CHAPTER 48

337 42 21
                                    

"Detective," ang bati sa kaniya ni Randy pagpasok niya ng building kung saan nakaupo ito sa may mga upuan sa harapan ng frontdesk kung saan naroon din ang ibang pulis na kasamahan na nanunuod ng telebisyon.

Tumango ang kaniyang ulo nang tumayo ito para batiin siya. "Halika." Ang kaniyang matipid na utos na may kasamang pagtango para sumunod sa kaniya si Randy. Binagtas nila ang daan patungo sa interrogation room. At sa daan ay nakasalubong nila si Gaspar.

"Gusto niyo ba ng kape?" ang tanong ni Gaspar sa kaniya nang huminto ito sandali para tanungin siya.

"Salamat Gaspar," ang kaniyang sagot sa kaibigan na sumagot ng pagtango at saka ito naglakad patungo sa maliit nilang kapihan sa loob ng building.

Itinulak niya ang pinto ng interrogation room para pagbuksan si Randy. "Kailangan mo ba ng abugado?" ang kaniyang tanong kay Randy paghakbang nila papasok at itinuro niya ang upuan sa tabi ng mesa para maupo ito roon.

Naupo si randy at umiling ang ulo nito. "Hindi po alam ko ang karapatan ko at...buo na ang pasya ko sa gagawin ko." Ang sagot nito sa kaniya.

Tumango ang kaniyang ulo at saka niya pinindot ang isang switch at nag-on ang camera sa loob ng interrogation room. Iyun ang magiging files nila ng pag-uusap nila ni Randy na nagsabing magko-confess na ito.

Hindi man niya iyun inaasahan dahil sa ang kaniyang suspect ay si Colby ay hindi naman niya palalagpasin pa ang pagkakataon na iyun. Gusto niyang marinig ang confession ni Randy.

Siya naman ay naupo sa kaniyang upuan sa harapan ni Randy at hindi pa man sila nagsisismula ay bumukas ang pinto at pumasok sa loob si Gaspar dala ang kanilang kape. Mauupo ito sa isang upuan sa sulok ng silid para magmonitor sa kanila.

"This is a recorded conversation Randy, and again...tatanungin kita ulit, gusto mo ba ng counsel?"

Umiling ang ulo ni Randy. "You have to say it." Ang kaniyang paalala rito.

"Hindi na po." Ang sagot nito.

"Nagpunta ka rito ng kusang loob mo?" ang kaniyang tanong.

"Oo nagpunta ako rito nang bukal sa aking loob na...sasabihin ko na ang katotohanan." Ang sagot ni Randy sa kaniya.

"Katotohanan tungkol saan?" ang kaniyang tanong.

"Tungkol sa pagpatay sa apat na biktima." Ang sagot nito sa kaniya at agad niyang napansin ang pag-iwas ng mga mata nito sa kaniya. He already sensed that he was anxious.

"Ano ang...gusto mong sabihin tungkol sa kanila? Sa apat na biktima?" ang kaniyang tanong.

Isang mahinang buntong-hininga ang pinakawalan nito at doon ay muling sinalubong nito ang kaniyang mga tingin. "Nakausap ko na kayo tungkol dito noon detective Carberry...noong nagpunta ka sa bahay...kailangan ko pa bang ulitin ulit?" ang tanong nito sa kaniya. And again ramdam niya na tila ba nagmamadali na lamang ito. It was like he was in haste na aminin na ang nagawa raw nitong krimen at matapos na ang pag-uusap nilang dalawa.

It was like he wanted to confess and be done with him.

"Kung sinabi mo sa akin na aamin ka Randy, kailangan na ilahad mo sa akin ang lahat...ibig sabihin ay uulitin mo ang iyong sinabi." Ang kaniyang sabi kay Randy at mas malumanay na ang tono ng kaniyang pananalita rito kaysa noong unang inimbitahan nila ito for questioning.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Randy. "Ako ang...may sala...gusto ko silang mamatay...gusto ko silang mamatay nang dahil sa ginawa nila sa asawa ko."

DIAMOND KNOT  Detective Atlas Carberry  book 2 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon