New classmates.
-
Kabadong kabado ako habang naglalakad sa corridor. Nilingon ko ang mga kaibigan ko pero parang normal lang sa kanila ang lahat. Parang hindi sila lumipat ng paaralan sa sobrang kalmado ng itsura nila.
Tumingin ako sa section na nakapaskil sa room na nadaananan namen. White Rose.
Napangiti ako. Red Rose ang pangalan ng section namen. Sumisimbolo sa pag-ibig, samantalang ang white ay purity.Tiningnan ko ang direction na binigay samen ng principal dito. Ilang kwarto nalang at makakarating na kame.
"Hindi ganun kadami ang gwapo sa school na to. Nakakadisappoint." nakangiwing saad ni Rica.
Pinangunutan naman siya ng noo ni Tessy. "Hindi ka nandito para maghanap ng gwapo Rica. Mag-aaral tayo hindi kikirengkeng."
Tumaas ang kilay ni Rica kaya medyo naalarma ako. "Baket ka ba nangingialam saken ha? Dinaig mo pa nanay ko sa pagsasalita." mataray niyang sabi. Hinawakan ko ang braso niya habang umiling nalang si Tessy.
Hinawi ni Rica ang kamay ko sa braso niya. Maintin talaga ang ulo niya lalo na kapag kinukwestyon ang sinasabi niya. Nauna ng maglakad si Rica at sumunod naman sa kanya si Gem. Hinagod ko naman ang likod ni Tessy.
"Pagpasensyahan mo nalang si Rica, Tes. Kilala mo naman yun e." alo ko sakanya.
Ngumiti siya saken ng tipid. "Wala yun. Sanay na ko sa pagkapikunin niya."
Nakarating na kame sa classroom namen. Nakatayo si Rica sa tabi habang tumitingin naman sa salamin si Gem. Pinasadahan ko ng tingin ang buong room.
Marami ng mga estudyante sa loob. Iba't ibang klase ng tao ang nandito. May grupo na puro magaganda lang. Yung iba mga jologs. Yung iba matatalino. At may iba namang hindi talaga nag-eexist sa paningin ng karamihan.
Maganda ang disenyo ng kwarto. Malinis at maayos ang pagkakahilera ng mga upuan. Tama nga sila. Isa itong school na to sa pinakamagandang public school dahil maliban daw sa maayos, maganda at malaki ay magagaling daw ang mga guro dito.
Tinapik ako sa balikat ni Gem. "Upo na tayo, Keena." sabi niya. Tumango ako at pumunta na kame sa gitnang bahagi ng mga nakahilerang upuan.
Apat lang sa bawat row kaya saktong sakto para sa amin. Naunang umupo si Rica, sunod ako katabi ko si Gem at sa gilid naman niya si Tessy.
"Excited na ko sa mga lessons naten ngayong 4th year. Sana medyo mahirap para exciting." masayang sabi ni Tessy.
"OMG! Wag ka namang ganyan Tessy. Ayoko masyadong ma-stress ang beauty ko noh!" sabi naman ni Gem at hinampas ng mahina si Tessy sa braso.
"May beauty ka ba?" tanong ko naman na ikinasimangot niya. Tumawa lang ako.
"Ang sama mo saken. You're always feelings my hurt!" sabi ni Gem, nag-eenglish na naman.
Binatukan siya ng nakataas pa rin na kilay na si Rica. "Bobo mo! You're always hurting my feelings yun." sabi niya, naiirita.
Natigil lang kame sa alitan namin ng nakita naming sabay sabay na tumayo ang mga kaklase namen. Tumayo na rin kame at nakita ang kakapasok pa lang at istrikta ang muka naming teacher. Lumunok ako, this will be a long year for us.
"Goodmorning Mrs. Samonte!" sabay sabay na bati ng mga classmate namen. Habang kame e tahimik lang. Hindi naman kilala kung sino siya e.
Tumango lang siya at sinenyasan kame na maupo. Umupo kame ng sabay sabay. "Bastos to. Hindi man lang bumati pabalik!" nakasimangot na sabi ni Rica.
BINABASA MO ANG
My Favorite Love Story
Genç KurguMadaming magagandang istorya. Sa t.v, sa movie, o kahit sa libro. Lahat may pinanghuhugutan. Lahat may pinagbabasehan. Lahat may katotohanan. Lahat ay punong puno ng pagmamahal. Pero ang pinakapaborito kong istorya.. Alam mo kung ano? Ang istorya n...