Sleepover.
-
Napamaang ako sa sinabi ni Rica. Ano daw? Ano bang naiisipan niya at gusto niyang uminom?
"Diba nangako na tayo na hindi na tayo iinom? Diba? Diba?" Sabi ko sakanya.
"Oo nga. Pero broken hearted ako ngayon, Keena. Do the favor naman at pagbigyan ako." Aniya.
"Anong pinag-uusapan niyo?" Nagulat ako ng biglang magsalita si Gema sa kabilang gilid ko.
Hindi kame sumagot ni Rica. Inirapan niya kame. Ilang sandali pa kaming nanood bago pumito ang coach nila at mag-announce na bukas na ulet. Hindi kame nakipagsabayan sa pagbaba ng mga estudyante kaya naiwan kaming apat dun. Tiningnan ko si Rica at sinenyasan na sabihin kina Tessy ang gusto niya.
"Tessy?" Tawag ko. Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay. "May sasabihin si Rica."
"Ano yun?" Tanong niya.
Siniko ko si Rica. Umiling siya saken. Nanlaki ang mata ko at muli siyang siniko. "Ikaw ang magsabi. Ayokong sabihin."
"Ikaw nalang." Iling niya.
"Anu yun? Bat kayo nagtatalo diyan?" Sabi pa ni Tessy.
"Kase Tes... Uh, ano. . . Gusto kong uminom." Wika ni Rica.
"Oh. Pwede naman. Ano bang gusto mong inumin? Hindi ko lang sure kung may tinda pa ngayon sa canteen." Inosenteng tugon ni Tessy.
Ngumuso ako para pigilan ang pagngisi. Kumunot ang noo ni Rica saka umiling. "Hindi ganun. Hindi literal na inom." Aniya.
Tiningnan siya ni Tessy ng naguguluhan. Hindi niya pa rin makuha king anong gustong sabihin ni Rica. Umiling ako at napasapo sa aking noo. Nasan ang utak mo ngayon, Tessy? Narinig ko ang singhap ni Gema kaya napatingin kame sa kanya.
"Gusto mong uminom? Ng alak?" Pagsisigurado niya.
Tumango si Rica. Hindi ako nagsalita. Mabilis na umiling si Tessy ng magets ang sinasabi nila. "Mag-iinom ka? Sisirain mo ang buhay mo dahil lang iniwan ka ng lalaking yun?" Di makapaniwalang usal niya.
Sumimangot sakanya si Rica. "Grabe naman yung sisirain! Gusto ko lang magchill. Alam mo na..."
"Hindi pwede, Rica. Ano nalang sasabihin ng mga magulang naten? Nangako tayo na hindi tayo gagawa ng kahit na anong kalokohan." Pag-ayaw pa rin ni Tessy.
"Sige na kase? Please? Una't huli na to. Gusto ko lang makalimutan sandali yung nangyare saken. Pagkatapos nun balik na ko sa dati. Sige na please? Ayaw mo ba akong maging masaya?" Pagpupumilit niya pa.
"Hindi solusyon ag pag-inom, Rica. Kaya mong kalimutan si David ng walang alak na dumadampi sa lalamunan mo. Tsaka hindi ka ba masaya samen? Nandito naman kaming mga kaibigan mo."
Bumuntong hininga si Rica. "Alam ko naman yun. Pero gusto talagang uminom. Please? Please? Please?"
"Oo nga naman, Tessy. Alam mo pagbigyan mo na si Rica. Pag hindi mo yan pinayagan baka maisip pa niyan na uminom ng patago. Edi mas lalo kang nagalit diba? Atleast kapag nag-inom tayo kasama ka. Namomonitor mo siya." Dagdag pa ni Gema.
Pinanliitan siya ng mata ni Tessy. Ngumisi si Gema sa kanya at winagway ang kanyang kilay. Bumaling saken si Tessy, may mapaghinalang tingin. Nag-iwas ako ng tingin.
"Plano niyo ba to?" Pang-uusig niya.
Mabilis kong tinaas ang dalawa kong kamay. "Labas ako diyan." Pagdepensa ko.
Winala niya ang tingin sa amin. Dumiretso siya ng tingin sa malayo saka bumuntong hininga. "Ano naman ang iinumin naten?"
"Yes!" Sabay naming utas nila Rica. Pumalakpak si Gema at niyakap si Tessy.

BINABASA MO ANG
My Favorite Love Story
Teen FictionMadaming magagandang istorya. Sa t.v, sa movie, o kahit sa libro. Lahat may pinanghuhugutan. Lahat may pinagbabasehan. Lahat may katotohanan. Lahat ay punong puno ng pagmamahal. Pero ang pinakapaborito kong istorya.. Alam mo kung ano? Ang istorya n...