"What are the odds na taga-Sevilla rin si doctor Vismonte," ang saad ni Atlas habang pababa na sila ng hagdan para magtungo sa parking at sumakay sa kanilang mga sasakyan. Sa oras na iyun ay halos mapuno na ang harapan na parking ng commercial complex. Sa side kung saan nakapark ang kanilang sasakyan ay puno na ng mga kotse habang sa kabilang side naman ay puro motorsiklo na ang iba ay may mga nakaupong mga rider na tila ba may hinihintay ang mga ito.
"Tapos konektado pa siya sa apat na biktima." Ang sagot ni doctor Aurelia sa kaniya.
"Kailangan na lang nating malaman kung anong motibo niya," ang sagot niya at saka niya inihatid si doctor Aurelia sa harapan ng sasakyan nito.
Kumunot ang noo ni doctor Aurelia at saka nito binuksan ang driver's door at inilagay sa loob ng upuan ang inabot niyang satchel bag nito. At saka ito tumayo sa harapan ng nakabukas na pinto ng driver side.
"Pero bakit hindi mo na siya tinanong kanina?" ang tanong nito sa kaniya. "You have the opportunity to ask him about the victims, kaya nga tayo nagkunwari hindi ba?" ang tanong nito sa kaniya.
"Para puwedeng magkunwari tayo ulit," ang kaniyang mabilis na sagot. At tinaasan siya ng isang kilay ni doctor Aurelia.
"Joke lang," ang mabilis niyang bawi.
"Lagi naman." Ang bulong nito.
"Ano iyun?" ang kaniyang tanong. At umiling lang ang ulo nito. "Anyway, kaya hindi ko siya agad tinanong tungkol sa mga biktima ay para hindi siya agad tumiklop...katulad ni Nate, gusto ko yung parang witness lang muna ang trato sa kaniya, the last thing I want and we need ay ang mag-clam-up siya at mag-hire ng abugado which he can definitely afford."
"Kukuha ako ng magandang timing at kukuwesiyunin ko siya, kanina kasi, I just wanted to establish the location kung iyun nga ang clinic kung saan naganap ang pagrecord niya ng sex video." Ang sagot niya.
"And?" tanong ni doctor Aurelia at saka nito isinara ang pinto ng driver side.
"Confirm, and I guess na sa may cabinet niya inilagay o itinago yung camera." Ang sagot niya. "Nga pala, ano nga pala yung doll na sinabi mo?"
"Dolls," ang pagtatama nito sa kaniya, "for the demo." At saka ito naglakad paatras mula sa driver side paatras sa passeneger side at aka nito hinila ang pinto. At sumunod siya para tingnan kung anong nasa loob ng back seat.
"There they are." Ang sabi nito sa kaniya. At pagsilip niya ay nagitla pa siya at bahagyang napaatras ang kaniyang paa.
"Jesus." Ang bulong niya. "Saan mo nabili ang mga iyan?" ang kunot noo niyang tanong. He's been in the police force at naging isa siyang uniformed police first bago siya napunta sa ranggo ng pagiging isnpektor hanggang sa napunta na siya sa CIDG. At hindi na bago sa kaniya ang cases at ang mga sexual exploitations and he saw different kinds of sex toys at ang doll na sinasabi ni doctor Aurelia ay hindi na bago sa kaniyang mga mata.
"Sa isang shop, I sw it yesterday online pero hindi na ako naghintay pa, nagpareserve na lang ako tapos I pck-it up sa may shop niya, and...nandito na ako," ang sagot nito sa kaniya.
"Alam mo ba kung ano ang doll na iyan?" ang tanong niya at sinilip niya ang apat na lifesize dolls na nakaupo sa backseat na akala mo ba ay mga pasahero ng kotse nito.
"Mannequins? Yung magandang klase...I mean one doll is pricy but, it is worth it, maganda siyang pang-demo kasi bendable siya, even their bodies are soft na singlapit sa tunay na flesh ng tao, they even come in different sizes and ethnicities, anyway I chose them dahil sila ang pinakamalapit sa apat na victims."
BINABASA MO ANG
DIAMOND KNOT Detective Atlas Carberry book 2 (completed)
Mystery / ThrillerFeeling humiliated from his previous case that almost lead to a terror attack. Detective Atlas Carberry decided to return his badge and resign his detective position and leave the police force. For him his lack of judgment almost failed him to see t...