Masaya.
-
Nang humupa na ang pag-iyak ko at nalabas ko na rin ang kinikimkim ko ay tsaka pa lang ako tinablan ng hiya. Tahimik na kami parehas. Hindi siya nagsalita o nagtanong tungkol sa mga binuksan ko sakanya. Hindi ko tuloy alam kung magpapasalamat ako dahil nirerespeto niya yung nararamdaman ko o sadyang wala lang siyang pakialam.
"Err... S-salamat sa pakikinig saken ha? Tsaka sorry din sa abala." Paumanhin ko.
Tumango siya at kinulong sa palad niya ang isa niya pang kamay, sa ibabaw ng palda niya. "Wala yun. Mas maganda nga yung nilabas mo yan para hindi ka sumabog."
Ngumiti ako at naglahad ng kamay sakanya. "Ako pala si Keena. Ikaw?"
Nag-angat siya ng tingin sa kamay ko. Tiningnan niya ito ng nag-aalangan. Huminga ako ng malalim at kinuha ang kamay niya. Gulat siyang tumingin saken. "Hindi ko bibitawan ang kamay mo hangga't hindi mo sinasabi kung anong pangalan mo."
"H-hindi mo ba talaga ako kilala?" Tanong niya at umiling ako. "B-bago ka lang ba dito? Transferee?"
Tumango ako at pinanatili ang ngiti sa labi ko. Kinagat niya ang pang-itaas niyang labi. "Ako si Pearl."
"Pearl." Banggit kong muli sa pangalan niya. "Ang ganda pala ng pangalan mo e. Perlas... Perlas ng silanganan." Sabi ko at mahinang tumawa.
Muli akong tumingin sa malayo. Pinanood ko ang pagsayaw ng mga halaman sa hangin. Hindi ako plant lover pero naaappreciate ko sila. Buhay sila na dapat alagaan at mahalin.
"Baket ka pala nag-iisa dito? Dito ka talaga madalas tumambay?" Tanong ko.
"O-oo... Alam mo Keena, hindi ko alam kung maswerte ba ako dahil hindi mo ako kilala. Dahil kahit papano, maganda naman ang taon na to dahil may taong lumapit at kumausap saken." Seryoso niyang hayag. Nilingon ko siya at nakatitig lamang siya sa lupa.
"Baket? Wala ka bang kaibigan?" Kumunot ang noo ko.
Umiling siya at tipid na ngumiti. "Alam mo kase ayaw ng mga estudyante saken dito. Ayaw nila akong maging kaibigan. Weirdo daw ako. Ni wala ngang kumakausap saken e. Parang pag nakikita nila ako wala na silang ibang reaksyon kundi magbulungan at pintasan ako. Ganun yun palagi, sa araw araw na ginawa ng Diyos. Nasanay na nga lang ako e. Nasanay na lang ako na walang pakialam sa kanila."
Hinarap ko siya ng nagtataka. "H-hindi kita maintindihan." Ani ko.
Humugot siya ng malalim na hininga ay maingay itong binuga. Sandali siyang sumulyap saken bago tinuon ang tingin niya sa kung saan. Nanatili ang titig ko sakanya.
"Weirdo ako. And i think that's the reason why they don't want to be near me. Just like this, yung klase na mag-uusap tayo ng tagalog and then suddenly i'll just speak in english. Nakakatanga daw para sakanila. But i wonder, what is the problem? English is the second language of the Philippines and i don't see anything wrong with that. Or maybe it's just that, i don't have a sense of humor. Yung tipong tuwang tuwa na sila, yung nakakatawa na sa kanila pero para saken nonesense. They don't want a friend who is such a killjoy, a weirdo, and any names they can describe me... But what can i do? Hindi ko naman ginustong maging ganito. Hindi ko naman ginustong maging kakaiba para sakanila. If i can change myself, why not right? No one wants to be like me. Like this. Pero napag-isip isip ko din na, it's better this way. Mas maganda na yung walang kaibigan, at least kapag nagkamali ako, wala akong mahahatak pababa."
Tumunganga ako saglit sa kanya. Ilang beses akong kumurap habang pinapasok sa utak ko ang mga sinabi niya. Nilingon niya ako at bumuntong hininga siya saken. Tumango tango siya. "Alam ko. Pati nawi-wirduhan na saken. Ganun naman talaga ang mga tao ngayon. Kapag hindi nila kaugali, hindi nila kayang tanggapin."

BINABASA MO ANG
My Favorite Love Story
Teen FictionMadaming magagandang istorya. Sa t.v, sa movie, o kahit sa libro. Lahat may pinanghuhugutan. Lahat may pinagbabasehan. Lahat may katotohanan. Lahat ay punong puno ng pagmamahal. Pero ang pinakapaborito kong istorya.. Alam mo kung ano? Ang istorya n...