Masakit sa mata.
-
Nagtatawanan kame nila Rica sa hulihan ng room namen. Malapit na kaming mag-uwian at hinihintay nalang namen ang bell. Maagang nagpauwe ang teacher namen ngayon. Yung ibang classmate namen ay lumabas na habang pinili muna naming tumambay dito.
"Ang tanga talaga ni Kyle. Baket ganyan ang drawing mo? Tao ba yan? Limang guhit ang isang bilog?" Umiiling na wika ni Misha.
"E sa hindi ako marunong magdrawing e! Sama talaga ng ugali mo, kasing sama ng mukha mo!" Asar ni Kyle.
"Mas masama yang drawing mo!" Ganti naman ni Misha.
"Hindi talaga ako makapaniwalang pangatlo kame sa pinakamagaling ang presentation ng stage play! Ako talaga ang nagdala nun!" Nagagalak na sabi ni Gema.
"Actually, ikaw nga lang panira dun e. Buti nalang nahatak ka nila, at hindi ikaw ang nakahatak sakanila." Panunukso ni Rica.
"Well, i'm very good kase. I know how to acting!" Pageenglish na naman ni Gema.
Binatukan siya ni Rica. "I know how to act yun. Hindi acting. Nag-eenglish ka na naman."
"E paki mo? Naku, pero sila Keena talaga ang the best!" Sabi ni Gema at umambang aapir saken. Inaripan ko siya at ngumisi.
"Well, ganun talaga. Iba na pag maganda, na nanalo talaga." Mayabang kong turan.
Ngumiwi sila saken lahat. Tumawa ako at umiling. Ang sasama! Hindi nalang umagree! Natigil ako sa pagtawa ng marinig ko ang pagriring ng cellphone ko. Kinuha ko ito at nakitang tumatawag si Anthony. Bahagya akong lumayo sa maiingay kong kaibigan.
"Hello?" Simula ko.
"Hello? Nasan ka? Kain tayo, wag mo na isama sila Tessy."
"Ha? Baket? Nung isang gabi ka pa yaya ng yaya saken kumain. Mukha ba akong patay gutom ha? At tsaka tumatawag ka pa, mayaman ka ba?"
"Pag ba tumatawag mayaman agad? Hindi ba pwedeng mas madali lang gawin to kesa magtext o puntahan ka kung saan man? Ts.. Tsaka oo noh! Patay gutom ka kaya!"
Umirap ako sa kawalan. Nakabusangot na ang mukha nito panigurado. "Oo na, oo na. Nasan ka ba? Nasa room pa ko e, hindi pa kame lumalabas. Ang init kase."
"Nasa may gate lang ako. Hintayin kita dito."
"Teka... Nandyan ba si Stephanie?"
"Wala dito. Hindi ko siya sinundo ngayon."
"Okay, okay. Hintayin mo ko dyan. Tatakasan ko lang sila Rica." Sabi ko at pinatay na ang tawag.
Pasimple akong lumapit sa upuan kung san nakalagay ang bag ko. Hindi ako makatyempo kase si Gema nasa harap ko lang. Nakinig ako ng ilang saglit sa mga usapan nila habang pasimpleng sinusukbit ang bag ko sa balikat.
"Oh, sa exam ha? Yung sagot paki pasa nalang samen." Paalala ni Rica.
"Anong sagot te? Pano mapapasa sayo yun, e hindi naman tumitigil ng pag-iikot sa mga upuan yun si Mrs. Samonte. Alam mo naman yang adviser na yan, walang pakialam." Ani Misha.
"Basta, ipasa niyo lang. Pasimple lang ganun." Turo pa ni Rica.
Umiling sa kanila si Tessy. "Kung nag-aaral kayo, hindi niyo na kailangan pang mamroblema sa kung papano mapapasa yung sagot. Tsaka malay mo mali mali pa yung mabigay sayong magsagot, edi na yare ka pa sa wala sa oras."
Inalis ko ang atensyon ko sa kanila. Tumingin ako sa bintana at kumunot ang noo ng makita si Stephanie na papunta sa room namen. Dire-diretso siyang pumasok at ng mahagip ng ako ng tingin niya ay agad umaliwalas ang mukha niya.

BINABASA MO ANG
My Favorite Love Story
Teen FictionMadaming magagandang istorya. Sa t.v, sa movie, o kahit sa libro. Lahat may pinanghuhugutan. Lahat may pinagbabasehan. Lahat may katotohanan. Lahat ay punong puno ng pagmamahal. Pero ang pinakapaborito kong istorya.. Alam mo kung ano? Ang istorya n...