CHAPTER 41

296 33 23
                                    

Tumayo sa kaniyang harapan si Randy na nakasuot ng kamiseta at maong na pantalon at ang mga paa nito ay nakasuot pa rin ng stinelas. Naalala niyang kinuha nila ang ilan sa mga gamit nito kasama na ang suot nitong rubber shoes.

"Randy...magandang gabi." Ang kalamado niyang bati. Isang ngisi ang gumuhit sa mga labi nito at saka bahagyang kumiling ang ulo para patagilid siyang tingnan ng mga mata nito.

"Sa tingin mo ba...maganda ang gabi ko?" ang tanong nitong sagot sa kaniya.

"Depende...saan ang punta mo?" ang tanong niya.

"Interrogation ba ito detective? Baka nakakalimutan mo sir na wala na tayo sa police station." Ang sagot nito sa kaniya.

Tumango ang kaniyang ulo. "Alam ko, at hindi ito interogasyon...simpleng pagtatanong at pangangamusta ito."

"Bakit nandito kayo?" ang tanong nito sa kaniya at sumilip ito sa kaniyang likuran na tila ba tinitingnan nito kung mayroon pa siyang ibang kasama.

"Ako lang mag-isa." Ang sagot niya.

Tumango ang ulo nito sa kaniya. "Bakit ka nandito detective? Para...manmanan ako?"

Umiling ang kaniyang ulo. "Hindi...para...balikan ang binagtas ng killer noong gabing iyun."

Nagsingasing si Randy. "Sa tingin mo ba? Dito dumaan ang killer? Kaya ako ang suspect mo?"

Hindi niya sinagot ang tanong nito. "Ikaw, saan ang punta mo?"

"Bibili ng makakain." Ang sagot nito sa kaniya.

Tumango ang kaniyang ulo. "Can I buy you a meal? Puwede bang...sabayan ka na kumain?"

"Bakit?" tanong ni Randy na may bahagyang paggalaw ng ulo nito.

"Gusto ko lang nang may makakasabay na kumain." Ang sagot niya.

"Pshh...talaga?" tanong nito at nagkrus ang mga bisig nito sa sariling dibdib. "dumayo ka dito sa squatter's area, para lang makahanap ng makakasabay na kumain? Akala ko binabagtas mo ang daan na tinahak ng suspect?"

"Puwede ba kitang sabayan? Sagot ko na ang hapunan mo, I think I owe you a dinner dahil sa nangyari kanina, naistorbo ang trabaho mo." Ang kaniyang sabi kay Randy. Kahit pa busog na siya dahil sa nagdinner na sila ni Aurelia ay kakain pa rin siyang ulit masabayan lang niya si Randy. Gusto niya itong makausap na muli.

Hindi ito agad na sumagot at tiningnan lamang siya nitotila ba tinitimbang nito kung pagbibigyan ba nito ang kaniyang kahilingan.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan nito. "Hindi ako mahilig sa mga sosyal na kainan."

"Sa karinderya ako kumakain." Ang sagot niya at sa kabila ng kadiliman at ang tanging liwanag lang ay ang malamlam na liwanag mula sa malayong ilaw ay nakita niyang nagtaas ng dalawang kilay nito.

"Sige sagot mo." Ang sagot ni Randy sa kaniya.

Tumango ang kaniyang ulo, "hintayin mo ako sa labas, kunin ko lang ang sasakyan ko." Ang kaniyang tugon.

***

Inalis niya ang takip na tansan ng bote ng malamig na beer gamit din ang mismong crown ng isa pang beer. At saka niya inabot ang binuksan niyang bote kay Randy.

"Salamat," ang sabi ni Randy sa kaniya nang kunin nito sa kaniyang kamay ang bote ng malamig na beer.

Tumango ang kaniyang ulo at saka niya pinagbuksan ang kaniyang sarili. Bahagya niyang inangat ang bote na parang saludo sa kaniyang kaharap na si Randy na sumagot din ng pagsaludo ng bote nito sa kaniya at saka nila sabay na tinungga ang laman ng bote.

DIAMOND KNOT  Detective Atlas Carberry  book 2 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon