Chapter 14

23 1 0
                                    

Date.

-

"Dito ba? Dito ba?" Tanong ni Anthony. Tumango ako.

Nasa tapat kame ngayon ng bahay kung san nagpa-practice sila Stephanie. Kahit na nasa labas pa ay rinig na rinig na namen ang mga nag-uusap usap.

Pinanood ko ang pagkatok ni Anthony. Ilang sandali lang ay may lumabas na babaeng kulot ang buhok mula anit. Nasa malayong gilid ako ni Anthony. Hinayaan ko siyang makipag-usap hanggang nakita ko ang pagtango ng babae.

Lumingon saken si Anthony. Tinaasan ko siya ng kilay. "Bat ang layo mo saken? Lapit ka dito." aniya.

Kailangan kong lumayo e. "Wala. Ayaw kitang lapitan, ang baho mo. Amoy ka kalsada." Ngumingisi kong tugon.

Magsasalita pa sana siya kaso lang lumabas na ang pawisang si Stephanie. Nakasando siyang itim na medyo fitted sakanya at short na puti. Namumula ang pisngi niya, siguro sa pagod. Gulat siyang tumingin kay Anthony pero bakas rin ang saya sa mukha niya.

"A-Anthony, anong ginagawa mo dito?"

Tiningnan ko si Anthony na nakatanga sa harap ni Stephanie. Alam ko Anthony. Maganda siya! Ang ganda ganda niya!

"A-ahhh... A-ano..."

Napapitik ako sa noo ko. Ayan ka na naman. Nauutal ka na naman. Umayos ka! Kundi hihilahin na kita paalis dito!

"... Pumunta kame dito para sana hintayin ka, ihahatid ka namen." aniya.

Kumunot ang noo ni Stephanie. "Kame? Sinong kame? May kasama ka pa?"

Tumango siya at nilingon ako. Nilingon din ako ni Stephanie. Hilaw akong ngumisi at lumapit sa kanila. "Hi!" sabi ko.

"Keena! Dinala mo dito si Anthony? Pano yan gabi pa kame makakauwe e. Mabobored lang kayo. E, hindi pa naman kayo pwedeng pumasok kase makakalaban namen kayo." paliwanag niya.

"Ganun ba?" kunway malungkot kong tinig.

Pasimple kong siniko si Anthony. Bumaling ako sa kanya at pinandilatan siya ng mata. Naguguluhan siyang tumingin saken. Nginuso ko si Stephanie na nasa likod ko.

"Ah... Sige mauuna na kame." bigo niuang sambit.

Umirap ako sa kawalan. Aba't ang tanga talaga! Humarap ako kay Stephanie na malungkot na nakangiti samen.

"Stephanie wait lang ha?" sabi ko at hinila si Anthony palayo sakanya.

"Baket mo sinabi yun? Dapat ang sasabihin mo okay lang na maghintay tayo!" mariin kong bulong sakanya.

"Anong okay lang? Okay lang sayo na maghihintay tayo?" aniya.

"Oo! Kaya bawiin mo yung sinabi mo! Sabihin mo okay lang. Dito lang tayo. I-insist mo na maghihintay ka! Pano ka sasagutin niyan?"

"Ayoko. Buti sana kung ako lang ang maghihintay, e ikaw din. Wag na." desido niyang wika.

Natigilan ako. Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin sakanya. Bwisit talaga! Bwisit! Kinikilig ako! Nakakainis! Ugh!

"O-okay nga lang. S-sanay akong maghintay. T-tsaka ahh... Tsaka hindi mo naman ako kailangang i-isipin." sabi ko, hindi makatingin sakanya.

Bumuga siya ng hangin. "Gusto mo talagang maghintay tayo? Ang tagal niyan." maamo niyang bigkas.

Tumango tango ako. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinila na ulet ako sa direksyon ni Stephanie. "Maghihintay kame dito. Kahit matagal." sambit niya.

"Sandali lang. Sasabihin ko kung pwedeng papasukin kayo dito, kesa nandyan kayo." sabi ni Stephanie.

Iniwan niya kame. Gusto ko mang mag-angat ng tingin kay Anthony ay hindi ko magawa. Hawak niya ang palapulsuhan ko at bolta-boltahe na namang kuryente ang dumadaloy sa kabuuan ko. Kinagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko.

My Favorite Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon