Chapter 18

22 1 0
                                    

Walang kwenta.

-

Mabilis kong dinaluhan ang kaibigan kong naupo habang umiiyak. Iginiya ko siyang tumayo at umupo sa higaan namen. Nagsilapitan din ang mga kaibigan namen at inalo si Rica.

"Anong nangyare?" Tanong ko kay Tessy.

"Labas tayo?" Aniya.

Tumango ako at hinayaan namen ang iba naming kaibigan na aluin si Rica. Siguro ayaw iparinig ni Tessy ang nangyare at baka mas lalo pang umiyak ang kaibigan namen.

Umupo kame sa gutter. Kahit nasa labas ay rinig na rinig ko pa rin ang mga hikbi ni Rica at ang pag-uusap nila sa loob. Sumulyap ako kay Tessy. Tumikhim siya at tumingin din sa akin.

"Si David..." Sa pagsabi niya palang ng pangalan na yun ay masama na agad ang kutob ko. "Pinapunta siya ni Rica dito sa bahay. Sinundo niya sa kanto tapos nililibang niya. Ang kaso lang ng nasa tapat na ng bahay naten silang dalawa e may pinagtapat naman tong lalake..."

"... Sinabi niya kay Rica na pustahan lang daw ang lahat. Na nagkatuwaan lang daw sila ng mga barkada niya na kapag napasagot niya si Rica at magtatagal sila ng isang buwan ay bibigyan siya ng limang libo. Kapag naman hindi siya naman daw ang magbibigay. Tapos ngayon nagtagumpay siya. Inamin niya kay Rica lahat at sinabi niya pang may girlfriend siya. . . Yun hindi natuloy yung surprise. Pagpasok ni Rica sa bahay nagwala siya, kagagawan niya yung kalat sa loob."

Hindi ako nagsalita pagkatapos niyang ikwento saken ang nangyare. Niloko ni David ang kaibigan ko? Niloko niya?! Wow naman! Ang kapal ng mukha niya!

"Gago noh?" Tanong ni Tessy.

Umiling ako at tumingin sa malayo. "Hindi lang siya gago. Ang kapal pa ng mukha niya. Naku, wag na wag lang niyang ipapakita saken ang pagmumukha niya at talagang makakatikim siya ng saket na hindi niya makakalimutan."

"Alam mo? Simula palang naman hindi na ako komportable sa David na yun. Halatang hindi mapagkakatiwalaan. Oh diba? Tama nga ako. Tsk." Sambit ko.

"Kaya nga. Dapat talaga nakinig saken si Rica na hindi dapat siya sumabak sa relasyon pa. Tingnan mo ngayon, nasaktan tuloy siya. Dapat inapply niya sa sarili niya yung motto niya na 'walang forever', hindi pa sana nangyare sakanya yan."

"Pero hindi rin naman naten masisisi si Rica, Tess e. Syempre hindi naman niya ginustong mapamahal sa kanya si David ng ganun kabilis. Tsaka wala naman na tayong magagawa e. Nangyare na. Ang pwede nalang naten gawin ngayon ay iparamdam kay Rica na hindi naten siya iiwan. Ako ma bahala kay David. Sasaktan ko yun."

Sabay kaming bumuntong hininga. Ilang sandali pa kaming tahimik bago muling nagsalita si Tessy.

"Keena, may itatanong ako sayo. Gusto ko sana sagutin mo ng totoo."

Agad akong kinabahan sa tono ng pananalita niya. Anong totoo ang gusto niyang malaman? "Ano yun?"

Humugot siya ng hininga bahagyang humarap sa akin. Mabibigat ang mga titig niya habang seryoso akong tinitingnan. Ayan ang mga titig na binibigay niya saken kapag napag-uusapan si Anthony. Hindi ko magawang tumingin pabalik.

"Matagal ko ng napapansin to pero hindi ako nagsasalita. Ayoko kasing pangunahan ka. Pero hindi ako mapakali e. Lalo na at nasasaktan si Rica ngayon. Alam na alam mo naman kung gano ko kayo pinapahalagahan at ayokong masaktan kayo. Natatakot kase akong may katotohanan ang mga konklusyon ko." Pormal niyang hayag.

Lumunok ako at mas lalong kinabahan. May pumapasok na sa isip ko pero pinagdadasal ko pa rin na sana hindi yun. Dahil hindi ko alam kung maitatago ko yun lalo na't kaming dalawa lang ang nandito. Nasa akin ang buong atensyon niya. "Ano bang gusto mong sabihin?"

My Favorite Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon