Chapter 26

11 0 0
                                    

Try.

-

Nang mga sumunod na araw ay naging busy kaming lahat. Next week na kase ang 1st periodical test namen kaya nag-aaral kame. Nasa bahay kame ngayon, kanya kanyang review. Nakapatay ang t.v at tahimik kaming apat.

"Ano nga yung formula na na binigay ni Mrs. Castro dun sa Physics?" Rinig kong tanong ni Gema.

"Nandito sa notebook ko, tingnan mo dyan." Ani Tessy at inabot kay Gema ang notebook niya.

"Ano nga ni Simoun si Maria Clara?" Tanong naman ni Rica.

"Nanay niya." Sabi ko saka humalakhak. Sinamaan ako ng tingin ni Rica. Nagpeace sign ako sa kanya. "May gusto siya kay Maria Clara."

Tumunog ang cellphone ko at dinungaw ko ito. May text na galing kay Anthony.

Anthony:

Wag kang mapagod. Kumain ka na ba?

Ako:

Oo, hindi ako magpapagod. Ano ba kita? Tatay? At oo kumain na ako.

"Hoy! Mag-aral tayo. Wag kang makipagtext diyan te." Saad ni Rica.

Anthony:

Gusto mong burger? May bagong bukas na cafe dun sa may kabilang kanto. Libre kita.

Ngumisi ako at natakam sa offer niya. Kinagat ko ang labi ko. Hindi ako pwedeng umalis. Pag kase oras ng review namen ay dapat magreview talaga kame. Bawal ang paeasy easy samen kase dapat mataas ang grade namen, para sa College.

Ako:

Di ako pwedeng lumabas. Nagrereview ako.

"Keena?" Tawag ni Tessy. Bumaling ako sa kanya at nakataas na ang kilay niya. Dahan dahan kong binaba ang cellphone ko at bumalik sa pagbabasa.

Narinig ko ulet ang tunog ng phone ko. Nag-angat ako ng tingin sa mga kaibigan ko. Lahat na sila nakabusangot saken. Hindi ko alam kung ngingiti ako o ano. "Sandali lang to." Sabi ko at dinungaw na ang phone ko.

Anthony:

Ay ganun? Mabuting bata. Okay yan. Hahaha! XD Sige review kana dyan. Aral mabuti :)

Napangiti ako sa message niya. Gusto ko pa sanang magreply din kaso lang ay baka bungangaan na ako ng mga kaibigan ko.

"Si Vince, hindi ko nakikita sa school. Akala ko pa naman makakasama sama na siya saten ng medyo madalas." Wika ni Rica.

"Oo nga e. Masyadong busy. Journalism na tas varsity pa. Matalino na, sporty pa. San ka pa diba?" Ani Gema naman.

Umismid si Rica at nagsulat muli. "Kahit na ano pang katangian niyan, lalake pa rin yan. Sasaktan ka pa rin niyan." Mapait na sambit niya.

"Alam ko namang medyo masaklap ang pinagdaanan mo pero hindi mo naman kailangan mabumitter dyan. Talagang natyempo ka lang sa manloloko." Turan pa ni Gema.

"Wala sa tyempo yan, Gema. Basta lalake asahan mong manloloko at manloloko yan. Natural na sa kanila yun.. Kaya nga totoo talagang, walang forever. Masasaktan ka lang sa pag-ibig na yan."

"Uy Rica. Wag ka ngang ganyan. Para namang hindi rin nasaktan si Gema. Pero tingnan mo naman oh! Pak na pak! Ang ganda tas naniniwala pa rin sa love." Sabi ko.

Kumamot ng ulo si Rica. "Kaya nga. Katangahan yang ginagawa niya. Napatunayan niya na ngang totoo na walang forever, e nagtatanga-tangahan pa rin. Mukha lang siyang tangang umaasa sa wala."

"Ts. Hindi naman ampalaya ang ulam naten pero ang pait mo. Pakainin kita ng asukal e." Pagbibiro pa ni Gema at tumawa kaming dalawa.

"Nagrereview ba kayo o ano? Gusto niyo bang pumasa?" Singit ni Tessy.

My Favorite Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon