CHAPTER 13

349 35 15
                                    

"Ha? Hindi siya babae?" ang gulat na tanong ng maandang babaeng kapitbahay ni Sunshine Genoroso na ang tunay na pangalan ayun sa nakuhang impormasyon na mula sa statistics office ay Santi Generoso na mula sa lalawigan ng Cavite sa may Bacoor.

They were able to unravel his identity nang tanungin nila ang mmsong statistics office na nag-issue ng identification card na pang buong Pilipinas. At sinilip nga ang bitrth certificate na ipinakita nito bilang isa sa mga requirements for ID. At tama nga ang kaniyang hinala na late registration ang ginawa ni Santi para mairehsitro ito sa pangalan na Sunshine. At iyun na rin ang naging paraan para makontak ang pamilya nito noong una ay itinatanggi pa ng mga ito na dating lalaki si Sunshine ngunit nang sabihin nila ang sinapit nito ay doon na umamin ang mga ito at ang mga magulang na rin nito ang nagsabi na ito ay si Santi noong hindi pa ito nagpapasurgery ng ari nito para maging babae.

At nagbalik nga siya sa lugar kung saan dating nakatira si Sunhine. Gusto niyang malaman kung mayroong nakakaalam na isang dating lalaki si Sunshine dahil sa kanilang palagay ni octor Aurelia ay kilala ng killer kung ano ang noo'y tunay nitong katauhan.

"So wala pong nakakaalam sa inyo rito na isa siyang transgender?" ang tanong niya.

Kumunot ang noo nito at saka ito umiling. "trans...ano?"

"Transgender po, uhm...bakla po sa madaling salita, nagpalit na ng kasarian." Ang paliwanag niya at mas lalong nagulat ang matandang babaeng may pangalan na Nora.

"Wala ng lawit? Ganun?" ang tanong nito sa kaniyang namimilog ang mga mata sa likod ng suot nitong pahaba na kuwadradong salamin. At kahit pa sanay na siya ay hindi niya naiwasan na mag-init ang kaniyang mga pisngi.

"Uh, ganun na nga po." Ang sagot niya at kinagat niya ang kaniyang dila para pigilan ang matawa sa reaksiyon nitong panlalaki ng mga mata.

"Eh kami rito ha?" ang panimula nito na may paghalukipkip pa ng mga bisig nito sa sarili nitong mga dibdib. "Eh...ang alam talaga eh babae siya, nakakausap ko pa iyan, nakakabatian lalo na sa umaga bago iyan umali at lagi iyang nakangiti. Sa pagkakaalam ko ay walang nakakaalam na bakla siya, bagong lipat lang naman kasi iyan dito sa lugar namin, mga tatlong taon pa lang yata siya rito sa phase four-b."

"Alam niyo po ba kung anong trabaho niya?" ang tanong niya.

"Ang alam ko mayroon siyang parang shop ng mga gamot ba iyun? Yung...iniinom? Kasi yung anak ko umorder sa kaniya nang minsan."

Kumunot ang kaniyang noo, "anong product po?" ang usisa niya.

"Hindi ko alam basta iniinom, sandali, Maricel! Halika ka sandali!" ang pagtawag nito sa anak nitong nasa loob ng bahay.

"Gusto mo ba ng maiinom detective?" ang alok nito sa kaniya.

Umiling ang kaniyang ulo at ngumiti. "Salamat po pero okey lang po ako." Ang sagot niya.

"Bakit? Dumating na ba ang order ko?" ang tanong nito na nakakunot ang noo pero paglabas nito ng pintuan ay nawala ang kunot ng noo nito nang makita siya nito.

"Bakit ma?" ang tanong nito sa ina na sandaling tiningnan lang nito at ang mga mata nito ay nakatuon na sa kaniya. At agad niyang napansin ang maputing balat nito na parang gatas. Katulad din ng mga biktima. At agad na siyang kinutuban kung ano ang tinutukoy na product.

"May itatanong si detective sa iyo," ang sagot ng nanay nitong si Nora. "Detective ito yung anak ko na si Maricel."

Tumango ang kaniyang ulo sa anak nitong si Maricel na sa kaniyang tantiya ay katulad din ng edad ng mga babaeng biktima.

"Hello po." Ang malambing nitong bati sa kaniya na may kasamang matamis na ngiti.

"Uh Maricel, puwedeng malaman kung ano iyung product na binili mo kay Sunshine?" ang tanong niya.

DIAMOND KNOT  Detective Atlas Carberry  book 2 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon