Chapter 5

15 1 0
                                    

Saket sa ulo.

-

"You could be my new thang!"

"Twerking like miley!"

"Bubble butt. Bubble bubble bubble butt!"

"Uptown funky world. Uptown funky world!"

Napabalikwas ako sa kama at iritadong kinamot ang ulo ko. Sabay sabay na tumutugtog ang mga kantang yan at halos mabasag na ang eardrums ko lalo na at nagpapalakasan ang mga kapitbahay sa pagpapatutog.

Binagsak kong muli ang sarili ko sa kama at tinakapan ng unan ang mukha ko. Sabado at maaaga pa pero bwisit na agad ako. Ano ba naman yan. Pinilit kong makatulog ulet pero mas lalo pang lumakas ang tugtog.

"Arghhhhh!" singhal ko at binato ang unan sa kung saan.

"Hoy! Anong nangyayare sayo ha?" napalingon ako ng marinig ang boses ni Rica. Bihis na bihis siya na parang may lakad.

"Ang ingay kase! Teka... San punta mo at bihis na bihis ka?" tanong ko habang hinahanap ang tsinelas ko sa ilalim ng kama.

"Nakalimutan mo ba? Nagyaya kahapon si Francine! Maglakwtsa daw tayo para naman malibang daw tayo at makabisado naten ang mga lugar dito." sagot niya naman.

Pumunta ako sa lamesa at tiningnan kung may pagkain na ba. Si Gema ang nakatoka sa pagluluto pag Sabado. Pero ni isang butil ng kanin ay wala. "Oh? Walang pagkain? Nasan si Gema hindi nagluto?"

"Naliligo. Hindi na siya nagluto kase tutal aalis naman daw tayo, e dun nalang daw tayo sa labas kumain." simpleng bigkas ni Rica.

Umiling ako. Umiral na naman ang pagkagastador ng mga to. "San daw tayo pupunta? Tinatamad ako." sabi ko at muli sanang pupunta sa kama ko ng lumabas sa banyo si Gema.

"Oh? Buti naman gising kana. Tanghali na nakahilata ka pa rin. Para kang si Tessy." aniya at saka nginuso si Tessy sa taas ng higaan ko na nakatalukbong pa.

"Hindi ata sasama yan e. Anti-social." ngumingiwing saad naman ni Rica.

Pumunta ako sa higaan ko at umupo. Ayokong umalis pero raratratin naman ako ng dalawang to. "Wala ba kayong kapaguran ha? Dalawang araw lang ang pahinga naten tapos gusto niyo pang umalis?"

"Nagpadala si Mama saken kanina. May pera ako. Ililibre ko kayo." nakangiting sabi ni Gema habang tinataas baba ang kilay niya.

Agad akong tumayo dahilan upang hindi ko maiwasan ang bakal sa taas ng kama ko. "Aw!" daing ko at agad na hinawakan ang ulo ko.

"Ang gulo naman o!" narinig kong reklamo ni Tessy sa taas.

"Nauntog ako! Walang pakundangan to! Tulog ka ng tulog mamaya matuluyan ka!" singhal ko habang iniinda ang saket ng ulo ko.

Humalakhak ang dalawa. "Ayan. Pag nakakarinig ka talaga ng libre sumisigla ka. Napapala mo tuloy!" ani Rica.

"Wala kayong pakialam." sabi ko at kinuha na ang towel ko.

*tok* *tok*

Sabay sabay kaming napatingin sa gawi ng pintuan ng marinig ang katok. Nagkatinginan kaming lahat. Si Rica nagsasapatos. Si Gema nagbibihis. Si Tessy nasa higaan niya pa. Ako lang ang tanging nakatayo.

Huminga ako ng malalim at umirap sa kanilang tatlo. Narinig ko ulet ang halakhak nila. "Titingin tingin pa kase e." asar ni Rica.

Pumunta ako sa upuan at binuksan ito. "Ano po-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng makita ko kung sino ang taong nasa labas.

My Favorite Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon