Chapter 11

29 1 0
                                    

Umpisa.

-

"Nag-umpisa na ba kayong magpractice para sa stage play na gagawin niyo?"

Nag-angat ako ng tingin kay Ma'am Madrigal. Nakatukod ang dalawa niyang kamay sa teacher's desk at nakatingin saming lahat. Nilapag ko ang ballpen ko at lumingon sa katabi kong si Tessy.

"Nagpractice na ba kayo?" tanong ko.

Lumingon siya saken at umiling. "Hindi pa. Hindi pa kame nakakapag-usap e. Ano bang grupo ka? Samen ba?" aniya habang binabalik ang atensyon niya sa sinusulat.

"Hindi e. Sa White Rose ako napabilang." simple kong tugon at muling tumingin kay Ma'am. Napatingin din siya saken.

"Ikaw, Banuela... Nakapagpractice na ba ang grupo niyo?"

Umiling ako. "Hindi pa po. N-nagpaplano pa lang po kame ng mga gagawin namen." sagot ko.

Tumango siya at hindi muling nagtanong. Iba namang mga kaklase namen ang kinausap niya. Pagkatapos nun ay muking tumahimik ang klase namen. Bumalik na ang lahat sa pagsusulat.

Maya maya pa ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone sa bulsa ko. Tumingin muna ako sa unahan para tingnan kung nagmamasid si Ma'am. Dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa at pasimpleng tiningnan kung sino ang tumatawag.

Si Mama. Agad akong tumayo at lumapit kay Ma'am. Sumulyap siya saken. "Ma'am tumatawag po ang Mama ko, pwede ko po bang sagutin?" wika ko at ipinakita sakanya ang phone ko.

Tumango siya bilang pagsang-ayon. Lumabas ako ng room at sinagot ang tawag. Rinig na rinig ko ang tawanan sa kabilang linya.

"Hello?" narinig kong sabi ni Mama.

"Hello, Ma? Baket po?" mahina kong tanong.

"Nak! Susko, miss na miss ko na ang anak ko!" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Mama. Parang may kakaiba sa salita niya. "Kamusta ka naman dyan, Keena? Nakakakain ka ba ng maayos? Kamusta ang pag-aaral mo? Baket hindi ka man lang nagtetext? Sobra akong nag-aalala sayo."

Kinagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko. Para akong nanghina ng malamang nag-aalala si Mama saken. Masyado akong nag-eenjoy sa pamamalagi ko dito, hindi ko man lang naaalala sila Mama. Masyado akong masaya, nakakalimutan ko sila.

"Okay lang po ko, Ma. Nakakakain po ako ng maayos. Ayos lang po ang pag-aaral ko dito. Hindi ko po kayo natetext dahil masyado pong madaming ginagawa sa school. Wag po kayong mag-alala saken. Alagaan niyo po ang sarili niyo."

Hindi nagsalita si Mama. Ilang sandali pa ay wala na kong naririnig na mga tawa. Tumahimik na ang paligid. "Mag-iingat ka palagi dyan ha? Magsabi ka lang kung nahihirapan ka na dyan. Miss na miss ko na ang anak ko. Birthday ng pinsan mo ngayon, may konting salo-salo kaya tinawagan kita. Anong ginagawa mo? Nasan ka?"

"Ay, oo nga pala. Hindi ko naalala. Pakisabi nalang po, happy birthday. Hindi po ko nahihirapan dito. Chicken lang to saken e." mahina akong tumawa. "Nasa school ako ngayon, Ma. May klase ako. Nagpaalam lang ako saglit para sagutin yung tawag mo."

"Ganun ba?" saad niya na may panghihinayang na tono. "Sayang, akala ko pa naman ay makakausap kita nang matagal tagal. Oh sige na, tatawag na lang ako mamaya. I-text mo ko kung naong oras pwede ha?"

Tumango tango ako kahit na hindi naman niya aki nakikita. "Opo. Mag-ingat din po kayo palagi dyan. Wag niyo pong pabayaan ang mga sarili niyo. Ma?... Miss na miss ko na rin po kayo." sabi ko.

Narinig ko ang singhap niya. Para bang pinipigilan niyang humikbi. "Miss na miss na kita. Mahal na mahal ka namen ng papa mo. Mag-aral kang mabuti. Babye na." aniya sa malambing na boses at saka pinatay ang tawag.

My Favorite Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon