Gulo.
-
"Sana ako na lang. Ako pa rin, ako nalang ulet."
"You had me at my best. She loves me at my worst. At binalewala mo lang lahat ng yun."
"Yun ba talaga ang tingin mo? I just made a choice."
"And you chose to break my heart."
Muli akong suminghot para pigilan ang paglabas ng sipon ko. Panay ang punas ko sa luha ko. Hindi ko talaga maintindihan si Basha kung baket kailangan niyang hiwalayan si Popoy. Tinapon niya ang limang taon dahil lang nasasakal na siya.
"Uh! Keena, ayan na naman yang pinapanood mo? Ilang libong beses mo pa bang papanoodin yan? Gasgas na yung tape! Maawa ka naman." reklamo ni Rica ng maabutan niya akong nanonood.
Lumingon ako sa kanya. Kadadating niya lang. Hindi siya sumabay ng uwi samen nila Tessy dahil nga magkikita pa daw sila ni David. Nung makilala ko si David dun sa birthday nila Mason ay hindi ganun kakomportble sa pakiramdam. May kakaiba kase sa aura niya. Para bang ang liit ng tingin niya saming magbabarkada.
Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita kong 6 pm na. 3:30 ang uwi namen at halos tatlong oras silang magkasama. Kumunot ang noo ko at pinatay ang t.v. Napapadalas ang uwi niya ng gabi.
"6 na a? Bat ngayon ka lang umuwe?" tanong ko habang nililigpit ang mga chichiryang pinagkainan ko.
"Kaya nga umuwe na ko e, 6 na. Kung ako lang ayoko pa sanang umuwe." sabi niya habang nagbibihis.
"Ano? Baket? Halos araw araw na kayong nagkikita niyan ni David a? Buti hindi kayo nagkakasawaan."
"Baket ako magsasawa? Lagi niya akong nililibre. Binibilhan niya rin ako ng mga bagay bagay. Ang swerte swerte ko talaga sakanya noh?"
"Oo swerte ka sakanya. Pero sana dito nalang kayo nagkikita sa bahay. Para naman maging close din namen siya. Pinagdadamot mo naman ata samen ang boyfriend mo."
"Dapat ko lang siyang ipagdamot noh! Minsan lang ang katulad ni David kaya dapat hindi ko siya pakawalan at mas bantayan pa. Mahal ko na talaga siya, kaya hindi ko hahayaang may umagaw sakanya."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Anong gusto mong palabasin? Na aagawin namen siya sayo? Ganun ba?"
"Wala akong sinasabing ganyan, Keena. Sayo nanggaling yan. Ang saken lang naman ayokong maagaw siya saken. Yun lang."
"Wala namang aagaw sakanya. Porket nabibili ka niya ng kung ano ano, ganyan ka na umasta. Akala mo naman kagusto gusto ang boyfriend mo! Baket, Rica? Nabili ka na rin ba niya? O nabili mo na rin ba siya?" nanliliit ang matang bigkas ko.
Nalaglag ang panga niya. Marahas niya akong tinulak. Muntik na akong sumubsob sa lababo buti nalang at nakahawak agad ako sa gilid.
"Anong sinabi mo?! Anong tingin mo saken? Pokpok at nabibili?! Ganyan ba kababa ang tingin mo saken?! Ang kapal mo!" singhal niya.
"O baket? Ano ba sa tingin mo ang gusto mong sabihin saken? Ayaw mo siyang maagaw? Sino bang aagaw? Sa tingin mo aagawin namen siya sayo?! Ikaw ata ang mababa ang tingin samen!" sigaw ko pabalik sakanya.
"Ano bang problema mo!? Wala akong sinasabing ganyan!" aniya at pinadilatan ako.
"Sus. Wag mo nga akong gawing tanga, Rica! Sabihin mong ayaw mong baka may isa samen ang matipuhan din ng boyfriend mo! Diba?" wika ko.
"Oo! Baket? Masama na bang siguraduhin na akin lang siya at walang aagaw?! Masama bang bakuran ang teritoryo ko?!"
"Edi inamin mo rin! Ganyan ka ba talaga?! Ano bang tingin mo samen ha?! Hindi kame katulad mo na sobrang hayok na hayok sa lalaki!" pagalit kong utas.
BINABASA MO ANG
My Favorite Love Story
Fiksi RemajaMadaming magagandang istorya. Sa t.v, sa movie, o kahit sa libro. Lahat may pinanghuhugutan. Lahat may pinagbabasehan. Lahat may katotohanan. Lahat ay punong puno ng pagmamahal. Pero ang pinakapaborito kong istorya.. Alam mo kung ano? Ang istorya n...