Chapter 3

22 2 0
                                    

Kamalasan.

-

Hindi ko alam kung pano ko ia-approach lang lalake sa harapan ko. Walang ni isang gumagalaw sa tao sa canteen. Inaabangan nila kung ano ang susunod na mangyayare.

Lumunok ako. Unang araw ng pasukan Keena. Anong katangahan ang ginawa mo?

Ilang sandali pa ang lumipas at mukang natauhan na ang kaharap ko. Mula pagkabigla ay napalitan ito ng galit. Nag-igting ang panga niya at namula ang buong muka. Marahas niyang hinablot ang braso ko at halos mapadaing ako sa sobrang higpit nun.

"HINDI KA BA TUMITINGIN SA DINADAANAN MO?!!! BULAG KA BA O SADYANG TANGA KA LANG?!!!" sigaw niya. Kitang kita ko din ang paglabas ng mga ugat sa leeg niya.

Kumurap-kurap ako. "Ahh... Kak-kase ano e. . . Ano. . . H-hindi k-ko a-alam na ma-may tao p-pala." utal utal kong saad.

Mas lalo niya pang diniinan ang hawak sa braso ko. "Alam mo ba kung anong nangyare dahil sa katangahan mo ha? Wala na nga akong pagkain, natapunan pa ako. Ngayon anong gagawin mo?" mahina pero mariin niyang sambit.

Ngumiwi ako. Hindi ko na kayang indahin ang saket. "S-sorry. La-lalabhan ko nalang yung polo mo."

Pinagdikit niya ang labi niya na para bang nagtitimpi. Hindi niya pa rin binibitawan ang braso ko.

Nang may mapadaan na estudyante sa may gilid namen ay agad niya itong hinarang. Walang sabi niyang kinuha ang mangkok na may lamang sinigang at binuhos saken. Halos mapatalon ako dahil sa ginawa niyang yun.

Padarag niyang binalik ang lalagyan at binitawan ako. Blanko na ang mukha niya ngayon. Sobrang bilis niyang magbago ng reaksyon, nakakapanlinlang.

"White rose ang section ko. Pumunta ka dun mamayang uwian. Kunin mo tong polo ko." aniya sa malamig na tono.

Hindi niya na ako hinayaan pang kumontra at magsalita at mabilis siyang tumalikod at umalis sa lugar na yun na para bang walang nangyare.

-

"Walang modo."

"Masama ang ugali."

"Walang kwentang tao."

Sunod sunod na komento ng mga kaibigan ko. Nasa c.r kame ngayon. Hindi kame pumasok sa susunod naming klase dahil sa nangyare.

Hindi ako nagsasalita habang panay lang ang punas ko ng basang tissue sa blouse ng uniform ko. Tinutulungan naman ako ni Gema at siya ang nagpupunas bandang likuran. Si Rica naman ay nakahalukipkip habang nakasandal sa sink at si Tessy ay nakaupo dun.

"Kung hindi lang ako sobrang nagulat dahil sa mga nangyare ay malamang nasapak ko ang lalaking yun. Napaka-antipatiko." bulalas ni Rica.

"Oo nga. Ang sama ng ugali niya. Naku, wag na wag mong kukunin ang polo niya, Keena. Hayaan mo siya tutal nakabawi na rin naman siya dahil binuhusan ka rin niya." utas naman ni Gema.

"Hindi tama ang ginawa niya. Hindi mo naman sinadya yun pero kung makapagreact siya e akala niya napakalaking kasalanan na ang ginawa mo." saad naman ni Tessy.

Bumuntong hininga ako at hinayaan ang mga kaibigan kong magsalita tungkol sa kanya. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi na ko kasing dungis katulad kanina pero ramdam na ramdam ko pa rin ang lagkit at ang amoy ng ulam sa buong katawan at ulo ko.

Gusto kong maasar sa ugaling pinakita ng lalaki kanina pati na rin ng mga estudyante dun. Ni wala man lang ni isang umawat o nagtanggol sa katulad ko kanina. Siguro dahil bago ako kaya hindi sila nangialam.

My Favorite Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon