Author's Note: Hi. :) Another story on wattpad. Sana maenjoy niyo at suportahan niyo katulad ng pagsuporta niyo sa pinaka-first na story ko. Lovelots guys! Enjoy ~
-
"KEENA!!!"
"Ay kabayong bundat! Nasan ang sunog? Nasan?" sabi ko at luminga linga sa paligid.
"Walang sunog, gaga! Alas sais na po madam. Ano? Wala kang balak pumasok sa school? At pwede ba pakibaba nga si Santo Nino." mataray na sabi ni Rica. Napabuntong hininga naman ako at tiningnan ang yakap yakap ko na Santo.
Maingat kong binalik yun sa 'mini altar' namen at umupo sa kama. Minsan nakakainis talaga yan si Rica e, ang hilig manigaw.
"Oh? Kakagising mo lang?" obvious na tanong ni Gemalyn pagkapasok niya sa kwarto.
"As usual. What's new? Napuyat na naman yan kakanood ng movie." napapailing na sagot naman ni Tessy.
Napalabi ako. "Grabe kayo, umagang umaga pinagtutulungan niyo akong tatlo. E baket ba? Gusto ko lang naman damayan si Popoy dahil sa pananakit sa kanya ni Basha." pagtatanggol ko sa sarili ko.
"Gaga! Pang ilang libong beses mo na ba dinamayan yan si Popoy? He doesn't help your need noh?" sabi ni Gem. Sabay sabay naman namen siyang pinangunutan ng noo at sabay ding umiling.
"Tanga! He doesn't need your help yun! Stupid, boo boo brain." mataray na pangongorrect ni Rica.
Nagpeace sign nalang si Gem at binalik ang atensyon sa paghahanap ng medyas niya. Umiling ako at kinuha ang twalya ko at tumungong c.r. Pero bago pa ko makapasok e nagsalita na naman si Rica. "Hoy! K, wag kang magtagal kung ayaw mong iwanan ka namen."
Tumango nalang ako at pumasok na sa banyo. Kung nagtataka kayo kung sino sila, sila lang naman ang mga childhood friends ko. Magkakaibigan kase ang mga nanaya namen kaya naging magkakaibigan din kame. Namana ata namen yun sa kanila.
Si Rica Asul. Si Gemalyn Lipay. At si Tessy Valino. At kung nagtataka kayo kung baket magkakasama kame, e dahil nasa probinsya ang mga magulang namen at kami naman ay nasa Manila. Gusto kase nila na sa Maynila kame magtapos para madaling makapasok sa unibersidad dito rin. Kaya naman napagpasyahan nila na pagsamasamahin kame sa iisang apartment.
Maayos naman kame dito. Sa totoo nga ay masaya kame na magkakasama kame sa iisang bubong. Pangarap kase namen yung magkakaibigan. Kakalipat lang namen nung April kaya nangangapa pa kame sa mga lugar dito.
"Keena! Ang kupad mo talaga!" napangiwi ako sa biglang pagkalabog ng pinto. Grabe talaga yung kulot na yun.
"Matatapos na!" sigaw ko at mabilis na nagsalamin at nagsuklay. Inayos ko na ang dadalhin ko at bago ako lumabas ng bahay ay pinagmasdan ko muna ang sarili ko sa salamin.
-
"This is it! Grabe hindi nako makapaghintay makita at makilala ang mga bago nating classmates!" nagtatatalon na wika ni Gemalyn habang naglalakad kame sa campus.
Siya ang pinakabibo saming lahat. Mahilig siyang mag-english pero mali mali naman. Sanayan na lang. Saming apat siya ang pinakabata. Batang isip. Morena siya na singkit at lagpas balikat ang buhok.
"Sana may pogi." kinikilig kilig na sabi ni Rica. Siya naman may pagkamaldita, at mataray. Napakalakas ng loob niya. Pero katulad ng ibang babae, mahilig din siya sa mga lalaking pogi. Mahaba at maganda ang kulot niyang buhok na abot hanggang bewang. Maputi siya at payat.
"Sana maganda at magaling ang turo nila dito. Balita ko isa daw yo sa pinakamagandang public school sa Quezon City." sabi ni Tessy. Siya ang pinakamatalino saming apat. May pagkabookworm at isnabera. Hanggang balikat ang buhok niya. At katamtaman ang kulay at katawan.
Niyakap ko ang librong hawak ko. At tumingin sa ceiling. "Sana dito ko na matagpuan ang lalaking para saken." nangangarap kong wika.
Nakita ko naman ang pagngiwi ni Rica at maya maya ay binatukan ako. "Aray ko ha!" daing ko habang hinihimas ang ulo ko.
"Gaga! Walang forever." natatawa pero may pait na sabi ni Rica. Inirapan ko nalang siya at nagpatuloy sa paglalakad.
Yan kase ang mahirap sakanya. May pagkabitter siya lalo na kampag umaatake ang pagiging hopeless romantic ko. Masyado kase siyang gising sa realidad na ang mundo ay hindi katulad ng sa fairytale. Pero alam ko sa sarili ko na totoong nangyayare ang mga nangyayare sa mga palabas. Base ang mga ginagawa nilang yun, sa mga experience nila.
Kaya naniniwala ako na totoo ang forever. Totoo ang happy ending. Totoo ang mga prinsipe. At hangga't may mga palabas sa t.v at libro, ay hinding hindi ko susukuan ang paniniwalang mararanasan ko din ang mga bagay na napapanood at nababasa ko.
BINABASA MO ANG
My Favorite Love Story
Teen FictionMadaming magagandang istorya. Sa t.v, sa movie, o kahit sa libro. Lahat may pinanghuhugutan. Lahat may pinagbabasehan. Lahat may katotohanan. Lahat ay punong puno ng pagmamahal. Pero ang pinakapaborito kong istorya.. Alam mo kung ano? Ang istorya n...