Insulto.
-
Masaya kaming nagkukwentuhan nila Rica sa bench ng school namen. Panay kase ang kwento niya tungkol sa lalaking taga Arellano University daw na kumuha ng number niya.
"Alam niyo? Feeling ko talaga he's the right guy for me e! Ito na talaga to!" Kinikilig kilig na sambit ni Rica habang yakap ang cellphone niya at tila nangangarap ng gising.
"Isang araw palang kayo nagkakatext, may nalalaman ka na agad na 'he's the right guy for me'? Tigilan mo nga ako sa mga kalokohan mo, Rica." ngumingiwing wika naman ni Tessy.
Agad na sumimgangot si Rica sakanya. "Ba't ka ba ganyan ha? Lagi mo nalang sinisira ang trip ko."
"E kase naman, yung trip mo talagang imposible. Binola bola ka lang sandali, bumibigay ka na agad." ani Tessy.
"May nanakit ba sayo sa past life mo at daig mo pa ang nagkajowa sa sobrang pagkabitter mo?! Lagi kitang napapansin e, panay ang kontra mo saken." may katarayang sabi ni Rica.
"Concern lang naman ako sayo. Hindi lang sayo pati kina Gema at Keena at sa iba pa nating kaibigan. Ayoko lang sa huli makikita ko kayo na umiiyak at nasasaktan." mahinahong paliwanag naman ni Tessy.
Nginusuan lang siya ni Rica pero hindi na ito muling sumagot. Ngumiti ako kay Tessy dahil sa pagiging mapagmalasakit niya samen. Sa aming apat siya lang talaga ang pinakavocal sa iniisip at nararamdaman niya.
Nilingon ko si Gema na tahimik na nakatanaw sa malayo. Sinundan ko ang titig niya at nakitang pinanonood niya ang couple na nasa katapat naming bench. Blanko ang ekspresyon ng mukha niya pero kitang kita sa mga mata niya ang saket na nararamdaman.
Kung may tao mang lubos na nasaktan dahil sa pag-ibig ay masasabi kong si Gema yun. Hindi kasing bulgar ng katulad sa ibang tao ang paghihinagpis niya ngunit alam namin kung ilang patak ng luha ang lumabas sa mga mata niya ng mga panahong iyon.
Winasak siya ng pagmamahal. Hindi—winasak siyang ng taong kanyang minahal. Hindi niya sinigaw kung gaano kasakit. Pero kahit tahimik yun ay nandun kame. Nasubaybayan namen at sabay sabay din kaming nasaktan para sakanya.
Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa kanyang hita. Naagaw nun ang atensyon niya at lumingon saken. "Wag mong katitigan. Baka mamaya bigla nalang silang malusaw." biro ko.
Bahagyang tumaas ang sulok ng labi niya. Tumitig siya saken ng ilan pang sandali bago muling binalik ang titig sa katapat naming bench. Malambot na ang ekspresyon niya at hindi na katulad kanina na blanko. Kaya ko na ngayon makita at mabasa kung anong nilalaman ng isip niya.
"Masaya kaya siya ngayon, Keena? Sa tingin mo kaya okay siya?" tahimik niyang saad.
"Ewan ko. Siguro. Baka. Malay mo. Hindi naman kase imposibleng maging masaya siya lalo na kung pinili niyang maging masaya diba?" sambit ko naman.
Humugot siya ng malalim na hininga. Nakikita ko kung paano unti-unting namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata. "Paano nila nagagawang maging masaya? Lalo na kung may tao silang naaapakan? Pinili niyang maging selfish at maging masaya. Habang ako pinili kong maging selfless para maging masaya siya."
"Iba't iba ang tao, Gema. Yung iba may pake sa iba. Yung iba naman walang pake. Hindi mo naman sila pwedeng diktahan dahil may sarili silang pag-iisip at hindi mo hawak ang buhay nila. Hindi lang siguro ikaw ang makakapagpasaya sa kanya."
Pumikit siya ng mariin. Kahit gaano mo piliin ang pinakamabababaw na salita ay lalabas at lalabas pa rin itong pinakamabigat para sa taong nasasaktan.
"Ang akala ko kase okay na ko. Akala ko naalis ko na sa sistema ko ang saket. Pero tuwing may nakikita akong katulad nila..." aniya at nginuso ang couple na katapat namen. "... Hindi ko mapigilang hindi isipin na, paano kaya kung kami yan? O di kaya, ano kaya kame ngayon? Ganyan din ba kame? Baka mas sweet pa kame dyan. Ewan ko."

BINABASA MO ANG
My Favorite Love Story
Teen FictionMadaming magagandang istorya. Sa t.v, sa movie, o kahit sa libro. Lahat may pinanghuhugutan. Lahat may pinagbabasehan. Lahat may katotohanan. Lahat ay punong puno ng pagmamahal. Pero ang pinakapaborito kong istorya.. Alam mo kung ano? Ang istorya n...