CHAPTER 12

352 30 19
                                    

Pinisil ni Atlas ang kaniyang mga mata at saka niya pinatay ang kaniyang laptop. Hindi na niya kayang manood pa ng video na nakuha ni Rye sa laptops ng mga biktima.

Tama nga ang sinabi nito. Hindi alam ng mga bitkima na kinununan ang mga ito ng video. Maaring ipinadala ng lalaking kasama ng mga ito sa biktima ang kopya.

For what? Para blackmail? Ang tanong ng kaniyang isipan. Kailangan niyang mabuksana ng email ng mga ito or messages kung nakatanggap ang mga ito ng pangba-blackmail. Or even call. Sa dami ng ebidensiyang kailangan niyang pagtuunan ng pansinin ay natatagalan na siya. Kailangan niya rin sigurong balikan si Mr. Luis patungkol sa ibang lalaki ni Hailey. Kung alam ba ng anak nitong si Cedrik na may iba pa ito? Hindi kaya...ito ang nagpapatay sa nobya? Ang tanong ng isipan niya. Could be...maraming kayang gawin ang isang taong nasawi sa pag-ibig.

Diferrent woman different videos, at mukang iisang lalaki. He does look like a doctor. He was wearing a labcoat sa simula ng mga videos. Hindi lang nakunan ang nameplate na karaniwang suot ng mga doctor kung talagang doctor nga ito.

Sa ngayon ang video ang naglilink sa tatlong biktima na babae. Kailangan lang niyang mahanap ang katauhan nito at kung nagkaroon nang blackmail sa mga babae at kung nagkaroon man ay kung anong kadahilanan?

Wala pa siyang natatanggap mula kay Rye patungkol sa laman ng phone at laptop ng huling biktima na si Sunshine. Kapag nagkataon na myroon din itong video na kasama ang lalaking wala pang mukha at tanging lugar at labcoat lang ang meron silang imahe, ay magkakaroon na sila ng pangalawang suspect.

Sa tatlong biktima na babae ang pagkakadapa sa kama, ang sukat ng sugat sa leeg, ang parte ng katawan kung saan nakuha ang semilya at ihi, ang naglilink sa mga ito na kaiba sa kalagayan naman ng kay Sunshine na isang transwoman. Ang pagkakapareho lang ng tatlong biktima kay Sunshine ay ang hitsura ng mga ito. They were all beautiful, in their mid-twenties, puting-puti ang mga balat na parang gatas, at parehong nakatali ang mga kamay ng ito sa paraan ng pagkakabuhol.

Tiningnan niyang muli ang kaniyang laptop screen para tingnan ang number ng videos na kailangan pa niyang panoorin. Kailangan niya tapusin ang mga ito baka sakaling may nakunan na mukha ng lalaking ka-sex ng mga biktima. O kahit anong clue na puwedeng magbigay sa kaniya ng pagkakakilanlan nito.

But watching private videos were very hard to endure on his part. It was like he was a third party in violating the victim. Pero ayaw man niyang gawin ay kailangan. Ito lang ang paraan para mahanap ang pagkakakilanlan ng pumatay sa mga biktima. Kung ang lalaking hinihinala nilang doctor sa video ang may kagagawan ng mga pagpatay.

Naalala niya ang sinabi sa kaniya ni doctor Aurelia. Patungkol sa mga pulis sa ibang bansa na nagtitrain tungkol sa rape cases. Ang panonood ng mga tunay na video ng mga nirireyp na babae. He told her on hoe the policemen in training exchanged laughter and jests with one another. And some got horny.

Horny? Sinong makakaramdam ng pagsnanasa sa isang videong minomolestiya ang isang babae? Ang galit na tanong ng kaniyang isipan. naalala rin niya ang sinabi ni doctor Aurelia sa kaniya, tungkol sa naging reaksiyon nito.

She was furious and her stomach lurched that she went out of the room to vomit. Hindi ito nasuka sa pagbukas ng katawan ng tao. Sa amoy ng dugo at kemikal. Sa amoy ng nabubulok na laman. Pero sa kababuyan na ugali ng isang tao particular na ang pulis ay doon ito nandiri at nasuka.

Hindi kaya iyun ang dahilan kung bakit...tila reserved ito sa katulad niya? Katulad niyang pulis? Pero...napatunayan na niya kay doctor Aurelia na hindi siya ganung pulis. At mismong kay doctor Aurelia nanggaling ang validation na iyun.

DIAMOND KNOT  Detective Atlas Carberry  book 2 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon