Hindi ko gusto.
-
Kinabukasan ay sabay ulet kaming pumasok ni Anthony. Niyaya ako nila Tessy na sumabay sa kanila pero hindi ako umu-o. Mag-iisang linggo na kaming hindi nagpapansinan ni Rica at ramdam ko na rin ang pagkakaipit ng dalawa pa naming kaibigan.
Mula sa pagkain, panonood ng t.v, pati na rin sa pagtulog. Madalas kasing may kausap si Rica sa phone at ang lakas ng boses niya. Kaya ang ginagawa ko ay nilalakasan ko rin ang volume ng t.v. Ayoko na sanang palalain pa dahil simpleng away lang naman ang namagitan samen pero siya tong parang nananadya.
"Mamaya yayayain ko si Stephanie na sumabay saten sa canteen. Gusto ko ikaw ang magsusundo sakanya." sabi ko at lumingon sakanya.
"Baket ako? Baket hindi ikaw?" tanong niya.
"Baket ako? At baket hindi ikaw?" balik kong tanong ng may halong pagkasarkastiko.
Kinamot niya ang ulo niya. "Ayoko, Keena. Mapapahiya lang ako dahil mauutal ako panigurado sa harap niya." aniya at umiling.
"Ganun? Edi ititigil ko na? Hindi ko na uumpisahan?" sambit ko.
"Hindi naman sa ganun. Kaso lang... syempre natatameme nga ako pagkaharap ko siya o kahit makita ko lang siya."
Bumuntong hininga ako. Tumingin ako sa ibang direksyon at humalukipkip. "Wala ka namang choice e. Pano magkakaroon ng kayo kung hindi mo siya kakausapin o kung hindi ka gagawa ng move diba? Gusto mo ata maunahan ka pa ng iba e."
"Hay, oo na. Basta ikaw bahalang magyaya sa kanya ha?" aniya at nauna ng umakyat sa 4th year building.
Pinanood ko ang pag-akyat niya. Napailing ako. Isang matipuno, mayabang, at gwapong lalake ay natatameme sa isang babae. Pero sabagay, hindi naman ordinaryong babae si Stephanie. Ganun naman ata talaga. Bad boys fall inlove with good girls.
"Keena!" liningon ko ang tumawag saken. Nakita ko si Vince na naglalakad papalapit saken.
Ngumiti siya at pinasadahan ng mga daliri ang kanyang buhok. Ngumiti din ako pabalik sakanya. Si Vince ay kaibigan din nila Anthony. Hindi nga lang namen siya masyadong nakakasama dahil ibang section siya.
"Uy." sambit ko.
"Papasok ka na? Hatid na kita." wika niya.
Umiling ako. Hindi ko siya masyadong kaclose. Isang beses ko palang kase siyang nakasama, nung kumain lang kame sa KFC nila Frans. "Wag na. Baka makaabala pa ako sayo."
"Okay lang. On the way din naman ako kase pupuntahan ko rin sila Anthony. Umpisa na kase ng practice namen para sa basketball tournament ngayong August." aniya.
"Ah! Ganun ba? O sige." sabi ko at tumango.
"Hindi ako nakakasama sa inyo nila Frans kase ang hirap ng mga activity nameng mga Journalism. Kailangan lagi kaming nagmamasid masid. Hindi kame pwedeng pa-easy easy." kwento niya habang umaakyat ako.
"Talaga? Journalism ka? Wow. Kaya pala busy ka."
Humawak siya sa batok niya tumungo ng bahagya. "Gusto mo ba ng mga journalist? Naaattract ka ba sa mga ganung tao?" nahihiya niyang tanong.
"Siguro. Kahit naman kase sinong babae maaattract sa lalaking hindi lang sporty, matalino pa diba?"
"Hm, may bo-"
"Keena!"
Naputol ang dapat na sasabihin ni Vince ng may tumawag saken. Tumingala ako para makita kung sino. Nakahilig sa railings ng hagdan si Anthony habang nakapamulsa at malamig ang tingin saken.

BINABASA MO ANG
My Favorite Love Story
Teen FictionMadaming magagandang istorya. Sa t.v, sa movie, o kahit sa libro. Lahat may pinanghuhugutan. Lahat may pinagbabasehan. Lahat may katotohanan. Lahat ay punong puno ng pagmamahal. Pero ang pinakapaborito kong istorya.. Alam mo kung ano? Ang istorya n...