Bubong.
-
"Basahin niyo ang Batikan niyo. Chapter 24 page 82. At sagutan niyo ang mga tanong. Lahat ha? Magme-meeting lang kame ng mga teachers... Be responsible enough Red Rose. Ayoko ng makakarinig ako ng reklamo na nag-iingay kayo."
Tahimik ang buong klase habang nagsasalita si Ma'am. Yung iba nga kinuha na yung libro nila para magmukhang magsasagot talaga. Nang matapos magsalita si Ma'am Ramirez ay pinasadahan niya muna ng tingin ang buong klase. Lahat kame ay nakatingin din sa kanya. Nagtaas siya ng kilay at naglakad na paalis.
May isang classmate kame na lalake na tumayo, ilang sandali pagkatapos kami iwan ni Ma'am. Sumilip siya sa pintuan. Pumangalumbaba ako at tinap ng daliri ko ang desk ko.
Isa... Dalawa... Tat—
"Wala na si Ma'am!" Hayag ng classmate ko na si June. Yung sumilip sa pintuan. Parang kalabit ang salita niya at sa isang iglap lang ay maingay na ang buong classroom.
"Iingay talaga. Tsk!" Palatak ni Tessy sa tabi ko at sinarado ang libro niya.
"Di ka na nasanay! Nga pala malapit na daw yung periodical naten! Baka next next week na." Sabi naman ni Gema.
"Alam ko. Kaya nga nag-uumpisa na akong magreview e. One seat apart daw. Di kayo makakakopya saken." Ani Tessy.
Nag-angat ng tingin si Rica kay Tessy. "Kapal mo po!" Sambit niya saka umirap.
"Totoo naman! Ikaw nga yung mahilig mangopya dyan, ikaw pa tong nagsusungit!" Ismid ni Tessy.
Umiling ako sa mga kaibigan ko. Maya maya pa ay pumunta na sa row namen sila Kyle, na hindi na naman magkasundo dahil sa pag-aasaran nila ni Misha kaya mas lalong maingay.
"Crush ko yung Patrick, day! Bet na bet ko siya! Tas madami pang datung!" Malanding wika ni Kyle at sinampay pa ang kanyang kamay sa braso ni Francine.
"Hindi ka papatulan nun! Tsaka gusto mo yun? Mukha ka bang pera? Di ka ba pinapabaunan ng nanay at tatay mo ha?!" Usal naman ni Misha.
"Wa ko care sa ini-spluk mo! Inggit ka lang! Kase crush mo din si Aaron ang kaso lang nakatali ka na kay Fafa Mark, at hindi ka pinapansin nung Aaron-ching ching!"
Naghugis bilog ang bibig ni Misha at hinampas si Kyle! Nagtalo pa sila, pero hindi ko na pinansin. Tinuon ko nalang ang atensyon ko labas ng classroom namen na tanaw ko sa bintana. Nakita ko dun ang isang lalake at isang babae na para bang may pinagtatalunan. Kumunot ang noo nila ng mapansin na nakatingin ako sa kanila. Kumunot din ang noo ko at nag-iwas ng tingin. Akala siguro nila ay nakikinig ako sa kanila. E hindi ko naman sila rinig dahil medyo, malayo sila sa pwesto ko.
"Rica..."
Narinig kong bigkas ng kung sino sa gilid ko. Nilingon ko kung sino at nakita ko ang grupo nila Jennifer na nakatayo sa gilid namen. Tatlo lang naman sila. Si Jennifer, Si Winky at Malissa. Ilan sila sa sikat sa school na to. Magaganda kase sila.
"Uh, baket?" Takang tanong ni Rica.
"Gusto mo bang mapasali sa group namen para sa cheerdance?" Tanong ni Jennifer sakanya.
"Pwede ba? Oo sana." Ani Rica.
"Pwede. Malapit na ang intramurals naten kaya nangangailangan na ng mga magche-cheerdance. Sa opening ng program at sa mga players." Paliwanag naman ni Malissa.
"Oo, sasali ako. Pano ba?"
"Pumunta ka sa court mamayang uwian. Titipunin ko na dun yung mga sasali at itetest kung kaya niyo ba. Yun lang." Kibit balikat na sagot ni Jennifer sa kanya. Nginitian siya ni Rica saka sila sabay na tatlong tumalikod.

BINABASA MO ANG
My Favorite Love Story
Novela JuvenilMadaming magagandang istorya. Sa t.v, sa movie, o kahit sa libro. Lahat may pinanghuhugutan. Lahat may pinagbabasehan. Lahat may katotohanan. Lahat ay punong puno ng pagmamahal. Pero ang pinakapaborito kong istorya.. Alam mo kung ano? Ang istorya n...