Chapter 20

15 1 0
                                    

Di Makapaniwala.


-


Nakalatag na ang lahat. Sa lapag kame pumwesto para sa inumang magaganap. Magkatabi si Misha at Toffer, si Francine at Josh, Si Mason at Gema sa lapag. Habang kame naman nila Tessy at Rica ay nasa higaan. Si Kyle naman ay nag-iisang nakaupo sa upuan, wala siyang katabi.

"Umpisahan na naten!" Sabi ni Kyle, na atat na atat ng uminom.

"Maghintay ka muna. Hinihintay pa naten si JA!" Ani Misha.

"Ay ganun? Nasan na ba siya? Dun lang sa unahan bahay nila a?" Tanong ni Kyle.

"Malapit na daw. Tinulungan niya pa daw magsara ng tindahan si Lola Belinda. Excited ka masyado noh?" Sambit naman ni Mason.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Kinakabahan ako dahil kasama namen siya dito, pero hindi ko naman pwedeng sabihin na wag siyang isali. Para namang tanga kung ganun diba?

Maya maya pa ay may kumatok na sa pintuan namen. Si Kyle na ang nagvolunteer na magbukas tutal siya naman itong maayos ang pwesto. Pinanood ko ang pagpasok niya. Agad na dumirekta saken ang malulungkot niyang mga mata. Nag-iwas ako ng tingin at bumagsak ang tingin ko sa kumot ko.

Wag niyang sabihing aakto siya ng ganyan sa harap ng mga kaibigan namen? Baka isipin nila na may Lq kame kaya siya malungkot. Pinilig ko ang ulo ko sa naisip. Kayo talaga agad? Di ba pwedeng sila muna ni Stephanie?

Nakipagfistbump muna siya sa mga boys bago dumiretso kung saan. Naramdaman ko nalang na may umupo sa tabi ko. Kumalabog ang puso ko at agad akong gumalaw para bigyan siya ng mas malaking space. Gumalaw din si Rica at Tessy.

Pumalakpak si Kyle. "Let's rock!" Aniya at binuksan na ang alak.

Nag-umpisa na kame. Ang pinakahuling tumatagay samen ay si Anthony kaya kada shot niya ay ako ang nag-aabot. Naaaninag ko kung pano siya tumingin saken pero hindi ako nag-aangat ng tingin.

"San nga pala si Vince? Di niyo sinama?" Naitanong ni Francine.

"Pinasama namen syempre. Kaso lang may activity daw sila ng mga journalism bukas. Kaya hindi siya pwede ngayon." Kibit balikat na tugon ni Toffer.

Nagpatugtog si Mason sa cellphone niya at kinonekta sa maliit na speaker kaya nagkaroon ng buhay ang inuman namen. Mga ilang oras pa ang lumipas at talagang masaya na. Panay na ang tawanan namen dahil sa malanding pagsasayaw ni Kyle. Kung ano ano na ang pinag-uusapan namen at kahit hindi nakakatawa ay pinagtatawananan namen.

Nilingon ko ang katabi ko. Siya lang ang bukod tanging hindi gumagalaw para sumabay sa tugtog. Nasa malayo siya nakatingin at hindi siya natitinag kahit na yumuyugyog ang kama dahil sa paggalaw namen nila Rica.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at naguilty. Kung hindi ako nag-iinarte ay siguradong sumasabay siya sa amin ngayon. Nagbukas ng panibagong alak sila Josh. Ngumiwi ako dahil para akong nalula sa dami nito. Hindi pa ako lasing pero medyo nanlalabo na ang paningin ko.

"Hoy pre? Ano? Galaw galaw din, baka mastroke ka dyan!" Panunuya ni Mason kay Anthony.

Ngumisi si Anthony. "Hindi nakakastroke ang hindi paggalaw, gago! Nasan common sense mo?" Pantatrashtalk niya.

Umarteng nasasaktan si Mason. Humilig pa siya sa balikat ni Gema at niyuyog ang balikat niya. "Na-gago pa ako. Tanginang yan." Aniya sabay hagikhik.

"Fafa JA! Sayaw ka naman. Sabayan mo ako." Ani Kyle at hinila si Anthony.

Ginilingan ni Kyle sa Anthony. Hindi sumasabay si Anthony pero tawa siya ng tawa. Kinindatan pa siya ni Kyle, at lahat kame ay humalakhak.

My Favorite Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon