Chapter 24

12 2 0
                                    

Sino ka?

-

"Oo importante to..."

"O-Okay. Ano yun?" Sambit ko at itinuon ang buo kong pansin sa kanya.

Tumikhim siya at tumingala sa mga bituin sa langit. Dumami na sila ngayon. Sandali akong sumulyap sa aking cellphone at nakitang alas siyete na. Kaya siguro naglalabasan na ang mga bituin.

"Alam mo hindi pa ko naging ganito kakomportable sa isang babae, kahit na kaibigan. Kaya nga nagulat ako sa sarili ko na ganun na lang ako kakomportable sayo, Keena. Hindi ko alam kung baket..."

Kumalabog ang puso ko sa sinabi niya. Para bang may humaplos dito at gusto niyang magwala. Tumitig ako sa perpekto niyang mukha. Sino bang nagsabing mga anak mayaman lang pwedeng magkaroon ng ganitong itsura? Simula sa parihabang hugis ng kanyang mukha, hanggang sa mapula at may kakapalan niyang labi.

"Kung tutuusin wala naman talagang espesyal sayo. Ordinaryong babae ka lang, at pare-parehas lang kayo nila Francine. Hindi ko alam kung baket naiba ka. Sobrang malapit ako sayo, na para bang kulang ako pag wala ka sa tabi ko. Hindi ko din alam kung baket..."

Unti unting may umusbong na kaba sa aking dibdib. Magtatapat na kaya siya saken? May nararamdaman na rin ba siya? Hindi ko alam pero ginigising ng mga salita niya ang pag-asa ko. Anong gagawin ko kapag sinabi niyang meron na siyang pagtingin saken? Aamin din kaya ako? Paano si Stephanie?

Napaiktad ako ng hawakan niya ang mga kamay ko. Bumagsak ang tingin ko dito. Hindi ko alam kung kakayanin kong masaktan si Stephanie dahil lang magiging makasarili ako. Masama yun. Hindi dapat ganun.

Umupo siya galing pagkakahiga at humarap sa akin. Hindi ko na nilulubay ang tingin ko sa kanya. Wala sa hinagap ko na magugustuhan niya ako, kaya hindi ko maipagkakailang masaya ako kahit na hindi niya pa sinasabi ng diretso. Nararamdaman kong ito na yun...

"A-anong gusto mong sabihin?" Naitanong ko.

"Keena..." Aniya at para bang may humagod sa batok ko pababa sa likod ko. Nakakakiliti ang sensasyong ibinibigay saken ni Anthony. "Gusto kong magpatulong sayo. Ito ang unang beses akong magpapatulong sa ganitong bagay, at sayo pa talaga." Pinisil niya ang kamay ko at dinirekta niya ang kumikislap niyang mga mata sa akin.

"Keena, gusto kong magpatulong sayo sa gagawin kong pagtatanong kay Stephanie. Tatanungin ko na siya kung gusto niya bang maging girlfriend ko. At gusto ko tulungan mo akong maghanda para sa araw na yun." Nakangiti niyang wika.

Umawang ang bibig ko at bumagsak ang mga balikat ko. Biglaang naglaho ang pag-asa saken at para bang may kamay na pumipisil sa puso ko. Nanikip ang dibdib ko at may bumara sa lalamunan ko. Tumunganga ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong irereact ko. Anong irereact ko? Dapat ba akong magreact?

"Tutulungan mo ba ako?" Punong puno ng pag-asa ang tinig niya. Kinagat ko ang ibaba kong labi at pumikit ng mariin. Ito ang napapala ng umaasa! Ito na yun! Hanggang dito ka nalang! Dito na nagtatapos lahat, Keena!

Binawi ko ang kamay ko sa kanya at humiga. "H-higa k-ka din." Nauutal kong saad at hindi siya tinapunan ng tingin. Nakita ko nalang sa gilid ng mata ko ang paggalaw niya at paghiga sa tabi ko. Tinikom kong mabuti ang bibig ko at pinagsiklop ang mga kamay ko sa ibabaw ng tiyan ko.

"Ayaw mo ba akong tulungan? Hindi mo ba ako tutulungan?" Alinlangan niyang pagtatanong.

Hindi ako umimik. Nanunuyo ang lalamunan ko at manginginig ang boses ko kapag nagsalita ako. Tumahimik ang paligid. Tumingala ako sa langit at nakita ang paglalaho ng mga bituin. . . Katulad ng paglalaho ng pag-asa ko. Unti unting nangilid ako mga luha ko, nagbabadyang tumakas.

My Favorite Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon