Bituin.
-
Pagkabasa ko ng text ni Anthony ay agad na akong tumakbo sa banyo. Hindi ko pinansin ang pagpigil saken ng mga kaibigan ko dahil sabay sabay daw sana kame kakain.
Nang lumabas ako ay may kanya kanya na silang ginagawa. Dumiretso ako sa kama ko at kinuha ang cellphone ko. 12:00 na! Kanina pang 11:30 ang huling text ni Anthony! Baka hindi na yun makapaghintay.
Kinagat ko ang labi ko ang dali daling nagbihis. Basta ko nalang hinugot sa damitan ang susuotin ko dahil wala na akong oras. Babyahe pa ako.
"San punta mo, Keena?" Tanong ni Tessy.
"Nagpapasama saken si Anthony sa Trinoma." Maikli kong sagot.
"Diba date nila ngayon ni Steph? Baket isasama ka niya?"
"Hindi ko alam. Siguro magpapatulong. Di ako sigurado e."
"Ano? Grabe naman siya. Pati sa date nila kailangan nakabuntot ka?" Nakataas ang kilay na tanong ni Rica.
Ngumisi ako at umiling sa kanya. Hindi ko na sasagutin ang tanong niya at baka masabi ko lang ang totoo. Na kahit hindi naman sabihin ni Anthony ay gagawin ko ang bagay bagay para sakanya. Para maging masaya siya. Kahit walang bumalik saken.
Nang makarating sa Trinoma ay agad akong nagtipa ng message kay Anthony. Tiningnan ko muna ang oras at 30 mins. na ang nakakalipas simula nung huling text niya saken, kung nasaa na ba daw ako.
Ako:
Nandito na ako. San ka banda?
Binaba ko ang phone ko at luminga linga. Madaming tao ngayon, siguro dahil na rin sa weekend ngayon at walang pasok ang ibang estudyante. Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko.
Anthony:
Dito sa gitna. Sa parang bench. Basta dito.
Kumunot ang noo ko sa reply niya. Ang gaking naman niya magbigay ng direction. Umiling ako at napagdesisyunan na hanapin na lang siya. Nakita ko ang parang bilog na may nakalagay sa gitna na inuupuan ng medyo maraming tao. Tinitigan ko ito at nagdalawang isip kung ito nga ba yun.
Lumapit ako dito. Isa isa kong pasimpleng tiningnan ang mga nakaupo dito. Karamihan sa kanila ay magkasintahan. Yung iba naman ay may kasamang nga anak. Lahat sila may ay may kasama. Pwera nalang sa isang taong nakayuko habang iniikot ikot ang kanyang cellphone.
Unti-unti akong pumuntasa direksyon niya. Kitang kita ko ang mapupungay niyang mata habang tinitingnan ang cellphone niyang pinaglalaruan. Nakapangalumbaba siya at siya lang ang malungkot sa pwestong yun.
Huminga ako ng malalim sabay pinasigla ang mukha ko. "Hoy!" Tawag ko.
Nag-angat siya ng tingin. Ngumisi ako sakanya at tuluyan ng lumapit. Umupo ako dun at binagga siya. Ngumisi siya ng tipid.
"Ang tagal mo naman. Kanina pa ko dito oh!" Aniya, nagrereklamo.
"Sorry. Alam mo naman bago pa ko dito kaya hindi ko pa gamay yung mga lugar. Muntik pa nga akong maligaw e."
"Baket? May bunganga ka naman bat hindi mo ginagamit? Nagtatanga-tangahan ka na naman." Umiiling niyang turan.
Nilukutan ko siya ng mukha at sinapak sa braso. "Ano bang kailangan mo at pinapunta punta mo pa ko dito? Imbes na nagpapahinga lang ako, pinapunta punta mo ko. May pa-date date ka pang nalalaman." Pagrereklamo ko.
Bumuntong hininga siya, pagkakuwa'y kinuha ang cellphone niya at kinalikot. Ibinigay niya ito saken.
"Anong gagawin ko naman dito? Paghahawakin mo lang ako ng cellphone?" Maang kong tanong.

BINABASA MO ANG
My Favorite Love Story
Teen FictionMadaming magagandang istorya. Sa t.v, sa movie, o kahit sa libro. Lahat may pinanghuhugutan. Lahat may pinagbabasehan. Lahat may katotohanan. Lahat ay punong puno ng pagmamahal. Pero ang pinakapaborito kong istorya.. Alam mo kung ano? Ang istorya n...