Chapter 8

20 1 0
                                    

Stage Play.

-

"Pare! Nandito na daw ulet si Steph a?"

"Oo nga. Nakita ko siya kahapon, kasama niya sila Trisha."

"Grabe mas lalo siyang gumanda after summer noh? Kaya patay na patay tong kaibigan naten sakanya e."

Humugot ako ng buntong hininga kasabay ng pagsara ko ng librong binabasa ko. May quiz kame mamaya sa Filipino at kailangan kong magreview. Pero ang mga lalake sa gilid ko ay daig pa ang mga babae kung magchismisan.

Nilingon ko si Mason, si Josh at si Anthony. Nandito kame ngayon sa mini garden ng school namen. Breaktime kase namen ngayon at hinihintay nalang namen ang pagbe-bell para bumalik sa mga classrooms namen. Pumunta lang saglit ang mga kaibigan naming babae sa canteen para bumili ng pagkain. Kame lang ni Tessy ang naiwan dito kasama ang mga boys.

"Mason?" tawag ko. Nilingon niya agad ako. Hindi ko alam kung swerte ba kame nila Rica dahil kaibigan namen ang mga basketball player ng school namen. Hindi lang sila talented may kasama pang looks.

"Baket?" aniya.

"Pwede ba pakihinaan naman ang boses niyo? Nagrereview ako." sabi ko.

"Weah? Hindi naman halata e." biro niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Ngumiti siya at dumungaw ang maliit at hindi kalaliman na dimples niya sa pisngi.

"Tse! Nagrereview ako noh! Teka wala ba kayong quiz sa susunod niyong klase at daldalan kayo ng daldalan dyan?"

"Wala. Tapos na kaming magquiz sa Filipino kanina. Diba yan yung nirereview mo?"

"Oo. Tapos na pala kayo e... Sana naman hayaan mo kon magreview dahil mamaya palang yung quiz namen."

"Sus. Wag ka ng magreview. Hindi ka papasa dun!"

"Basta! Tumahimik ka dyan! O di kaya hinaan niyo lang ang mga boses niyo, para kayong mga babae mag-usap."

"Aw. Nahalata mo na ba?"

Natawa ako sa sinabi niya. Minsan hindi ko maintindihan ang mga lalake. Minsan sobrang seryoso kaya nakakatakot. Minsan naman sibrang kulit at nakakainis na.

Lumingon sa gawi ko si Anthony. Sumimangot siya ng nakitang nakangiti ako. Sumimangot din ako at nginusuan siya.

"Panget mo!" narinig kong sabi niya.

"Mas panget ka!" sabi ko naman.

"Kung panget ako, e bat ang daming nagkakagusto saken?"

"E kase naman wala silang taste."

"So may taste ka na niyang kase wala kang gusto saken? Ganun ba yun?"

"Uh-huh." saad ko at tumango tango pa.

"Sabagay mabuti na rin na wala kang gusto saken. Atleast hindi na madadagdagan ang mga panget may gusto saken."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi talaga mabubuo ang araw mo pag hindi mo ko nabubwisit noh?"

"Baket ikaw? Hindi rin naman mabubuo ang araw pag hindi mo naaapakan ang pride ko noh?"

"Panong hindi ko aapakan yang pride mo, e masyadong mataas. Pati self-confidence mo... Ay teka! Hindi pala self-confidence ang tawag dyan kundi kayabangan." pairap kong wika.

"Baket inaano na naman ba kita? Hindi ako mayabang. May ibubuga lang talaga ako." nagmamalaki niya pang sambit.

Nilukot ko ang mukha ko sa sinabi niya. Wala talaga akong napapala tuwing kinakausap ko siya.

My Favorite Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon