Tayo na lang.
-
"Lakasan mo pa yung boses mo, Keena. Hindi kita marinig dito sa dulo." Utos ni Joel, choreographer namen para sa stage play.
Huminga ako ng malalim at muling binalik ang titig kay Trisha. "Grabe, Trisha! Totoo? Niligawan ka na niya?" Sabi ko at hilaw na ngumisi. Kahit ang bahagyang pagtalon ko ay pinilit ko pa.
"Cut!" Sigaw ni Joel. Kitang kita ko ang paghilot niya sa kanyang sintido halatang napapagod na.
"Ano ba naman, Keena? Energy! Masaya ka para sa kaibigan mo! Mukha kang plastic!" Nakapamewang niyang sabi.
Kinagat ko ang pang-itaas kong labi at, "Sorry." Saka tumungo.
"Mag-break muna tayo." Masungit niyang sabi at tumalikod na.
Hinarap ko si Trisha na nakatingin saken. Tinapik niya ang balikat ko. "Pahinga ka muna. Simula ka pa kahapin matamlay. May saket ka ba?" Nag-aalala niyang bigkas.
Umiling ako. "Wala. Gutom lang siguro ako." Pabiro kong turan at dumiretso na para maupo.
Bumuntong hininga ako at pumikit. Hindi ko magawang magkunwaring masaya lalo na't alam kong hindi naman talaga. Hanggang ngayon ay windang pa rin ako sa mga sinabi saken ni Anthony.
Magdi-date sila. Alone time. Hindi ko ata kayang isipin na masaya silang kumakain o nagsusubuan sa mall. Hindi ko nga halos kayanin na nagkakahawakan sila, ayun pa kayang magkakadikit na.
Sinandal ko ang likod ko sa upuan. Marahan kong pinukpok ng hawak kong plastic bottle ang ulo ko. Dapat nga ay magdiwang ako dahil pag nangyari ng naging sila, ay hindi na ako gagambalain ni Anthony. Mababaling na rin ang atensyon ko sa ibang bagay lalo na't hindi na kame laging magkakasama.
Naputol ang pag-iisip ko ng maramdaman kong may umupo sa tabi ko. Nilingon ko ito at nakita si Vince. Kumunot ang noo ko. "Oh, Vince. Bat nandito ka?"
Ngumiti siya saken. "Napadaan lang. Wala akong magawa e."
"Wala kang practice?" Tanong ko.
"Wala.. Ay meron pala! Kaso lang hindi ako nagpractice ngayon." Aniya.
"Baket? Buti hindi nagagalit ang mga kagrupo mo sayo dahil hindi ka nagpa-practice."
"Hindi naman ako kasali sa stage play. Lahat ng varsity players ng school naten, excempted na sa stage play. Kailangan kase naming magpractice para sa magaganap na game."
Tumango ako. "Hm, buti okay lang kay Joel na nandito ka samen. Ang istrikto nun. Buti hindi ka pinapaalis."
"Sus. Wala naman yun. Hindi yun papalag saken. Kahit nga kunin kita ngayon sa practice niyo ay wala yung imik. Takot lang nun." Mayabang niyang sabi.
Ngumisi ako at umiling. Wala na mulinv nagsalita sa amin. Ayaw ko na ulet magtanong. Medyo naiilang pa rin ako kay Vince kahit na paminsan minsan na namen siyang nakakasama sa pag gala. Hanggang ngayon ka ay palaisipan pa rin saken kung baket pinipilit niya akong kausapin.
"Hanggang anong oras practice niyo?" Basag niya sa katahimikan.
"Hindi ko alam e. Depende kay Joel. Depende sa mood at performance namen. Gusto niya daw kasing manalo kame."
"Halos lahat naman gustong manalo. Ikaw ba?"
"Wala naman akong pake kung mananalo kame o matatalo. Basta naibigay ko ang best ko at nagawa ko ng maayos ang dapat kong gawin ay okay na ko... Kaya nga sa palagay ko ako ang magpapatalo sa team namen."
BINABASA MO ANG
My Favorite Love Story
Fiksi RemajaMadaming magagandang istorya. Sa t.v, sa movie, o kahit sa libro. Lahat may pinanghuhugutan. Lahat may pinagbabasehan. Lahat may katotohanan. Lahat ay punong puno ng pagmamahal. Pero ang pinakapaborito kong istorya.. Alam mo kung ano? Ang istorya n...