Chapter 31

16 0 0
                                    

Ibang gusto.

-

"Ang gagawin naten ngayon ay waltz. By partner ang activity naten ngayon." Sabi ni Ma'am Corazon, PE teacher namen.

Nasa court kame. Malamang dahil PE. Nasa tabi ko sila Rica na panay na ang sabi sa kung sino ang gusto nilang makapartner sa sayaw namen.

"Gusto ko si Jon. Parang ang cute niya e." Usal ni Gema.

"Pano kung hindi marunong sumayaw yan? E hindi ka pa naman marunong sumayaw, edi babagsak kayo?" Tanong ni Tessy.

"Okay lang. Atleast nakasayaw ko siya." Sabi pa ni Gema.

"Hoy, mahiya ka naman. May nililigawan na si Jon, si Jeniffer. Wag kang malandi dyan." Ani Rica at binatukan si Gema.

"Tse. Palibhasa kase ikaw na si Mrs. Manlangit!"

"Anong Manlangit?" Tanong ko.

"Ano pa, edi si Christopher! Manlangit apelyido nun. Ano ba bayan, ang tatanga."

"Ano?! Anong Mrs. Manlangit ka dyan. Hindi ko namsn gusto yun si Christopher e." Saad naman ni Rica.

"Hmp. Wag kang mag-alala siya ang magtuturo sayo kung pano makalimot. Magugustuhan mo rin siya, sasabihin ko sa kanya pusuan ka lang." Ani Gema saka humalakhak.

Napailing na lang ako sa asaran ng dalawa. Pero okay rin naman si Christopher. Kung ako ang tatanungin pwede na rin siya. Matalino tsaka may itsura naman.

"Oh ikaw sinong partner mo?" Tanong ko sa tahimik na si Tessy.

"Kahit sino. Wala naman akong pagpipilian e. Kung sino lang pwede, edi yun." Sabi niya.

"Keena!"

Napalingon ako sa direskyon kunng san may tumawag saken. Kita ko sila Carlos na nagtutulakan.

"Baket?" May kalakasan kong tanong dahil medyo malayo sila samen.

"Pwede ka daw bang partner ni James? May magagalit daw ba?" Tanong ni Lloyd. Classmates din namen.

"Pwede naman. Baket hindi siya magyaya saken?"

"Uy ikaw daw magyaya." Sabi ni Lloyd at tinukso tukso na si James. Napangiti ako.

"Partner lang a? Bawal ligawan, may nanliligaw na dito!" Sabat naman ni Kyle.

"Awww!" Sabay sabay na ungol ng mga kaibigan ni James.

Nagtawanan kami nila Kyle. Umiling ako at inirapan siya. Nababaliw na naman ang mga tao sa paligid ko. Maya maya pa ay natanaw ko ang isa pang section na papunta sa court. Kumunot ang noo ko. May ibang sasabay samen?

"Section White Rose yan a?" Narinig kong sani ng isa sa mga classmate kong babae.

"Oh my gosh! Fafa JA!" Maingay na wika ni Kyle at patakbong sinalubong sila Anthony.

Kumalabog ang dibdib ko. Lalo na ng magtama ang tingin naming dalawa. Baket sa dinami dami ng section na pwedeng makasabay namen sila pa? Pwede namang section Violet Rose? Or Yellow Rose a? Baket.. sila pa?

"Okay class. Form na kayo ng line. Pumili na kayo ng magiging partner niyo." Sabi ni Ma'am at mabilis na nagpuntahan na ang mga classmates namen sa mga partner nila. Yung ibang babae namen pumili sa White Rose.

"Si Mason nalang pala partner ko. Atleast yun single, walang magagalit." Saad ni Gema at lumapit na kay Mason na may dalawa pang babaeng pinagpipilian.

Tumayo na ko sa bleachers. Pupuntahan ko na dapat si James ng tumambad sa harap ko si Anthony. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko siyang nakatingin din saken.

My Favorite Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon