Chapter 33

11 0 0
                                    

Ang gusto ko.

-

Tahimik kaming naglalakad papalabas ng street namen. Magkasabay kami ni Anthony pero hindi kami nag-uusap. Yakap yakap ko ang mga libro ko habang siya naman ay prente lang na naglalakad habang nasa bulsa ang mga kamay.

Malamig ang simoy ng hangin ngayon. Hindi ko alam kung baket. Kung dahil ba to sa buwan ngayon dahil September na o sinasabayan lang nito ang nararamdaman ko. Malamig at namamanhid.

Tumingala ako. Walang araw ngayon at madilim ang kalangitan. Mapait akong napangiti. Ano nakikisabay ka talaga at mukhang balak mo pang umulan?

Nakarinig ako ng tikhim kaya nilingon ko ang lalaki sa likod ko. Nagtama ang mga mata namen. Bumungad saken ang malulungkot niyang mga titig. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil umiinit na naman ang gilid ng mga mata ko.

"Buti sumabay ka pa saken, pagkatapos kong magtapat ng nararamdaman ko sayo." Mapait na wika niya.

"Oo naman. Wala namang masama dun diba? Sabi mo naman magkaibigan pa tayo." Sabi ko at nag-iwas ng tingin.

Kita ko sa gilid ng mata ko ang pagtango niya. "Sasabihin ko na kay Steph ang totoo.." Aniya. "Mamaya."

Nanlaki ang mga mata ko at mulinng tumingin sa kanya. Blanko na ang ekspresyon ng mukha niya pati na rin ng mga mata niya. "Wag mo siyang saktan, Anthony. Hindi niya deserve yun."

"Alam ko. Pero mas hindi niya deserve ang mas masaktan pa lalo, lalo na at hindi na siya ang gusto ko. Pagod na kong magpanggap."

Parang may sumampal saken pagkatapos niyang sabihin yun. Magpanggap. Iyan ang tamang salita sa ginagawa ko ngayon. Pagpapanggap. Nagpapanggap ako na wala akong pakialam. Nagkukunwari akong ayos lang. Nagkukunwari akong hindi nasasaktan kahit na sa loob loob ko malapit na kong sumabog. Sasabog na ko.

Bumuntong hininga ako at mas hinigpitan ang yakap sa mga libro ko. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Gusto ko ng matapos ang araw na to. Kung sana pwede na lang akong magtago at tumakas para hindi ko na masaksihan kung ano man ang mangyayare mamaya.

Natigil ako sa paglalakad ng mapansing wala na sa tabi ko si Anthony. Luminga ako sa paligid pero wala siya. Pagtingin ko sa likod ay nakita ko siyang nakatayo at malayo layo na ang distansya saken.

Nagtitigan kame. Hindi ko alam kong baket hindi siya sumunod saken o kung baket pinauna niya ako. Nahihirapan ako hanag pinagmamasdan siyang malayo saken. Pinapahiwatig niya kaya na ganyan kalayo ang magiging distansya namen kung magiging sila ni Stephanie?

Nagbaba ako ng tingin sa kalsada. Nanginig ang labi ko at nanlalabo ang mga mata ko. Nagbabadya na naman silang pagtaksilan ako. Pinagtaksilan na nila ako kahapon, pati ba naman ngayon? Ayoko ng umiyak sa harapan ni Anthony. Ayokong ang mga luhang ito ang maghatod sa kanya ng katotohanang parehas kami ng nararamdaman sa isa't isa.

Hindi ko kayang ipaglaban ang damdamin ko para sakanya. Duwag ako. Ito ang unang beses na magmamahal ako at ganito pa. Hindi ko kayang lumaban. Kahit na sabihin naming lalaban siya ay hindi ko magawa.

Muli akong nag-angat ng tingin sakanya at natigilan ng nakita ko siyang naglalakad palapit saken. Wala akong karapatan sa kanya. Ang karapatdapat na babae sa kanya ay yung ipaglalaban siya. Hindi yung ibibigay lang siya sa iba. Hindi siya bagay sa katulad kong duwag. Hindi katulad niyang matapang na magpahayag ng nararamdaman.

Walang sabi sabi niyang kinabig ang batok ko at kinulong ako sa bisig niya. Mahigpit ang yakap niya na para bang mawawala ako anumang oras sakanya. Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang panginginig nito. Nanghihina ang mga tuhod ko sa init ng yakap niya. Nagsibagsakan muli ang mga luhang pinagbawalan ko na. Literal na kumukurot ang puso ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Favorite Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon