Ikaw.
-
Nakahiga ako sa kama. Tulala habang hawak hawak ang labi ko. Saturday ngayon kaya wala kaming pasok. Namalengke si Gema at Tessy habang parehas pa kaming nakahiga ni Rica. Hindi ko lang alam kung tulog pa siya o ano.
Bumuntong hininga ako marahang pumikit. Hindi ko alam kung anong nangyare kahapon. O baka alam ko pero ayaw lang tanggapin ng utak ko. Pagkatapos ng halik na yun ay mabilis akog umalis sa bahay nila Anthony. Umiyak ako magdamag dahil sa guilt na nararamdaman ko. Ano nalang ang sasabihin ng mga kaibigan ko pag nalaman nilang nagkiss kame ni Anthony? Sigurado akong maghi-hysterical ang mga yun at sermon na naman ang abot ko nito.
Tumagilid ako at niyakap ng mahigpit si Viosk. Hindi ko aakalain na darating ang araw na masasaktan ako dahil lang natupad na ang pangarap ko. Gusto ako ni Anthony. Kumpirmado. At gusto ko din siya. Pero nay tao kaming masasagasaan. Isang mabait na tao. Hindi ko ata kayang isipin na mananakit ako ng kaibigan dahil lang sa pagmamahal.
Pero ganun ata talaga. Sa pag-ibig hindi pwedeng hindi ka masasaktan at makakasakit. Dapat mo lang piliin kung ano ang mas kaya mo. Yung ikaw ang nahihirapan o iba yung naaapakan. Mahirap magdecide. Lalo na kung kaibigan mo rin yung taong involve. Nakakabaliw. Parang mas hindi ko ata kaya to kesa yung makita ko silang magkasama ni Anthony.
Ang dami kong iniisip. Isa pa si Pearl, na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpaparamdama saken. Gusto ko siyang makausap pero mukhang lumalayo siya saken. Ni hindi na siya tumatambay sa garden.
Tsaka yung mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung matatanggap ba nila ito. Na mahal ko si Anthony at ganun rin siya saken. Gusto kong maintindihan nila agad at hindi na sila magtanong pero alam ko namang imposible yun. Magtatanong sila, at magagalit sila. Dahil kahit ako alam kong mali. Pero kaibigan ko sila. Alam kong kahit magalit sila saken, kung talagang kaibigan ko sila iintindihin nila to. Dahil hindi ko naman to ginusto e. Kase kung ako ang tatanungin? Hindi ko gugustuhing makihati sa kaibigan ko. Pero si Tessy. Alam niya at hindi niya naiintindihan. Ganun rin kaya sila?
Panghuli ay si Anthony. Hindi ko alam kung magiging handa ako sa mga susunod niyang galaw. Alam kong mas magiging showy na siya saken ng nararamdaman niya dahil nga indirect na niyang nasabi saken ang nararamdaman niya. Ang bilis ng mga pangyayari. Dati lang namomroblema ako dahil sa gusto ko si Anthony, tapos ngayon namomroblema pa rin ako sa parehas na dahilan.
Napalingon ako ng biglang bumukas ang pinto namen. Pumasok si Gema at Tessy dala dala ang mga pinamili nila. Kung sabihin ko na kaya sakanila? Para naman hindi ako mag-isang humaharap sa problemang sa umpisa pa lang ay dapat wala na.
"Oh Keena, gising ka na pala." Sabi ni Gema ng mahagip niya ako ng tingin.
Hindi ako sumagot at tumayo nalang. Tiningnan kong mabuti si Viosk at paulet ulet kong tinatanong kung ito na ba ang araw? Naghihintay ako na tumango siya pero nakatingin lang siya saken at nagpapacute.
"Nakita namen si Stephanie sa tapat ng bahay nila Anthony. Kausap niya si Anthony. Mukhang kagigising nga lang niya kase magulo pa ang buhok e. Pero infairness ang pogi niya talaga. Sayang lang off limit na." Sambit ni Gema habang inaayos ang pinamili nila.
Agad dumirekta ang mga mata ni Tessy saken. Alam kong hinihintay niya ang magiging reaksyon ko pero hindi ako kumibo. Siguro nga ito na yun. Kung magagalig man sila, tatanggapin ko. Kasalanan ko e. Hinayaan ko ang sarili kong mahulog.
Pumunta ako sa lamesa namen at naghila ng upuan tsaka umupo doon. Pumangalumbaba ako habang nakatingin sa kawalan. Kinagat ko ang labi ko. Hanggang ngayon pakiramdam ko nakalapat pa rin ang labi ni Anthony sa labi ko. Hay, ang aga agang kalandian, Keena. Stress ka na nga nakuha mo pang lumandi.
BINABASA MO ANG
My Favorite Love Story
Teen FictionMadaming magagandang istorya. Sa t.v, sa movie, o kahit sa libro. Lahat may pinanghuhugutan. Lahat may pinagbabasehan. Lahat may katotohanan. Lahat ay punong puno ng pagmamahal. Pero ang pinakapaborito kong istorya.. Alam mo kung ano? Ang istorya n...