"Ang dami po nito ma'am apat na piraso? I'm sorry pero, curious lang po, kayo po ba ng mister ninyo ang gagamit ng mga ito?" ang tanong ng pinagbilhan niya ng mga life size dolls sa kaniya. Pinili niya ang halos kasing-taas niya at ang isa ay ang mataas na doll na halos sing-taas ni Sunshine.
She wanted the dolls to come as close as the real height of the victims. At hindi siya makapaniwala sa variety na meron ang shop. Iba't iba ang ethnicity at ang hitsura. They were also soft na parang tunay na tao. At tulad ng gusto niya, bendable ito at puwedeng iposisyon sa kahit anong preference mo. Hindi nga alam ni Aurelia kung ginagamit iyun sa mga shop for displays dahil lubang mas pricey pa iyun kaysa sa ordinaryong mannequin.
Kumunot ang kaniyang noo at saka niya isinara ang pinto ng backseat kung saan pinaupo niya ang apat na maniyika.
"What? Ano bang palagay mo sa akin naglalaro pa ng dolls?" ang iritadong tanong niya. At napansin niyang ang seller ng shop naman ang kumunot ang noo sa kaniya at bahagyang napaatras ang ulo nito.
"Uh sorry po." Ang sagot nito sa kaniya.
"Well if you must know, this about work," ang matipid niyang sagot at saka niya hinila ang pinto ng driver side at sumakay siya sa loob. Umatras ang kaniyang sedan paalis ng parking habang banatiling nasa labas at nakatayo ang kausap niyang bantay sa tindahan ng mga laruan.
"Hindi halatang trabaho niya ha?" ang bulong ng seller sa sarili na hindi na niya narinig pa.
***
Kumatok siya sa pinto at saka niya iyun pinihit at sumulip siya sa loob ng opisina. At ang mukha ni detective Gaspar ang bumati sa kaniya. Abala itong nakatingin sa binabasa nitong mga papel. Ngunit pagbukas niya ng pinto ay bahagyang tumingala ito para tingnan ang nagbukas ng pinto. At nagliwanag ang mukha nito nang makita siya.
"Doctor Crime!" ang masaya nitong bati sa kaniya. Tumayo ito sa silayang kinauupuan at mula sa likod ng lamesa nitong puno ng mga papeles ay naglakad ito palabas para batiin siya.
At paghakbang niya papasok ay agad niyang napansin ang bakanteng lamesa ni detective Atlas.
"Uhm, I am here for detective Atlas."
"Atlas?" ang kunot noo nitong tanong at bahagyang naningkit ang mga mata nito. At alam niya ang ibig nitong sabihin. Though she used the title of his rank ay ginamit naman niya ang una nitong pangalan.
"Yes...Atlas," ang kaniyang sagot. At kumurba ang malapad na ngiti sa mga labi ni detective Gaspar kasunod ng paghalukipkip ng mga bisig nito sa sariling dibdib.
"Uh wala siya rito, I know nasa labas siya para mag-interview sa case ng apat na victim, pero hindi ko alam kung saan, hindi mo ba siya nakausap?"
"Uh no," ang sagot niya, "I was out also and naisip ko na dumaan na lang dito kasi nasa area na rin naman ako."
Tumango ang ulo ni detective Gaspar, "well you missed him," ang sagot nito. At kung bakit sa pagdiin nito ng salita ay nagkaroon iyun ng dalawang kahulugan para sa kaniya. Missed him na hindi niya ito naabutan o missed him na hinahanap niya ito.
"Oh ganun ba, siguro...tatawagan ko na lang siya, it's about the case," ang pagpapaliwanag niya at nilagyan niya ng riin ang mga salita para hindi mamisinterpret ni detective Gaspar kung bakit niya hinahanap si detective Atlas.
"I better be going," ang sabi niya at naglakad siya palapit sa pintuan. "Mukhang busy ka." At itinuro ng kaniyang kanan na palad ang lamesa nito na puno ng mga papel.
BINABASA MO ANG
DIAMOND KNOT Detective Atlas Carberry book 2 (completed)
Mystery / ThrillerFeeling humiliated from his previous case that almost lead to a terror attack. Detective Atlas Carberry decided to return his badge and resign his detective position and leave the police force. For him his lack of judgment almost failed him to see t...