Ang ganda mo.
-
Kwento ng kwento si Stephanie sa mga lugar na napasyalan na ng pamilya nila. Nakikitango at ngisi lang ako sa kanya kapag dumadaan ang tingin niya saken. Tiningnan ko si Angelo na tahimik na pinaglalaruan ang plato niya at halata mong hindi niya gusto ang mga nangyayare. Sumulyap naman ako kay Anthony at nakita ang pasimple niyang tingin saken. Kitang kita ko ang ngisi niya at hindi ko maiwasang matunaw.
Nagbaba ako ng tingin short ko. Simpleng dark blue tshirt, short na maon at sneakers lang ako. Hindi ko naman kase inakalang lalake pala ang pinsang tinutukoy ni Stephanie.
Naramdaman ko na may sumipa saken. Nag-angat ako ng tingin kay Angelo at ganun pa rin ang itsura niya. Ni wala siyang pinapansin samen. Kumunot ang noo ko at sumulyap sa ilalim ng mesa. Kita ko dun ang paa ni Anthony na pasimpleng lumalapit na na naman sa paa ko para sipain. Nanliit ang mata ko at nag-angat ng tingin sakanya.
Inosenteng inosente siyang tingnan lalo na sa pakikipag-usap kay Stephanie. Nagkokomento pa siya ng iilang bagay, para lang hindi halata ang kalokohang ginagawa niya. Kinagat ko ang labi ko at inapakan ang paa niya ng sobrang diin.
"AW!" Daing niya at tumama pa ang tuhod niya sa lamesa sa sobrang gulat. Naagaw nun ang atensyon ng lalaking nasa harap ko.
"Baket? Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Stephanie at halos tumayo na sa upuan niya para lang matingnan si Anthony.
"Wala. U-uh, may langgam atang pumasok sa sapatos ko." Katwiran niya na hindi ko aakalaing bibilhin ni Stephanie. Naniwala agad siya!
Umiling ako at ngumuso para mapigilan ang pagtawa. Gustong gusto kong tumawa sa pagmumukha ni Anthony pero hindi ko magawa dahil ayokong magmukhang tanga pati ang mga kasama namen.
Matalim ang tingin ni Anthony saken. Uminom ako sa softdrink ko at nagtaas ng dalawang kilay. Kapit pa rin niya ang binti niya habang nagpatuloy si Stephanie sa pagkukwento.
"So ayun na nga, nagulat ako ng may lumapit saken na mga boys. American boys at nagpapicture. Gulat na gulat ako nun kaya hindi ko na naayos yung mukha ko habang kinukuhanan ako. Tapos yun ang dami kong artistang nakita. Pati si Anne Curtis! Grabe i love her!" Bulalas ni Stephanie.
Nagkamot ng ulo si Angelo at mas lalong sumimangot. Baso naman niya ngayon ang napagtripan niya.
"Tapos maya maya may girls. Ang gaganda nila. May isa-"
"May isa pa nga dun kamukha ni Rapunzel, literally. Tapos nagpicture kayo tas inupload mo sa fb and then wala na. Ganun lang." Pagtutuloy ni Angelo sa kwento ni Stephanie.
"Anong problema mo sa buhay?" Ani Stephanie sa pinsan niya.
"Ilang beses na paulit ulit mo ng inulit ang mga kwento mo. Simula nung mangyare ang araw na yan, hanggang ngayon. Rinding rindi na yung tenga at utak ko sa mga kwento mong alam ko naman dahil nandun ako nung mga oras na yun." Reklamo naman ni Angelo.
"And so? Baket kase nangingialam ka? Baket hindi ka umalis at isama mo si Keena kung naririndi ka na."
"Ts. Baliw ka na. Walang kabuluhan ang mga sinasabi mo. At baket naman kame aalis ni Keena? Para magsolo kayo? Gusto mo bang sabihin kita kay Tito?"
Bumilog ang bibig ni Stephanie kay Angelo. "Hey, ang saken lang naman kung ayaw mo ng kwento ko. Pero kung ayaw mo edi wag. Baket ang dami mong sinasabi?"
Binalewala yun ni Angelo at umiling nalang. Binuka ko ang bibig ko para sana magsalita ng tumayo si Angelo. Napatingin kame sa kanya.
"Tara, Keena alis tayo dito." Aniya at pinasok na ang mga kamay niya sa bulsa.

BINABASA MO ANG
My Favorite Love Story
Genç KurguMadaming magagandang istorya. Sa t.v, sa movie, o kahit sa libro. Lahat may pinanghuhugutan. Lahat may pinagbabasehan. Lahat may katotohanan. Lahat ay punong puno ng pagmamahal. Pero ang pinakapaborito kong istorya.. Alam mo kung ano? Ang istorya n...