Kinabukasan, alas sais palang ay naghanda na ako 7am ang hearing kailangan kong maging maaga doon. Kaya dali dali akong nag ayos. Lumabas ako ng kwarto ko at nagulat ako nang makita ang nasa harap ko ngayon.
"What are you doing here?" masungit na tanong ko.
"I'm here to show my support." nakangiting sagot ni Reejil.
"Tsk, tara na." at inaya ko siya wala naman akong choice na tanggihan siya.
"Di kana kakain? I prepare something for you." sigaw niya pa nang iwanan ko siya.
"Mamaya na, sakay." inis na sabi ko nang makitang pasara na ang Elevator.
"Anong balita sa pinapaimbestigan ko?" tanong ko.
"Dalawa silang magkapatid na puro lalaki at may pare-pareho silang anak."
"So tama nga ang sinasabi ni Daddy?"
"Isang lawyer si Wilson Henoroso na may babaeng anak, sa pagkakaalam ko ay nandito din ang anak niya ngayon sa Samar, at siya ang susunod na magiging taga pag mana ng Henoroso Group of Company. More on casinos and beer house ang business ng kapatid nito ni Welson which is si Congressman Henoroso."
"Ano pa?"
"At balak ni Wilson Henoroso na e-demolish itong Prema Hotel." nagulat naman sa sinabi niya.
"Bakit?"
"Ang sabi ay nakasangla ang hotel na ito sa halagang 700 million."
"700 million?" gulat na tanong ko at tumango tango naman siya.
Paanong nangyari iyon? Ang hotel na nasa tapat nito ay pagmamamay ari din ni Allyson. Kung tutuusin mas malaki itong Prema Hotel.
Pagmamay ari din ni Allyson ang Prema Hotel, paanong hindi niya alam ito?
Ang gulo
Tumunog ang elevator hudyat na kailangan na naming lumabas. Mabilis na sumunod sa akin si Reejil saka niya ako hinila papunta sa sasakyan niya.
"Wag kana mag drive, get in." at saka binuksan ang pinto ng front seat agad naman akong sumakay sa loob at bumungad sa akin ang mga pagkain sa loob.
"Eat if you want." nakangiting turo niya sa mga pagkain pero umiling iling lang ako.
"Makakaharap mo si Congressman Henoroso ngayon." biglang sabi niya.
"Ah talaga nandon siya, sayang di ko man lang nadala ang baril ko." natatawang biro ko.
"Lucy." banta nya sakin tumingin lang ako sa kanya saka siya tinaasan ng kilay, napatingin nalang siya sa harap.
"Alam ba nila tito at tita ang pagpasok mo sa kampo?" seryosong tanong niya
"Hindi."
"Bakit hindi mo sinabi?"
"Wala silang alam simula't sapol, Reejil. Ayokong malaman nila." sagot ko
Napabuntong hininga nalang siya saka pinaharurot ang sasakyan. Maya maya ay nandito na kami, palabas na sana kami ng makita ko na madaming reporter sa labas ng munisipyo.
Agad silang tumungo sakin nung makita nila ako. "Nandito tayo ngayon live sa munisipyo kung saan gaganapin ang pagatlong apila sa pagitan nina Congressman Henoroso at Patrick Javier, nakikita natin dito na papasok ang Abogado ni Patrick Javier. " malakas at mabilis niyang sabi
Inalalayan naman ako ng Reejil na makapasok sa loob at nakita ko pang ginigitgit nila si Reejil dahilan para mapahawak ito sa aking kamay hinila ko naman siya saka mabilis na pumasok sa loob.
Nagulat ako nang makapasok kami sa kabilang lamesa ay ang kampo ni Congressman Henoroso kasama ang matandang lalaki na nakasalamuha ko sa elevator. Matalim siyang tumitig sa akin kaya tiningnan ko nalang siya at umupo sa harap nina Aling Maring.
Katabi ko si Patrick kung saan nakapusas ito likod ko naman ay si Reejil. Agad na nagsimula ang hearing.
"Good morning, let's all stand up for our prayer." tumayo ang lahat para sa pagsisimula, nang matapos ay agad itong nagsimula.
Tumingin ako kay Patrick Javier at nakikita ko ang takot sa kanyang mga mata kaya hinawakan ko ang kamay niya.
"Wag kang matakot sabihin mo lahat ng alam at naalala mo." nakangiting sabi ko saka naman siya magsimulang nagsalita.
"Bata palang kami ay magkaibigan na kami ni Robert sabay kaming nag aral ng elementary sa isang pampublikong paraalan." kwento niya nang bigla itong tumigil, napatingin ako kay Reejil at saka siya tumango tango.
"He have rights to remain silents." malakas na sabi ko at nagulat naman ang abogado ni Henoroso.
"Okay, Patrick. Paano kayo naging magkaibigan ni Robert kung ganoong magkaiba ang inyong antas ng pamumuhay?" tanong ng babae.
Ngayon ay naiintindihan ko bakit apila nang apila ang kampo ni Patrick dahil hindi sila patas kung magtanong.
Nakatingin ako kay Patrick nang magsalita siya. "Minsan ko na pong tinulungan si Robert sa aralin niya kaya simula noon ay naging magkaibigan na kami" napatingin naman ako kay Henoroso na napataas ng kilay.
Tumango tango ang matandang babae kaya nagsimula na nagsalita ang bawat kampo.
"Base sa imbestigasyon namin ay isang beses lang nakapasok si Patrick Javier sa bahay ng mga Henoroso kaya hindi maaring magkaibigan sila ng ng biktima." malakas na tinig ang lumabas sa boses ng abogado ni Henoroso.
Hmmm sa palagay ko ay mahirap nga ito.
Napalunok ako at hinayaan si Patrick na magsalita, wala akong karapan na ipagtanggol siya dahil ginigisa na siya at kailangan kong manahimik.
Nakita ko namang mapalihim na ngumiti si Henoroso. Sa korte tayo makita.
Ginisi nila nang ginisa si Patrick dahilan para kabahan ito ay wala nang masagot. May dumating din na mga pulis, guro kung saan pumanig at sumisigaw ng hustisya para kay Robert.
Nakita ko kung paanong matakot si Patrick dahilan para mapa iyak ito. Hinawakan siya ng kanyang ina sa balikat saka ito tinapik tapik.
Agad na natapos ang hearing, more investigation ang mga ito muli namang nabuksan ang nasarang kaso at dahil doon ay nagkaroon ako ng maliit na chance.
Palabas na kami ni Reejil nang hawakan ni Aling Maring ang aking kamay.
"Minsan na akong sumuko sa kasong ito atty. sana ay makiisa sa atin ang kapalaran." malungkot na saad nito.
"Wag kayong mag alala magaling na abogado yang si Lucy." sabat naman ni Reejil.
Magaling pala ah
Nakatakda ang paghaharap namin sa susunod na linggo. Sa ngayon natatakot para sa mga taong sumusuporta sa kaso ni Patrick sadyang makapangyarihan nga si Henoroso.
"Maraming salamat." ngiting sabi ni Aling Maring.
Nakangiti namin siyang tinalikuran at saka kami lumabas ng munisipyo, muli naming nakita ang mga reporter sa labas at batid kong gusto nila akong makausap.
"Tara na, hindi ka pwedeng maglabas at magsalita sa mga iyan." naiinis na sabi ni Reejil agad naman akong sumunod sa kanya para makasakay sa kotse.
Kausapin niyo na lamang ako pag nanalo na ako para naman makita kong naiiyak si Henoroso.
BINABASA MO ANG
The Depths Of Love (COMPLETED)
RomanceWOMEN LOVING WOMEN #WLW PAG IBIG, PANGALAN, PROPESYON AT PAGPAPAUBAYA.