Chapter 9

12 1 0
                                    

Lakad.

-

Uwian na.

Panay ang usap nila Tessy sa grupong nabunot nila. White Rose ang nabunot ko. Ibig sabihin ay sa section ako nila Anthony mapapasama. Malas diba?

"Uy! Punta muna tayo Sm, maaga pa naman e." yaya ni Kyle samen.

"Pwede naman. Kaso sandali lang ha? Madami tayong assignment, hindi pwedeng hindi gawin." ani Tessy.

Pumalakpak si Kyle. "Good! Oo, sige. Sandali lang talaga tayo dun. Isasama naten yung boys para mainggit ang mga kababaihan!"

Napailing ako kay Kyle. Inumpisahan ko ng ayusin ang gamit ko. Naalala ko bigla magkikita pala kami ni Stephanie sa gate ng school. Binalingan ko ang mga kaibigan ko na nagkukwentuhan. Hindi pa kame lumalabas ng room dahil gusto nilang paunahin muna ang mga classmates namen na iba. Ewan ko kung baket.

"Uh, may pupuntahan lang ako saglit ha? Kita nalang tayo sa gate ng school. Sanfali lang talaga." sabi ko at agad ng tumalikod. Hindi ko na hinayaang makaapila pa sila.

Nagmamadali akong bumaba ng 4th year building. Halos takbuhin ko na nga ang gate dahil baka mainip si Stephanie at hindi ko na naman makuha yun. Nang malapit na ko sa gate ng school namen ay narinig ko ang pagsitsit ng kung sino. Agad ko itong nilingon at nakita si Stephanie sa isa sa mga bench.

Lumapit ako sa kanya. "Uy."

"Hi! Akala ko nakalimutan mo na e." nakangiti niyang saad.

Tumungo ako ng kaunti at nahihiyang ngumiti rin sakanya. Hindi ko alam kung baket hindi ako komportable sa kanya. Ang ganda ganda kase niya tapos ang bait. Parang nakakahiyang makipag-usap.

"Ano nga pala yung ibibigay mo saken, Keena?"

Agad nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Gusto kong pukpukin ang ulo ko dahil sa katangahan ko. Ngayon anong ibibigay ko sakanya? Tss.

Hilaw ang ngumisi. "Uhm... Kase ang totoo niyan... Ano e... Ahh..." hindi ko mahanap ang tamang salita. Ano bang dapat kong sabihin? Hindi ko nadala? Wala pala talaga? Nakain ko na?

Naramdaman ko ang mahinang palo niya sa braso ko. Mahina siyang natawa. "Joke lang. Alam ko namang wala ka talagang ibibigay saken." aniya.

Tumunganga ako sakanya. "P-paano mo nalaman?"

"Ni-research ko kung ano ba yun. Na-curious kase ako e."

Tumungo ako. May nakakaalam na. At talagang taga dito sa pa sa school namen. Ang tagal tagal kong tinago tapos dahil sa isang iglap lang malalaman lang ng iba. Nakita ko ang paglapit niya saken. Umatras ako.

"Sorry. Promise! Hindi ko sasabihin kahit kanino! Itatago ko kung ano man ang alam ko." aniya at itinaas pa ang kanang kamay niya.

Ngumiti ako. Isa lang naman ang nakakaalam. Atsaka mukha namang hindi niya sasabihin yun. Isa pa wala siyang mapapala kung ipagsasabi niya man ang alam niya. "Aasahan ko. Salamat ulet."

Kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa palad ko. Mabilis ko itong ikinuyom at ipinasok sa bulsa ng palda ko. Ngumiti siya saken ng mag-angat ako ng tingin.

"Stephanie!" sabay kaming napalingon sa tumawag sakanya. Nakita ko ang grupo ng mga magaganda ding babae ng school namen. Mga kaibigan niya siguro.

"Sige, Keena. Una na ko ha? Wag kang mag-alala. Sa atin lang dalawa yun. Bye!" wika niya at tinakbo na ang pagitan nila ng mga kaibigan niya.

Sinundan ko siya ng tingin hanggan sa makalabas sila ng school. Umupo ako sa bench. Hindi talaga imposibleng magustuhan niya si Stephanie. Ano pa ba ang hahanapin mo diba? Maganda na, mabait pa.

My Favorite Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon