Birthday.
-
"Keena! Keena!"
Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang malakas na pagtawag saken at ang pagkalabog ng pinto ng bahay namen. Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdama ko ng hilo, dahil sa biglang pagtayo.
"Sino ba yan!?" Sigaw ko at binato ng unan ang pinto.
"Buksan mo to!" Narinig kong sigaw din ng nasa pinto.
Maingay akong bumuga ng hininga bago tamad na tumayo. Antok na antok pa ako, dahil anong oras na ko nakatulog kagabi sa mga iniisip ko tapso sasabayan pa ako ng pambubulabog. Tiningnan ko ang higaan ng mga kaibigan ko at nagtaka na wala sila dun.
Ginulo ko ang buhok ko sa irita dahil hindi pa rin tumitigil ng pagkalabog ang nasa pinto. Sasaktan ko talaga kung sino man ang nasa labas! Padarag kong binuksan ang pinto. Nakita ko dun iritado ding si Anthony.
"Ano na namang ginagawa mo dito ha?!" Singhal ko.
"Baket ka ba sumisigaw? Sinisigawan ba kita?!" Malakas din ang boses niyang sabi.
"E baket kalabog ka ng kalabog sa pinto namen? Pag nasira ba to ipapaayos mo ha?!"
"Oo! Ipapaayos ko yan! Masaya ka na?!"
Nanliit ang mata ko sakanya. Gustong gusto kong ihampas ng malakas ang pinto ngayon sa pagmumukha niya. "Anong bang kailangan mo at nandito ka na naman ba ha?! Hindi mo ba ako pwedeng bigyan ng space dahil sukang suka na ko sa pagmumukha mo?!"
Nalaglag ang panga niya pero hindi siya nagsalita. Humalukipkip siya at tamad akong tiningnan. "Baket ba napakaingay ng bunganga mo ha?" Hindi niya pinansin ang tanong ko.
Kinagat ko ang pang ibaba kong labi. Timpi lang, Keena. Timpi ka lang. Umakma akong isasara ang pinto pero mabilis niya itong pinigilan. Walang pasabi siyang pumasok ng bahay namen at halos sabunutan ko na siya sa inis.
"Ano ba Jan Anthony!" Iritado kong wika.
"Pinapapunta ka ni Lola sa bahay. Birthday niya ngayon. Iniimbita kayo." Aniya sa mababang boses. Pinasadahan niya ng tingin ang buong bahay habang nakapamulsa. Ngayon ko lang napansin na bihis na bihis siya. Birthday ng lola niya pero siya tong ayos na ayos. Feelingero.
"San sila Rica?" Tanong niya pa.
"Wala sila. Umalis. Natutulog." Wala sa sarili kong tugon. Kumunot ang noo niya saken. Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano pang ginagawa mo dito? Alis na! Pupunta na lang ako sa bahay niyo... Wag mo sabihing hihintayin mo pa ako, may mga paa ako." Mataray kong sabi at kinuha na ang towel kong nakahanger.
Umiling siya saken at naghila ng upuan. Komportable siyang umupo doon. "Wag ka ngang assuming masyado. Akala mo naman napakaganda mo para sunduin kita." Balewala niyang saad.
"E ano pang ginagawa mo dito? Papanoodin mo kung pano ako magbihis?" Padarag kong wika.
Nakita ko siyang natigilan. Agad ko ding pinagsisihan ang sinabi ko pero hindi ko na pwedeng bawiin. Bahala na siya dyan.
"P-pupunta tayong mall. Wala pa akong regalo kay Lola, kaya bibili ako ngayon. At sasamahan mo ako." Utos yun.
"Ano? Baket magpapasama ka pa? Ano mo ba ako? Bodyguard?"
"Kanina ko pa napapansin na panay ang tanong mo e. Kumilos ka nalang kaya para makaalis na tayo. Hahanapin na ako ni Lola!"
"Aba't! Kung makapag-utos ka akala mo pinapasweldo mo ko a? Ayoko. Hindi ako sasama." Sabi ko at umupo sa kama.

BINABASA MO ANG
My Favorite Love Story
Teen FictionMadaming magagandang istorya. Sa t.v, sa movie, o kahit sa libro. Lahat may pinanghuhugutan. Lahat may pinagbabasehan. Lahat may katotohanan. Lahat ay punong puno ng pagmamahal. Pero ang pinakapaborito kong istorya.. Alam mo kung ano? Ang istorya n...