CHAPTER 38

78 6 0
                                    

Lucy's POV

Nagulat nang makatanggap ako ng tawag galing sa Ina ni Allyson. Gusto niyang pumunta ako ng Samar sa thanksgiving at para sa nalalapit na muling pagbubukas ng Hotel.

Wala na sana akong balak na bumalik pa ng Samar dahil iniisip ko si Mellisa, alam kong nappressure siya ngayon pero wala na akong choice.

Kaya nandito ako ngayon sa sasakyan ko at pinapaharurot ito papunta ng Airport. Mabilis lang ang naging biyahe ko at agad akong nakarating ng Samar.

Dating gawi, nakarating ako sa Samar at nag check in ako sa isang hotel sa bayan pumunta din ako ng rental cars para mag renta ng sasakyan na magagamit ko.

Nang makarating na ako sa Hotel ay kaagad akong naligo at nag ayos, nag blower ako ng buhok ay nagsuot ako ng light na make up para lang magmukha akong tao at hindi patay.

Nakalabas na ako ng hotel saka naman ako sumakay sa aking sasakyan tinahak ko naman ang daan patungo sa bahay nila Allyson hindi naman ito kalayuan kaya hindi ako nahirapan.

Nang makarating ako sa labas palang nakikita ko nang madaming tao bumusina pa ako at sinalubong kaagad ako ni Allyson. Bumaba naman ako ng kotse at nagtinginan pa sa amin ang mga tao.

"Kamusta?" agad na tanong ko saka naman siya ngumiti.

"Ito magaling na, salamat sayo." nakangiting sabi niya.

Nginitian ko nalang din siya saka ko naman napansin na lumabas ang ina ni Allyson.

"Atty!.." sigaw niya pa saka ito napatili.

"Magandang araw po, kamusta po?" tanong ko saka naman niya ako hinawakan sa beywang at inakay sa loob.

"Nako ito ay okay lang, ikaw kamusta kana bakit hindi mo man lang dinalaw si Allyson sa hospital?" tanong niya.

Ay pati yon responsibilidad ko?

"Ah may kaso po kasi akong inasikaso non busy lang din po hehe." nahihiyang sagot ko.

"Hayaan mo na ang mahalaga nandito kana." at sakto noon ay nakapasok na kami.

"Ah ma, tinatawag ka doon." turo pa ni Allyson sa loob.

"Ah sege ikaw muna ang bahala sa kanya ha, attorney see you later!" sabi niya tinanguan ko nalang din siya saka ngumiti.

Tinanaw ko pa ang paligid nang mapansin kong wala si Mellisa.

"Where's Mellisa?" agad na tanong ko kay Allyson. Nagiwas naman siya ng tingin sa akin pagkatapos ay sumagot ito.

"Hindi muna kami nagkikita ngayon." malungkot na sabi niya.

"Bakit?" tanong ko.

"She want space.." sagot niya at naguluhan naman ako.

Maya maya ay inanyayahan niya akong pumasok sa loob at pinakilala pa sa mga taong nandun.

Naninibago naman ako kay Allyson dahil bakit siya pumayag na bigyan si Mellisa ng space hindi niya ba alam na nag s-self blaming siya. Base on my observation she's suffering from anxiety and hindi iyon biro nakikita ko sa mga mata niya na hindi siya okay.

Masaya akong nakikipag kilala sa mga taong nandun sunod sunod pa ang mga tanong nito tungkol sa trabaho ko.

Muling nag tagpo ang mga landas namin ng kanyang ina nabanggit pa nito na wala ang Lola ni Allyson dahil umuwi ng Probinsya nito.

Nagsimula ang thanksgiving mass at walang ibang binabanggit ang ina ni Allyson sa mga tao na ako si Attorney Lucy ang nag ligtas sa kanyang anak sa kamay ng mga Henoroso.

The Depths Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon