Lumayo ka.
-
"Keena! Sandali!" Narinig kong sigaw ni Misha habang tumatakbo palapit saken.
Nasa school kame at hinahanap ko kung nasan na ang mga kaibigan ko. Kakatapos lang ng 1st day ng examination namen.
"San ka punta?" Tanong ni Misha ng makalapit saken.
"Uh, wala e. Hinahanap ko lang sila Rica. Teka san sila Frans?"
"Hinahanap ko din e. Ay! Nasa court pala sila. Practice ngayon ng cheering! Kasabay ng practice ng mga varsities! Tara sa court!"
"O-oh sige.."
Nasa practice sila Rica? Baket hindi nila saken sinabi? Natanggap kase silang dalawa ni Gema sa cheering. Kaya lang ay preoccupied ang isip ko kaya hindi ko sila masyado na bigyan ng pansin ng mga araw na yun. Madami na kong namimiss sa buhay ng mga kaibigan ko this past few days lalo na't masyado akong busy sa sarili ko. Dapat akong magcatch up.
Pagdating sa court ay halos mabasag ang eardrums ko sa sobrang ingay. Half court lang ang gamit ng mga varsities dahil ang kalahati ay gamit ng mga cheerdancer. Tutungo na sana ako sa direksyon ng mga cheerers ng hilain ako ni Misha.
"Sandali punta muna tayo kina Toffer."
Hindi na ako umangal. Tumingin nalang ako sa paligid. Kita ko ang paghahagis kina Rica at Gema habang si Tessy ay tahimik lang na nanonood sa bleachers. Kita ko ang maiikling suot nila Jennifer.
"By!" Narinig kong tawag ni Misha kaya bumaling ako. Nakita ko ang patakbong pagpunta ni Toffer samen. Sinalubong siya ng yakap ni Misha kahit na pawis na pawis siya.
"Sorry hindi ako pwedeng magtagal. Beastmode si coach." Ani Toffer at mabilis na hinalikan sa labi si Misha.
"Okay lang. Okay lang. Ibibigay ko lang tong tubig mo. Dito lang kame kina Rica okay? I love you."
Huminga ako ng malalim at tumingin sa ibang direksyon. Hanga din ako sa dalawang to. Simula pa sila 1st year highschool at hanggang ngayon sila pa. Matindi rin talaga ang tibay nila kahit na maraming babae ang nakaaligid kay Toffer.
Nilingon ako ni Misha na ngiting ngiti. Ngumisi din ako sa kanya at nanunuya ang tingin ko. "Sus. Ang landi." Sabi ko at humalakhak.
"Ganun talaga pag inlove! Nu ka ba? Tara na nga!" Aniya at hinila na ako sa direksyon nila Tessy.
Malapit na kame sa may bleachers ng matanaw ko ang dalawang tao na magkatabing nakaupo sa kabilang parte ng bleachers at masayang nag-uusap. Natigil ako sa paglalakad at pinanood ang dalawa.
"Keena! Tara na dun!" Narinig kong sambit ni Misha at hinila ulet ako pero hindi ako nagpadala.
Kinagat ko ang ibabang labi ko. Ang sarap naman nila panoorin. Lalo na't ang mga kamay ni Stephanie ay halos pumulupot na sa braso ni Anthony at nakapatong naman ang kamay ni Anthony sa tuhod ni Stephanie. Umaalon ang buhok ni Stephanie sa pagtawa dahil sa pagbulong bulong ni Anthony sa tenga niya. May sarili silang mundo sa mga oras na to.
"Baket mo sila pinapanood? Gusto mo na rin bang magkajowa?" Narinig ko ang panunuya sa boses ni Misha pero ni pagngisi ay hindi ko magawa.
Parang may namuong bukol sa lalamunan ko kaya nahirapan akong lumunok. Nagpapractice ang teammates niya habang siya nakikipagtawanan lang? Nang dumako ang mga mata ni Anthony sa kinatatayuan ko ay mabilis akong nag-iwas ng tingin. Hinarap ko si Misha na nakikitingin din sa dalawa.
"Infairness ang sweet talaga nila.. Sabi ni Toffer ang tagal daw hinintay ni Anthony ang time na magkakalapit sila ni Stephanie. Kaya siguro sobrang pasalamat sayo ni Anthony. Kaya siguro handa siyang pumatay para sayo. Kase utang na loob niya sayo ang lovelife niya ngayon." Hayag ni Misha.

BINABASA MO ANG
My Favorite Love Story
Teen FictionMadaming magagandang istorya. Sa t.v, sa movie, o kahit sa libro. Lahat may pinanghuhugutan. Lahat may pinagbabasehan. Lahat may katotohanan. Lahat ay punong puno ng pagmamahal. Pero ang pinakapaborito kong istorya.. Alam mo kung ano? Ang istorya n...