CHAPTER 4

339 35 24
                                    

No forced entry. No force entry. No force entry. Lahat dumaan sa pintuan? Kakilala ba ng mga biktima ang kanilang killer? Ang tanong ng kaniyang isipan.

Maybe he established closeness or familiarity with these girls? Ang sabi ng isipan ni Atlas habang nakaupo siya sa kaniyang upuan sa harapan ng kaniyang lamesa sa station.

At mayroon pa siyang napansin. Pare-parehong taga Sevilla ang tatlong babae iba-iba nga lang ng barangay. Though Sevilla is a very big District in Manila kaya naman marami talagang krimen na nangyayari sa lugar na iyun. It was just alarming to think na mayroong serial killer sa lugar.

Bumukas ang pinto ng office at dumungaw ang ulo ng isa sa mga uniformed police bago ito humkbang papasok sa loob ng silid.

"Sir, ito raw po yung autopsy report," ang sabi nito sa kaniya sabay abot nito ng envelope.

"Thank you," ang kaniyang sabi saka ito tumango at humakbang palabas ng silid.

Inilapag niya ang kaniyang ballpen at inalis niya muna ang kaniyang atensiyon sa kaniyang mga notes at sa mga binabas aniyang ginawang notes ni Gaspar sa dalawang naunang cases at binuksan niya ang envelope ng autopsy report ng pangalawang biktima na sa Regina Lopez.

Tahimik niyang binasa ang mga salitang nakaprint sa kulay puting papel. At katulad ng autopsy report ni Katherine na ginawa ni doctor Crime ang nilalaman ng autopsy report ni Regina. They both died by the deep laceration on their neck, semen was found on their womanhood, and urine was also found on the sheets.

Wala pa ang toxicology report na mula sa laman ng sikmura. It will take four weeks para makuha angv report. Pero kung nauna nang nagawa ang kay Katherine sigurado na makukuha na niya ang toxicology report nito lalo pa atmabilis na gumawa ng report si doctor Crime. Kailangan na lang niyang bumalik sa opisina nito at makausap ang assistant kung may lumabas nang toxicology report kahit pa hindi pa siya nakakatanggap ng tawag mula rito.

Ayon sa autopsy report ni Katherine na mula kay doctor Crime. Ang estimated death ng unang biktima ayon sa mga nakita sa algor mortis the normal cooling of a body after death and rigor mortis is the fourth stage of death when the muscles of the victim become stiff and hard that becomes visible after the two hours of death ang it progresses upto eight hours. She died between the time of ten to twelve in the evening. At Martes na siya ng gabi natagpuan na patay sa loob ng silid nito anng dahil sa tawag mula sa kamag-anak at katrabaho nito. At ang masangsang na amoy na ikinabahala ng mga kapitbahay.

At ayon naman sa autopsy report ni Regina ang estimated time of death nito ay halos katulad nang kay Katherine. It was a little earlier betweek eight and eleven in the evening. At ayon sa nakalap ni Gaspar. Regina didn't go to work that day and she called in sick kaya naman hindi ito agad hinanap ng mga katrabaho at kaibigan nito. She was already on the early state of decomposition nang makita ito sa silid nang dahil din sa masangsang na amoy.

Ang kay Hailey na lang ang kailangan nilang malaman kung katulad nang sa dalawa ang oras ng pagkamatay nito. Pero kung ang pagbabasehan ay ang sinabi ni Luis na late ng gabi ay nagmessage pa ito sa anak he can have an educated guess that she died in the wee hours of Saturday morning.

Ibinalik niya ang autopsy report ni Regina at saka niya muling tiningnan ang mga ebidensiya na kanilang nakalap sa bahay. Ang bag at phone ni Hailey ay nasa kanilang posesyon. Ganun na rin ang sa dalawa pang naunang biktima.

Mayroon silang mga listahan ng mga ebidenisya at binasa niyang muli ang mga iyun. Inuna niya ang kay Hailey. Bag, phone, SD card ng CCTV cam, wallet na naglalaman ng ID's and ATM cards, alcohol spray, susi ng bahay, make-up, lipstick, gum, at isang kulay puting gamot na pain reliever.

DIAMOND KNOT  Detective Atlas Carberry  book 2 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon