Bwisit.
-
Nakasalampak ako sa kama ko. Kakatapos ko lang labhan ang polo ng kumag na lalake kanina sa school. Sinabay ko na rin ang blouse kong tinapunan niya rin ng ulam.
Busy ang apat sa kanya kanya nilang ginagawa. Si Rica nagtetext. Si Gema nag-aayos ng mukha. Si Tessy nagbabasa. Ako lang ang walang ginagawa. Nakakaurat kapag gabi na, wala ka ng magawa.
Bumuntong hininga ako at bumangon sa pagkakahiga. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung may nagtext ba saken. Meron nga, si mama.
Mama:
I mz u ank. Mhal n mhal pu kta. Ingtan m srli m h? D2 lng kme ni papa m plage.
Wala namang bayad ang letra sa text pero nagtitipid si Mama. Napailing ako at binato sa gilid ko ang phone ko. Kinuha ko ang salamin at suklay. Nagsimula akong magsuklay. Naglagay pa ko ng pulbo pati na rin ng konting lipgloss. Hindi pa rin ako nasisiyahan.
Kinuha ko ang pocket book na nakapatong sa drawer ko. Sinandal ko ang likod ko sa dingding at nagbasa. Ilang sandali pa ay padarag kong sinara ang libro at binato rin ito sa gilid ko. Wala akong magawa!
"Labas lang ako." sabi ko ng hindi na nakatiis. Kinuha ko ang wallet ko kung sakaling may maisipan akong bilhin.
Paglabas ko ay naramdaman ko agad ang lamig. Nasa alas-otso na rin kase kaya medyo malamig lamig na rin. Buti na lang naka-tshirt ako kaya okay lang. Tumayo muna ako ng ilang sandali sa labas ng bahay namen bago ko napagpasyahang maglakad lakad.
Pumunta ako sa malapit sa tindahan at bumili ng softdrinks. Bored na bored talaga ako at wala akong maisip gawin. Ginawa ko na lahat ng ginagawa ng mga kaibigan ko pero wala namang kainteres-interes ang mga yun. Mas lalo lang nakakaumay.
"Bago lang ba kayo dyan?" tanong ng tindera pagka-abot niya saken ng binili ko. Tumango ako at ngumiti.
"Nung nakaraan lang po kame lumipat. Bago po magpasukan." magalang kong sagot.
Ngumiti siya saken at tumango rin. "Welcome sa barangay namen. Wag kayog mag-alala, mababait ang mga tao dito. Pero kung magkaproblema man lumapit kayo saken. Kilala ako dito saten." tatawa tawa niyang sabi.
Tumawa din ako ng mahina. "Ganun po ba? Ano pong pangalan niyo?"
"Belinda. Aling Belinda. Ikaw ineng?"
"Keena po. Galing kaming Nueva Ecija ng mga kaibigan ko. Nagrerent kame dito para makapag-aral sa kilala pong public school dito sa Maynila."
"Ah. Mabuti naman kung ganun. Matututo kayong mamuhay mag-isa. Oh e sige sandali lang at may aayusin lang ako sa loob. Upo ka lang dyan." sabi niya at tinutukoy ang upuan sa harap ng tindahan.
Umupo ako at tahimik lang na uminom ng softdrinks. Kapag weekdays talaga dito ay wala masyadong tao. Halatang may mga pasok kinabukasan. Pero pagdating naman ng Biyernes ng gabi at Sabado ay halos pumutok ang eardrums ko sa sobrang ingay. Ang lalaki pa ng mga speakers nila.
Maya maya pa ay umupo sa kaharap kong upuan ang pawis na pawis na lalake. Nakajersey siya at mukang kakatapos lag maglaro ng basketball. Nanlaki agad ang mata ko ng makilala ko kung sino siya! Yung lalake kanina sa school!
"Oh? Bat parang nakakita ka ng multo ha?" malamig niyang sabi habang patuloy siya sa pagpupunas ng pawis.
Kumurap kurap naman ako bago ko inalis ang titig ko sakanya. Hindi ko siya pinansin at inabala ang sarili ko sa pagtingin ng mga sasakyang dumadaan sa street namen.
"Taga dito ka ba ha? Baket nandito ka? Anong ginagawa mo dito?" narinig kong tanong niya.
Nilingon ko siya at nakatingin na siya saken. "Ah... Ka-"
BINABASA MO ANG
My Favorite Love Story
Teen FictionMadaming magagandang istorya. Sa t.v, sa movie, o kahit sa libro. Lahat may pinanghuhugutan. Lahat may pinagbabasehan. Lahat may katotohanan. Lahat ay punong puno ng pagmamahal. Pero ang pinakapaborito kong istorya.. Alam mo kung ano? Ang istorya n...