Chapter 6

19 1 0
                                    

Napupuno.

-

"Sa Mcdo nalang!"

"Hindi! Sa Jollibee!"

"Mcdo nga!"

"Jollibee!"

"Mcdo nga sabi!"

"Jollibee nga kase! Ano ba?!"

"Mas masarap sa Mcdo kaya sa Mcdo tayo!"

"Pinakamasarap sa Jollibee kaya sa Jollibee na!"

"HEP!!!"

Agad kaming napatigil ni Anthony sa pagtatalo ng biglang sumigaw si Kyle at pumagitna samen. Nagkatinginan kame ng masama ni Anthony at sabay na tinalikuran ang isa't isa.

"Nakakarindi na kayong dalawa noh? Ilang oras niyong balak mag-away dahil lang sa Mcdo at Jollibee na yan ha?" mataray na tanong ni Kyle habang nagpapalipat lipat ang tingin samen ni Anthony.

"Baket Kyle, may problema ka ba sa pagtatalo naman ng babaeng yan?" preskong wika naman ni Anthony.

Agad na umamo ang mukha ni Kyle at tumungo. Namula rin ang pisngi niya. "W-wala naman, JA. Ah s-sabe ko nga magtalo lang kayo."

Kumunot agad ang noo ko. Baket niya hinahayaang maging under siya ni Anthony? Takot ba siya? O dahil gustong gusto niya lang ang lalakeng yan? Sinamaan ko ng tingin si Anthony. "Yabang mo."

"Mayabang ba yun? Tinanong ko lang naman kung may problema siya a? Tss." sagot naman niya.

"E baket kase nag-iinarte ka at ayaw mo sa Jollibee ha? Wala namang problema dun a?" saad ko.

"Baket? Wala rin naman problema sa Mcdo a? Tsaka sa Jollibee hilaw ang mga pagkain. Sasaktan kame ng tiyan. Buti ikaw hindi tinatablan." malamig niyang sabi.

Namilog naman ang bibig ko sa sinabi niya? At ano ang gusto niyang sabihin aber? Na hindi umeepekto saken ang pagkaing hilaw? Aba't antipatiko!

"Ang kapal mo rin noh? Palibhasa kaya mi gusto sa Mcdo kase kamukha mo si Mcdonalds! Mag-ama kayo e." sabi ko naman.

"Wow a? Kung makapagsalita ka parang hindi kayo magkasing katawan ni Jollibee!" asar niya.

Sasagot pa sana ako ng nagtaas na ng dalawang kamay si Francine samen. Ngayon ko lang napansin ang windang na itsura ng mga kaibigan namen. Agad kong tinikom ang bibig ko at lumingon sa ibang direksyon.

"Please naman guys. Awat na o. Kanina pa kayo nagtatalo e. Nakakabingi. Atsaka kanina pa tayo pinagtitinginan ng mga tao o." mahinahong saad ni Francine.

"... Sa Kfc nalang tayo kumain. Tutal walang gustong magpatalo sa inyong dalawa. Ako nalang ang nagdecide kung san kakain. At hindi ko na kayo tatanungin kung agree ba kayo, kaya tara na." dagdag niya pa.

Sumang-ayon ang lahat. Nagkibit balikat si Anthony habang ako ay tumango lang. Hindi ako nagsalita dahil alam kong may mapapansin na naman ang lalaking yun. Ewan ko ba pero inis na inis ako sa kanya. At siya naman ay panay ang pang-iinis saken. Hindi talaga kame pwedeng magsama dahil nagkakaroon ng World War III e.

Nang makarating ay agad kaming naghanap ng mesa. Pinagdugtong-dugtong namen ang mga mesa para magkasya kaming lahat. Apat pa kase ang dumagdag kaya bale ay labindalawa kami.

Umu-order na si Francine, kasama si Kyle at si Josh. Ang nanliligaw kay Francine na kaibigan din ni Toffer, boyfriend ni Misha.

Pumwesto ako sa kabilang dulo. Katabi ko si Rica. Katapat naman ni Rica si Vince. Katabi naman ni Vince si Mason, na katapat si Gema. Katabi naman ni Gema si Tessy at kaharap niya si Kyle na katabi si Josh. Katapat naman ni Josh si Francine na katabi si Misha at katapat si Toffer.

My Favorite Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon