Chapter 17

26 1 0
                                    

Surprise.

-

"San ba to? Ilalagay dito?"

"Hindi dun na lang. Mas maganda tingnan dun."

"Eto? Pano to?"

"Mamaya na yan, tulungan mo muna ako dito."

"Ang aga naman nating mag-ayos, sure ka bang pupunta yun?"

"Wag mo ng batiin, mamaya hindi pa matuloy."

Kumunot ang noo ko sa ingay na naririnig ko. Gumalaw ako at tumagilid. Niyakap ko ng mahigpit ang unan ko.

Maya maya pa ay unti unti na ulet akong nahuhulog sa pagtulog. Tsaka ko naman naramdaman na humahaplos sa ilong ko. Siguro ay si Gema. Siya itong mahilig mantrip pag may tulog.

May humaplos ulet sa ilong ko. Ginalaw ko ang mukha ko at binaon sa inuunanan ko. Natigil yun. Pero ilang sandali ko ay sa talampakan ko na naman. Tinapalan ko ng kumot ang paa ko at pinilit ulet na makatulog.

Narinig ko ang hagikhik ng kung sino, malapit saken. Dinilat ko ng kaunti ang isa kong mata. Naaninag ko ang pamilyar na lalake sa may paanan ko. Kaya kahit inaantok pa ay pinilit kong imulat ang pareho kong mata.

"SHIT!" Gulat kong usal at madaling umupo sa kama ko.

Tumawa siya ng walang tunog dahil sa reaksyon ko. Kinunot ko ang noo ko at narinig pa ang ilang mga boses. Nilibot ko ang paningin ko sa buong apartment namen at halos mapamura ulet ako ng makitang nandito lahat ng mga kaibigan namen.

Si Misha, Si Toffer, Si Josh, Si Francine, Si Mason, si Kyle at ang lalaking kanina pang nangungulit saken si Anthony.

"Anong ginagawa niyo dito?" Malakas kong sabi. Nakuha ko ang atensyon ng lahat dahil dun at tumingin sila saken.

"Oh, gising ka na pala." Si Tessy ang nagsalita.

"Anong meron at nandito kayong lahat?" Nagtataka ko pa ring tanong.

"Ngayon isu-surprise ni Rica si David. Monthsarry nila ngayon. Nakalimutan mo?" Sagot ni Misha.

Napabuga ako ng hangin. Oo nga pala. Nawala sa isip ko na ngayon gagawin ang surprise ni Rica. Pumikit ako at hinawakan ang ulo ko. Anong oras na ko nakauwe kagabi galing kina Anthony. Idagdag mo pa ang pagod namen kahapon.

"Kumain ka na. Ang tagal ng tulog mo, anong oras na." Usal ni Anthony na ngayon ay tumatayo.

Pinanood ko siya. Ginapangan agad ako ng hiya ng mapagtantong ako na lang ang natitirang walang ayos sa kanila. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Dapat akong kumilos, hindi ba? Espesyal ang araw na to sa kaibigan ko at hindi ko pwedeng ilahad sa kanya ang nakita ko kahapon. Ayokong masayang ang pinaghirapan niya.

Tumayo na ako at inayos ang higaan ko. Hindi ko sasabihin, pero hindi ako tutulong. Ayokong isa ako sa mga tutulong para magkatotoo ang surpresang ito. Hindi ko gagawin yun. Kung napapaikot ni David ang mga kaibigan ko, pwes wag niya akong isasali.

Dumiretso ako sa banyo. Abala ang mga kaibigan ko sa pagdedecorate ng bahay. Dito gaganapin ang surprise niya. Umiling ako. Magsisimba nalang ako, at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagsiwalat ng kawalanghiyaan ng lalaking pinag-aaksayahan nila ng oras ngayon.

Nakarinig ako ng katok sa banyo. Itinigil ko ang gripo. "Sino yan?" Tanong ko.

"Magkakape ka ba? Ipagtitimpla na kita!" Sabi ni Anthony sa labas.

"Hindi na. Hindi ako nagkakape." Simple kong tugon.

Hindi na ulet siya nagsalita. Pinagpatuloy ko ang paliligo. Buong araw kahapon ay kasama ko siya. Hindi ako magsisinungaling na hindi ako masaya. Masaya ako. Masayang masaya. Pero ang makasama ulet siya ngayon ay parang hindi na tama.

My Favorite Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon