CHAPTER 43

319 37 8
                                    

Napasulyap siyang muli kay Aurelia na hindi na nagpahalata na naguguluhan na rin sa ibang statement ng asawa ni Luis sa sinabi ni doctor Vismonte.

"We should talk to Mister Luis," ang narinig niyang sabi ni Aurelia sa kaniya at tumango ang kaniyang ulo bilang sagot.

"Uhm kailan niyo po...huling nakausap ang anak po ninyong si Cedrik?" ang tanong niya sa asawa ni Luis. At doon niya nakita na lumungkot ang mukha nito. Napansin niya ang pagbagsak ng mga balikat nito kasunod ng isang mahinang buntong-hininga.

"Matagal na...mga...tatlong buwan? Apat na buwan ko na siya hindi nakakausap...uh sa tawag yung call ba, dati kasi halos gabi-gabi eh...kausap ko siya doon siya sa anak ko natawag kay Colby o di kaya naman sa asawa ko kay Luis, pero nito lang mga message lang niya sa anak ko na si Colby ang natatanggap ko." Ang paliwanag nito sa kaniya.

Muli niyang sinulyapan si Aurelia at tinaasan siya nito ng isang kilay. "Uhm siguro po...pupuntahan na lang namin si sir Luis sa warehouse...siya na lang po ang kakausapin namin."

"Tungkol ba saan...kay Hailey ba?" ang tanong nito sa kaniya.

"Uh opo." Ang kaniyang matipid na sagot at nakita niya ang buntong-hininga ng asawa ni Luis.

"Sinabi ko na kasi na paalisin na ang babaeng iyun dito...sa paupahan namin." Ang sambit nito sa kaniya at muli ay nakuha nito ang kaniyang atensiyon.

"Bakit po?" ang usisa niya.

"Ayoko naman talaga siya para kay Cedrik," at saka nagkibit ang mga balikat nito at sandaling tumikom ang mga labi.

"Bakit po?" ang sabat na tanong ni Aurelia.

Nagusot ang mukha nito at saka ito umiling. "Ewan alam mo yung...hindi mo gusto? Mararamdaman mo iyan eh...lalo pa tayong mga babae ramdam mo iyan hindi ba?"

Nagtaas si Aurelia ng dalawang kilay nito. "Hindi ko po alam, I am not a good judge of other people's character." Ang sagot nito.

"Eh, ako ramdam ko...saka dun sa nililigawan yata ng anak ko na bunso, si Maricel? Hindi ko siya gusto sa anak ko pero...malalaki na kasi sila kaya...wala na akong control sa mga buhay nila kaya, nagtitiyaga na lang ako at...nakikisama."

"Ilang taon na po kayo?" ang tanong ni Aurelia.

"Naku matanda na ako, forty-nine na, magfifty." Ang sagot nito sa kanila at kahit hindi tinatanong ay sinabi nito ang edad ng asawa nitong si Luis.

"Si Luis naman ay fifty-two, si Cedrik ay bente-siyete at bente sais naman si Colby." Ang kuwento nito.

"Bata pa po kayo," ang sagot ni Atlas.

"Salamat." Ang nakangiting sagot naman ng asawa ni Lis.

"Paano po, mauna na po kami at...pupuntahan na lang po namin si sir Luis." Ang saad niya saka sila nagpasalamat ni Aurelia na kaniyang iginiya pabalik sa kanilang sasakyan.

"It's either mali ang impormasyon ni doctor Vismonte o hindi alam ng asawa ni Luis, or...inililihim ng mga ito ang nangyari sa anak." Ang sambit niya.

"Maybe doctor Vismonte was misinformed." Ang sagot ni Aurelia.

He pulled open the passenger dor for her. "Tell me kung naiinip ka na." Ang sabi niya kay Aurelia.

"You know I would," ang sagot ni Aurelia sa kaniya na maayos nang naupo sa passenger side.

Binuhay na niya ang makina at pinatakbo ang kaniyang sasakyan. "Malapit lang naman na dito ang warehouse, nila."

"Hmmm, puwede pag-uwi daan muna tayo ng convenient store?" ang tanong ni Aurelia sa kaniya.

DIAMOND KNOT  Detective Atlas Carberry  book 2 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon