CHAPTER 44

311 34 12
                                    

"Officer Pineda?" ang kaniyang bati sa pulis na tumawag sa kaniya kanina. Pagkatapos ng pag-uusap nila ay dali-dali siyang nagbihis at nagpaalam kay Aurelia na may pag-aalala ring naramdaman para kay Maricel.

"Detective," ang pagbati nito sa kaniya na may pagtango.

"Nasaan si Maricel?" ang tanong niya.

"Dito po sir," ang sabi nito sa kaniya. At nauna na itong naglakad para ihatid siya sa ward kung nasaan si Maricel.

"Anong nangyari sa kaniya, sinabi mo na humingi siya ng tulong?" ang kaniyang tanong habang naglalakad sila patungo sa ward.

"Naka-park po kasi sir sa may labasan, sa mimosng highway papasok ng Sevilla, nang makarinig kami ng sigaw ng tulong tapos tumatakbo siyang lumapit sa amin." Ang sagot nito sa kaniya.

"Doon namin na kita na namumula na parang nasunog ang iba't ibang parte ng katawan niya, at doon na namin siya isinakay sa sasakyan para dalhin dito." Ang pagpapatuloy nito at saka sila pumasok sa isang silid kung saan naroon ang mahigit sa benteng kama na may mga pasyente. The patients were cramped inside the room na sa tingin niya ay sampung kama lamang ang magkakasya. NI walang partition ang mga kama para magkaroon ng privacy ang mga pasytente at isang tagabantay ng mga ito.

At doon nga niya nakita ang pamilyar na mukha ng ina ni Maricel na kaniyang nakausap.

"Anong sanhi ng sugat niya?" ang tanong niya. "You said parang sunog?"

"Sabi ng biktima na may isinaboy sa kaniya, at iyun nga po ang unang assessment namin na sinabuyan siya ng acid." ang sagot nito sa kaniya at nakalapit na sila sa kama ni Maricel. Nakahiga itong naututlog at may mga balot ng benda ang halos kalahating parte ng katawan at mukha nito at napansin din niya ang suwero sa kanan nitong bisig na kakaunti lamang ang sugat na natamo. Mayroon ding cannula tube sa ilong nito para padaanin ang oxygen.

"Detective," ang lumuluhang sabi sa kaniya ng ina ni Maricel. "Tulungan niyo po ang anak ko." Ang naluluhang pakiusap nito sa kaniya.

Tumango ang kaniyang ulo. "gagawin po naming lahat, ng mga kapulisan ang lahat para mahanap at mapanagot ang may gawa nito sa kaniya."

"Kamusta na ang kaniyang kalagayan?" ang tanong niya at inilahad ng ina ni Maricel ang mga isinagawang procedure kay Maricel na kinailangang mag-oxygen dahil sa bumaba ang oxygen level nito. Ayon sa doctor na stable na ito but the secerity of her wounds ay malalaman lamang nila sa mga susunod na araw.

But mostly hindi ang sugat ang mas nakakaapekto sa pasyente kundi ang trauma nang pangyayari at ang iiwang permanenteng bakas nito sa biktima.

She was into physical beauty. Kaya nga umiinom ito ng mga supplement na pampaganda. At sa sandaling iyun ang maputing-maputi nitong balat ay namumula at nangingitim na may mga bakas ng pagkasunog.

She will not be physically hurt but emotionally and psychologically. Lalo na psychologically dahil ang magandang balat at mukha nito ay nasira.

"Saan po siya papunta? O nanggaling kagabi?" ang tanong niya sa ina ni Maricel.

"Hindi ko nga alam eh, pero, iyan naman ay palaging nalayas ng bahay dahil sa nagtatrabaho iyan, nagbebenta na rin siya ng iyung...iniinom nga niya? Naeengganyo siya na magbenta lalo nga at wala na nga siyang nabibilhan kaya sabi nga niya na, siya na ang magbebenta." Ang sagot ng anak.

"Saan po siya nagbebenta? May shop po ba siya?" ang tanong niya.

Kumunot ang ulo ng ina ni Maricel, "sa bahay lang siya madalas na nagbebenta, yung nakalive selling siya, kinabukasan ipapack niya yung orders tapos dadalhin niya sa courier doon madalas kina Tilon, yun kasi ang drop off din tapos kinukuha ng courier, kahapon sabi niya lalabas lang siya at maghahatid ng orders, eh normal naman na iyun ang ginagawa niya kaya naman hindi na ako nagtanong pa o nag-alala tapos, normal na rin sa kaniya na hatinggabi na umuuwi, malaki naman na siya at ang hirap nang pagbawalan, kumabaga...ang ginagawa niya sa araw-araw ay normal lang naman na gawain niya, walang kakaiba." Huminto ito at nagbuntong-hininga. "Hanggang sa nakatanggap nga ako ng tawag sa barangay kagabi at...hay Diyos ko...sino bang gagawa nito sa kaniya?" at nagsimula itong lumuha.

DIAMOND KNOT  Detective Atlas Carberry  book 2 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon