol sa sinabi tungkol kay detective Carberry that they are already familiar working with each other.

DIAMOND KNOT  Detective Atlas Carberry  book 2 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon