Sikreto.
-
Lumipas ang mga araw at ganun ng ganun ang mga pangyayare. Palaging susulpot si Vince para bigyan ako ng kung ano ano. May bulaklak, may pagkain, may stufftoy at marami pa. Palagi niya rin akong hinahatid kahit na hindi ako sumasabay sa kanya. Nakukulitan na ako pero ayoko namang maging masama kaya tinatanggap ko pa rin at pinapakisamahan ang mga ginagawa niya.
"Anong iniisip mo?" Tanong ni Pearl sa gilid ko.
Bumaling ako sa kanya at humiga sa hita niya. Nagbabasa siya ng Math book. Hindi ko alam kung anong mababasa niya dun. "Wala lang. Mga bagay bagay—"
"Katulad ng may nangungulit sayong lalake?" Pagdugtong niya sa pangungusap ko.
Tumango ako at kinapa din ang libro sa gilid ko. "Siya kase ang nagpapagulo e. Sinabi ko na sakanya na hindi na ako pwede. Dahil meron ng nagmamay-ari ng puso ko. Pero siya, hala tuloy pa din."
"Baka naman kase alam niyang wala ka pa namang hawak na puso? Baka alam niya na yung taong gusto mo, e hindi ka naman gusto. Ganun."
"Ewan ko. Pero kung ako sa kanya, titigil na ako e. Kase ako sa sarili ko alam kong wala na kaming pag-asa. Hopeless case kung baga."
"Sus. Baka naman kase ikaw lang ang nagsasabi niyan? Baka naman hindi pa hopeless case. Baka kase infatuated ka lang sa idea ng pagmamahal ng patago?"
Umiling ako. "Sigurado ako, Pearl. Puso ko to e. Ako ang may alam sa nararamdaman ko at alam kong siya lang. Hindi na pwedeng may kahati."
"Bahala ka. Basta kung san ka naman masaya dun ako. But if you would ask me. Well i'll choose the other guy. Kase atleast siya nag-eeffort para sa pagmamahal na gusto niyang makamtan."
Napatingin ako sa kanya. Tumingin din siya saken at ngumisi. "Pasensya na madaldal talaga ako. Alam mo na, minsan lang ako may kausap." Aniya.
Umiling ako at umalis sa pagkakahiga sa hita niya. Niyakap ko ang tuhod ko at nanatiling nakatingin sa kanya. "Nainlove ka na ba, Pearl?"
Nagulat siya sa tanong ko. Nabitawan niya ang librong hawak niya at nanlalaki ang matang tumitig saken. "B-baket m-mo naman n-natanong yan?"
Nagkibit balikat ako at tumingin sa paligid. "Wala lang. Natanong ko lang. Pakiramdam ko kase may hugot lahat ng sinasabi mo saken."
Hindi siya sumagot. Hindi na rin ako muling nagtanong. Siguro ay ayaw niyang malaman ko. Siguro gusto niyang itago nalang yun sa sarili niya. Naiintindihan ko naman. Sadyang nacu-curious lang ako. Narinig ko ang pagtikhim niya kaya nilingon ko siya. Nakayuko siya at pinaglalaruan niya ang mga daliri niya.
"Si Josh..." Sambit niya.
"Oh, a-ano si Josh?" Tanong ko.
"Mahal ko siya." Aniya sabay angat ng tingin saken. Hindi ako nakapagreact. Tumingin lang ako sa kanya dahil hindi ako makapaniwala. Ngumisi siya at umiling. "Alam ko magugulat ka. Nakakagulat naman talaga. Kase ang taas ng pangarap ko diba? Isang Josh Rafael Montejo pa talaga ang gusto ko."
"Pap-paanong siya? I mean uh.." Kinagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko.
"1st year ako nun. Lagi nakong nabubully. Sabi ko sa sarili ko masasanay din ako. Tapos isang araw pinagtulungan ko ng mga 1st year din na babae. Ang weird. Weird daw ako. Panget na nga daw ako tas may sayad pa ako. Iyak ako ng iyak habang sinasaktan nila ako sa likod ng school. Hanggang dumating si Josh. Inaway niya yung mga babae, tapos inalalayan niya pa ako hanggang pag-uwe. Pinunasan niya ang luha ko ng panyo niya... Keena sa unang pagkakataon may isang tao na tumulong saken. Kahit na hindi ko naman siya kakilala. Siya ang nagturo saken na maging malakas lalo na at hindi daw mawawala sa mundo ang mga mapanghusgang tao." Suminghot siya. Hinawakan ko ang mga kamay niya at pinisil ito.

BINABASA MO ANG
My Favorite Love Story
Подростковая литератураMadaming magagandang istorya. Sa t.v, sa movie, o kahit sa libro. Lahat may pinanghuhugutan. Lahat may pinagbabasehan. Lahat may katotohanan. Lahat ay punong puno ng pagmamahal. Pero ang pinakapaborito kong istorya.. Alam mo kung ano? Ang istorya n...