Falling.
-
"Lola niya si Aling Belinda?" Bulong ko sa sarili ko.
"Baket kilala mo siya?" Liningon ko si Gema na nagtanong sa gilid ko. Tumingin siya saken at naghihintay ng sagot. Umiling ako.
"Hoy! Keena, inagaw mo na naman si Fafa JA saken!" Matinis na sabi ni Kyle at hinampas ako sa braso.
"Inagaw? Excuse me? Siya ang kumidnap saken!" Sabi ko pabalik.
"We? Echos ka e." Aniya.
Umiling ako sa kanya at muling nilingon ang mga bagong dating. Malapad na nakangiti si Keench kay Aling Belinda habang pinapakilala siya nito kay Anthony.
"Kamusta na ang lola mo? Naku, ang tagal ko na siyang hindi nakikita." Wika ni Aling Belinda.
"Ay, oo nga po. Kaya nga po ako nandito para mag-sub kay lola kase hindi siya makakarating." Paliwanang naman ni Keench.
Tumango naman si Aling Belinda. Sinulyapan niya ang kasama ni Keench na nasa likod nito. Para namang natauhan si Keench sa pagtingin ni Aling Belinda.
"Nga pala po, La may mga kasama po pala ako. Eto si Rinah.." Pakilala niya sa babaeng mas matangkad sa kanya na magaganda ang natural na kulot na buhok. "Si Terry.." Aniya sa babaeng kasing tangkad niya chubby din. "Si Gerlene.." Tukoy naman niya sa babaeng morena at matangos ang ilong. "Si Patrick at Aaron.." Sabi niya at tinuro ang dalawang lalake na magkasingtangkad lang. Si Patrick yung medyo katamtaman ang katawan, samantalang si Aaron yung mataba.
"... And si Antonio po, boyfriend ko." Sambit niya sabay kapit sa braso ng lalaking mas matangkad sa dalawang lalake. Ngumiti ito ng tipid kay Aling Belinda habang ang mga babae namang pinakilala ni Keench ay binati at nagbeso kay Aling Belinda.
"Ikaw ha, may boyfriend ka na pala. Iba na talaga kapag college." Nanunuya ang tinig ni Aling Belinda habang tinitingnan ang magkasintahan.
Mahinang tumawa si Keench. "Ganun talaga po siguro."
"Lola! Ayos na ang lahat!" Narinig kong tawag ni Anthony na nasa kusina.
"Oh hala! Ayos na daw ang lahat. Punta na tayo dun, ng makakain na tayong lahat." Anyaya ni Aling Belinda at iginiya na grupo nila Keench. Lumingon din siya sa amin nila Kyle at sinenyasan na sumunod na din.
"Hindi naman ganun kagwapuhan yung boyfriend nung maganda kausap ni Aling Belinda." Bulong saken ni Kyle at pumulupot pa sa katawan ko.
Siniko ko siya at pinandilatan ng mata. "Tanga! Ganun ang mga klase ng lalake na loyal! Sayo nga kahit ganun, hindi ka pa rin pinapatos!" Sabi ko naman.
Pagdating sa kusina ay dun ko lang napansin na kame lang pala ang mga nandito. Walang ibang bisita si Aling Belinda bukod kina Keench, at lahat na ay puro kaibigan ni Anthony. Kahit isang matanda ay wala kaming kasama, well syempre maliban sa birthday celebrant.
Madaming nakahain sa mesa. Spaghetti, dinuguan, pritong manok, fruit salad, at pancit bihon. Napansin ko din ang videoke sa may likod ng bahay nila. May nakalatag na rin na mga lamesa dun.
"Okay bago tayo magkainan, kakantahan muna naten si Lola ng happy birthday! Okay? Game!" Ani Anthony at sinuotan pa ng birthday hat si Aling Belinda. Tumawa siya at niyakap si Aling Belinda.
"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday! Happy birthday! Happy 60th birthday!" Sabay sabay naming kanta habang pumapalakpak pa.
Ngiting ngiti si Aling Belinda habang kinakantahan namen siya. Nang matapos ay pinagwish muna namen siya bago niya i-blow ang candle.
"Una sa lahat gusto ko munang magpasalamat dahil ito ata ang pinakamasaya kong birthday sa loob ng mahabang panahon. Salamat sa nag-iisa kong apo dito simpleng salo salong ito. Ang wish ko lang ay long life, at good health." Wika ni Aling Belinda saka hinapan ang birthday candle niya. Nagpalakpakan kame at isa isang yumakap kay Aling Belinda.

BINABASA MO ANG
My Favorite Love Story
Teen FictionMadaming magagandang istorya. Sa t.v, sa movie, o kahit sa libro. Lahat may pinanghuhugutan. Lahat may pinagbabasehan. Lahat may katotohanan. Lahat ay punong puno ng pagmamahal. Pero ang pinakapaborito kong istorya.. Alam mo kung ano? Ang istorya n...