CHAPTER 3

192 12 0
                                    

Allyson's POV

Tahimik akong umiiyak sa labas ng kwarto ni Lucy. Gusto kong magalit sa sarili bakit nasabi ko iyon.

I love, Melissa.

We've been friends for almost 7 years before kami naging official lalo sa mga pamilya niya namin. Siya ang nandyan nung oras na hulog na hulog ako. Walang araw na hindi ko siya minahal pero unti unti kong nararamdam na di yon tulad ng pagmamahal na meron ako para kay Lucy. She was my first love, first heartbreak, and my greatest love.

Simula nung piliin nya ang pangarap nya kaysa sa akin para iyong matinding dagok sa sakin pero hindi ako naging hadlang sa kanya sa katunayan ay sinuportahan ko siya, hindi ko sya iniwan at mas lalong hindi ko pinaramdam na masakit na kahit yung totoo durog na durog na ako.

Flashback

Nagulat ako nang bigla siyang tumawag sa akin ito ang kauna unahang tawag niya sa akin na nakaramdam ako ng kaba.

"Hello babe, what happened?" malumanay na tanong ko nang marinig ko siyang umiiyak

"Anong nangyare bakit ka umiiyak?"muling tanong ko pero patuloy lang sya sa pag iyak.

"Wala namiss lang kita." malamig na sagot nya pagkatapos ay pekeng tumatawa.

Alam kong di siya okay at may gusto syang sabihin sa akin.

"Come on, Lucy i know you. What's going on?" kinakabahan na tanong ko.

"Di ko alam kung saan ko to sisimulan." naiiyak na siya sa puntong ito di naman ako nagsalita para patapusin siya.
"Mahal kita, Allyson sobrang mahal na mahal. Kahit kailan ay di ko to ito naramdam sa kahit kanino kundi sayo lang alam kong ganun kaden sa akin. Kailangan kong piliin ang parangap ko Allyson gusto kong maging abogado at mas lalong gusto ko na nandito ka pag natupad ko na iyon."

"Lucy, ano bang pinagsasabi mo. Naiintindihan naman kita e and i support you lagi okay?"

"Hindi ko alam natatakot ako."

"Babe, kahit anong mangyari nandito ako sa tabi mo lagi. Susuportahan kita hanggang matupad mo ang mga pangarap mo at wag kang mag alala kasama mo ako lagi."

Bakit ang nararamdam ko ng mga oras na ito ay takot na parang walang sabi sabi ay iiwan nya ako para piliin ang parangap nya. Ang pangarap niyang maging isang Abogado.

" I love you, Babe.." malambing na aniya

Ngumiti ako at sinagot sya "I love you so much."

Simula noon ay di na kami laging nakakapagusap ni Lucy, sa isang buwan at isang beses lang kami mag usap tapos isang oras lang minsan 30 minutes lang pero kahit ganun ay hindi ko minsan man sinukuan.

Nagiiwan ako ng message oras oras, araw araw. Patuloy akong nagpapadala ng mga bulaklak sa kanya tuwing monthsary namin hanggang sa...

Mag iisang taon na pero ganito parin, walang maayos na communication.

"Hoy bakit todo tiis sa girlfriend mo sa Maynila e di mo pa naman yon nakikita di na nga kayo naguusap ngayon diba?" tanong sa akin ng aking pinsan

"Mahal ko e."

"Ah ganun ka pala katanga." parang sinapak ako ng sampong tao sa sobrang sakit ng sinabi nya.

Oo nasasaktan ako.

Hindi ko nalang pinansin at napatingin ako sa phone ko nang makatanggap ako ng notification nakangiti ko itong binuksan pero...

Damn it.

Yung facebook pala ito nag notif sa akin. Akala ko naman ay siya na.

Di na ako nag alinlangan pa ako na ang naunang mag chat sa kanya.

"How are you, can we talk?"

"I miss you.."

Isang oras ang nakakalipas nang mag reply na siya

"Yes babe, i'm okay a little bit busy." walang gana ko iyong binasa pero ito na Allyson oh nag reply na pinindot ko ang tawag at agad naman syang sumagot.

"Pwede na ba tayong magusap? panimula ko

"Anong paguusapan naten?" inosente namang sagot nya

"Kung walang paguusapan wala na bang karapatan mag usap?" naiinis na tanong ko

Di mo ba ako namimiss?

"Ah yeah, i'm sorry babe. How are you by the way?" nahihiyang tanong nya

"I'm okay, good as good." malamig na sagot ko

May gusto akong marinig sa kanya at gusto kong sabihin nya iyon ngayon na.

Kahit wala na assurance kahit atensyon kahit konti lang sana maibigay nya iyon sa akin.

Nagtagal ang usapan namin na puro pagtatanong lang kung anong nangyare sa araw namin na tila paulit ulit sa aking isip.

Wala bang bago? I want something new.

"Wala kabang ikkwento?" gusto kong maisip nya na di ako nagbago kasi wala namang nagbago

"Anong kwento ba ang gusto mo."

" Kahit ano."

"Ahh-" di nya na natuloy ang sasabihin nya nang mag ring ang phone nya

"Wait babe, i need to answer this." magalang na pakiusap nya.

Nakikita siya sa screen ng camera, maigi ko siyang tiningnan. Pormal syang nakikipagusap walang ngiwi ko anumang reaskyon ang pagsasalita nito na para bang professional na ito sa mga ganung gawain.

Nang matapos ito ay bumungad sakin ang maganda at malungkot nyang mukha.

"What happened?" nag aalala kong tanong.

"Babe, maybe we can talk again next time may kailangan lang akong tapusin ngayon promise tatawagan kita ulit mamaya." nakangiting titig nya sa akin.

Agad naman akong tumango tango saka ako magsalita.

"Okay, take your time." mahinang sabi ko saka bumuntong hininga

"Thank you babe, i love you!" masayang sabi nya sabay binaba ang tawag.

Muli akong napabuntong hininga saka napatingin sa kisame

Kaya ko ba to?

Kahit konting oras lang okay na sakin.

End of flasback

Agad akong napabangon nang mag ring ang phone ko, iningat ko ang ulo ko sa pinto ng kwarto ni Lucy pero para itong haunted sa aking paningin.

Inayos ko ang aking sarili saka naman ako umalis. Agad kong tiningnan ang phone ko at nakitang ilang missed calls na pala ang meron ako galing kay Melissa. Agad akong lumabas ng hotel at dali dali naman syang tinawagan.

"Hello love, where are you?" nagkkunwareng okay na tanong ko

"Kakauwi ko lang." malamig na sagot nya

Di ko pa nasasabi sa kanya na alam kong pinuntahan nya si Lucy at kinausap ito. Di ko pa alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

"Hey still there?" malumanay na tanong nya

"Yeah, okay get some rest love."

"Hmm okay, take care kung saan ka man ngayon." sabi nya at sabay binaba ang tawag

Di ko magawang gumalaw, di ko alam naguguluhan na ako.

Sana dumating ang oras na maging okay ang lahat sana kahit isang araw lang makaramdam naman ako ng ginhawa.

to be continued

The Depths Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon