Sex video ng tatlong babae? Sa isang clinic? Ang kunot noo na sabi ng kaniyang isipan. He doesn't like this kind of case. Ilang beses nang naabuso ang biktima. Noong nireyp ito at nang kunan ito ng video ang isang pribadong sandali ng magkarelasyon. Iyun ay kung karelasyon nga ng mga biktima ang nasabing lalaking sa hinala ni Rye na isang doctor.
Tumango ang kaniyang ulo, "nandito na sa USB ang mga...shit...I hate this, ayokong pinapanood ang mga ganitong videos, it's like I am invading the victim too." Ang kaniyang sambit and he sounded sad and exhausted.
"I know, but, ito lang din ang paraan para mamukhaan mo yung killer nila, at matulungan mo sila." Ang sagot ni Rye sa kaniya.
"Did you watch the whole video?" ang tanong niya at umiling ang ulo ni Rye.
"Simula lang tapos nagtransfer na ako sa USB," ang sagot ni Rye sa kaniya.
Tumango ang kaniyang ulo, "lahat ng files nila sa phone naclone mo na ba?" ang kaniyang tanong.
"Yes detective isi-send ko right away sa email mo, tatlong clone iyun ng tatlong phone lahat ng apps nila na mayroon ang CP ma-access mo na without bringing the phone out of the evidence room."
Tumango ang kaniyang ulo, "yung sa last victim, gawan mo rin ng clone at send mo sa akin okey? And about the recent victim, baka may makuha kang information sa kaniyang phone or sa kaniyang laptop kung ano ang tunay niyang pangalan, kung saan ang kaniyang probinsiya, friends, or relatives na kinontak niya very recently," ang utos niya kay Rye.
"Tunay na pangalan? Bakit hindi ba yung nasa ID niya ang tunay na pangalan?" ang tanong ni Rye sa kaniya.
"No, dahil nalaman namin sa tulong ni doctor Crime na isa siyang dating lalaki...trans siya." Ang kaniyang paliwanag. "Tapos kung mayroon ka pang nadiskubre sa phone nila or laptops, call me." Ang kaniyang bilin dito.
"Yes detective." Ang sagot nito sa kaniya.
"Thank you Rye, ang laking tulong mo sa akin." Ang kaniyang sagot dito at saka siya lumabas ng technical department. Nilisan niya ang technical department at bumalik siya sa kanilang opisina at naabutan niya pa rin si Gaspar sa loob na abala na nakatingin sa screen ng computer nito.
"Pre lalabas lang ako, may iinterviewhin, kapag kailangan ako, tawagan na lang ako sa phone ko," ang kaniyang sabi habang inilalagay niya sa kaniyang bag palabas na sana siya ng building nang tawagin siya ni Gaspar.
"Copy, oh nga pala," ang sagot ni Gaspar at sandaling inalis nito ang atensiyon sa kaharap nitong computer screen. At dinampot nito ang isang malapad na brown envelope.
"Heto iyung, autopsy report ni Hailey de Guzman nandiyan na rin daw yung last na procedure na ipinagawa mo sa kanila." Ang sabi ni Gaspar sa kaniya.
Kinuha niya ang envelope mula sa kamay nito, "thanks, kailangan ito ni doctor Crime." Sagot niya at napaatras ang ulo at dibdib ni Gaspar at isang malapad na ngiti ang gumuhit sa labi nito.
"Naks, may dahilan na naman siya para magkita silang dalawa." Ang pambubuska sa kaniya ni Gaspar.
At wala na siyang naisagot pa kundi malakas lang na tawa at pag-iling ng kaniyang ulo.
"Pumorma ka na kasi kay doctor Crime, hindi na uso yung taking your time, mamaya...maunahan ka pa ng iba," ang natatawang payo sa kaniya ni Gaspar.
At tanging tawa na lang at pag-iling ang kaniyang ginawa bilang sagot. Ngunit sumagi sa kaniyang isipan si Yosef Benigno ang ang mga salitang sinabi nito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
DIAMOND KNOT Detective Atlas Carberry book 2 (completed)
Mystery / ThrillerFeeling humiliated from his previous case that almost lead to a terror attack. Detective Atlas Carberry decided to return his badge and resign his detective position and leave the police force. For him his lack of judgment almost failed him to see t...