Lumalalim.
-
Mag-iisang linggo na. Mag-iisang linggo na naming nakakasama si Stephanie. Pati na rin ang tatlo niya pang mga kaibigan. Masaya naman kame. Madali lang sila pakisamahan kaya naman walang problema sa mga kaibigan namen.
"Keena, cr?" sinulyapan ko si Rica. Tumango ako at tinapik si Tessy. Nakatayo na si Gema at Rica, nag-aabang nalang samen.
Okay na kame ni Rica. Walang nagsorry. Nakita nalang namen ang isa't isa na nag-uusap na. Hindi na namen pinag-uusapan pa yun. Balik kame sa dati. Sa tingin ko ay ganun talaga kapag magkaibigan kayo. Hindi niyo kayang wala ang isa't isa.
"Samahan niyo ako mamaya ha? Magkikita kame ni David." sabi ni Rica.
Tumango lang ako. Hindi na ako masyadong nagkokomento tungkol sa relasyon niya sa lalaking yun. Wala na ako sa litrato. Kaya kahit na hindi komportble ang pakiramdam ko kay David ay hindi ko na isinasatinig.
Lumabas si Gema at Tessy sa cubicle ng c.r. Pumunta sila sa tabi ko, sa harap ng salamin.
"Ang bait ni Stephanie noh?" sambit ni Gema.
"Oo. Tas ang ganda pa. Bagay na bagay sila ni Anthony." pagsang-ayon naman ni Rica.
Kinagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko. Pinasadahan ko ng daliri ang aking buhok. Ramdam na ramdam ko ang pagtitig ni Tessy sa repleksyon ko sa salamin. Hindi ko magawang tumitig pabalik.
"Ano sa tingin mo, Keena? Bagay ba sila?" wika ni Tessy. Tumingin ako sakanya. Nanatili ang mapanuri niyang tingin saken.
Nagkibit balikat ako. "Baket mahalaga ba ang opinyon ko tungkol sa bagay na yan? Kung parehas nilang gusto ang isa't isa. . . Sa tingin ko sapat na yun."
"Echusera ka! Masyadong safe ang sagot mo." ani Gema at humalakhak.
Ngumisi ako at umiling. Nahagip na naman ng tingin ko ang paninitig ni Tessy saken. May binabasa siya sa akin. May gusto siyang makumpirma pero nananatiling tikom ang bibig ko. Ayokong malaman nila ang nararamdaman ko. Feeling ko kase pag may isa ng nakalaam ay malaki na ang posibilidad na kumalat yun. Ayokong majudge.
"Pero sa tingin mo bagay ba sila?" pag-uulet ni Tessy.
Tinaasan ko siya ng kilay. Pormal pa rin ang itsura ko. Nag-angat ng tingin samen si Rica. "Tessy, wag mo ng kulitin si Keena. Hindi naman niya siguro ilalakad si Anthony kay Steph kung hindi siya boto sakanila diba?"
Lumunok ako. Bagay sila, pero hindi ako boto para sa kanila! Gustong gusto kong isatinig ang mga katagang yan pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Bagay sila." tahimik kong wika. Tumango siya sa sinabi ko. Hindi siya kuntento sa sagot ko.
"Tara na! Male-late na tayo sa first subject naten." yaya ni Gema. Nagsunuran din kame.
Habang naglalakad sa corridor ay nakasalubong namen sila Stephanie. Agad na nagliwanag ang mata niya ng makita ako. Tuwang tuwa siyang yumakap saken. Nagtataka naman akong yumakap pabalik.
"Keena! Grabe Keena!" usal niya. "Grabe talaga! Hindi ko alam kung pano ko sasabihin to!" tili niya.
Tinapik ko siya at bumitaw sa napakahigpit niyang yakap. Tiningnan ko ang mukha niyang napakasaya. Baket kaya siya masaya?
"Ano ba yun, Stephanie?" sabi ko.
Lumapad pa lalo ang kanina'y malapad na niyang ngiti. Mas lalo ata siyang nabuhayan ng dugo dahil sa tanong ko. Muli siyang nagtatatalon.
"Thank you." banggit niya. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Wala akong maintindihan. "Thank you kase ikaw ang dahilan kung baket nagiging vocal na si Anthony sa nararamdaman niya saken. Salamat talaga! Salamat!" aniya.
BINABASA MO ANG
My Favorite Love Story
Teen FictionMadaming magagandang istorya. Sa t.v, sa movie, o kahit sa libro. Lahat may pinanghuhugutan. Lahat may pinagbabasehan. Lahat may katotohanan. Lahat ay punong puno ng pagmamahal. Pero ang pinakapaborito kong istorya.. Alam mo kung ano? Ang istorya n...